24

2.9K 83 7
                                    

Pagkatapos ng insidente sa kotse ay nakarating na kami sa apartment slash bahay namin ni Heiji.

Bumaba na ako ng kotse niya at kinuha ko na ang susi ng bahay namin para buksan iyon ng lumabas si Ate Cheryl sa bahay nila.

"Oh Cristlea, bakit ang aga mo ata."

Gagad niyang tanong at mabilis na napabaling sa katabi ko ng marealized na may kasama ako.

"Boyfriend mo?"

Taka pa din niyang tanong kaya nanlalaki ang mga matang umiling ako.

"Naku hindi. Ah oo nga pala, Ate Cheryl, si Sir Froisty." Pakilala ko sa kanila.

Tumingin naman ako kay Sir Friosty na nakatingin lang saakin. "Ah, Sir Froisty si Ate Cheryl nga pala. Land lady ng inuukupa naming bahay."

Inialis naman ni Sir Friosty ang tingin saakin at tumapon iyon kay Ate Cheryl.

"Magandang Tanghali sayo Sir Friosty. Boss ka pala nitong si Cristlea."

Natatawang pahayag ni Ate Cheryl at iniabot ang kamay sa Boss ko na agad din naman niyang tinanggap.

"Same here and yeah. Im his Boss. Nice to meet you Cheryl." Sagot naman ng Boss ko at tumango pa bago tumingin ulit saakin.

"Naku, kumain na ba kayo? Cristlea buksan mo na ang pinto niyo baka naiinitan itong boss mo."

Nagmadali naman akong isulot ang susi sa door knob ng pinto namin at itinulak iyon pabukas kaya sabay- sabay na kaming pumasok.

"Ate Che, si Heiji po pala asan?" tanong ko ng mailapag ko na sa round table ang bag ko.

"Upo ka na muna. Anong gusto mong inumin?" Tanong ko din naman kay Sir Friosty ng makaupo na ito.

"Tubig na lang." Sagot niya at inilibot ang tingin sa buong paligid.

"Sa kusina na muna kami, jan ka na muna okay lang?" Tanong ko pa ulit ng abala padin ito sa pag tingin sa paligid.

"Sure. Take your time." Saad niya nalang kaya tumango na' ko at hinila na si Ate Cheryl patungo sa kusina.

"Ahh!" Impit na tili ni Ate Cheryl kaya mahina ko nga itong hinampas sa braso.

"Ate naman."
Suway ko at naiiling nalang sa ginawa niya.

"At bakit aber?!"

Exaggerated niyang sambit at sumalampak sa isang upuan sa lamesa.

"Ang guwapo ng Boss mo at amoy mayaman!" Kinikilig pa nitong pagpapantasya.

"Gusto mo sayo nalang." Natatawa ko nalang na sambit at kumuha na ng mga iluluto ko.

Adobo nalang ang ihahain ko para mabilis. Magugustuhan naman niya siguro iyon hindi ba?

"Aba'y sige. Ang guwapo na at halatang mayaman. Pero di nalang pala. Baka gumanda pa ako lalo pag sumama ako kay Fafa." Humahagikgik niyang biro kaya napatawa din ako.

"Ikaw talaga ate." Natatawang bulalas ko at nag-umpisa ng maghiwa.

"Pero seryoso ha. Feeling ko may iba sainyo." Saad niya ng may seryoso ng tono.

The billionaires Touch (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now