17

2.8K 97 0
                                    



Pagkatapos naming kumain ay sinabi na ni Sir Friosty kay Fiona na gawin na ang preparation sa pag aayos saakin.


Kaya ngayon ay nasa pangalawang palapag kami at nasa dulo naman ang fitting room para sa mga damit na isususkat ko daw.

Sa lugar na ito ay napapaligiran ng salaming pader na nakapalibot sa harapan ko at nakaupo na ako sa isang upuan dito at ayaw nila akong patayuin. May bakla naman na nasa likuran ko.

"Alam mo madam." Napatingin ako sa kaniya sa repleksyon sa salamin at nakita ko siyang nakangiti.

"Ang ganda ng kutis mo, pwede ka ng mag modelo." Papuri niya kaya napaiwas ako ng tingin at ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisnge ko.

"Hala siya nagba blush." matinis na sigaw nito at sinabayan pa ng nakakalokang tawa.

Napanguso na lang ako at pinabayaan siya. Pagkalipas naman na ilang minuto ay sumeryoso na ito at muling nag tanong saakin.

"May something ba kayo ni Mr. Friosty Ma'am?" Tanong niya habang hinahawakan at inaayos ang dulo ng buhok ko habang hindi pa sila nag uumpisa dahil sila Fiona ay nag hahanap pa ng gown na gagamitin ko.

Naglapat naman ang mga mata namin sa reflextion sa salamin at mabilis na umiling.

"Hindi no!" Pag aapila ko.

"I'm just here because he ask me to be his date tonight. Tsaka sekretarya niya ako at mali iyon kung magiging kami." Pag bibigay ko ng katotohanan pero parang hindi siya naniniwala sa pinaliwanag ko.

"Ganon? Pero alam mo ba madam na ngayon lang siya nag dala ng babae dito at kami pa ang ipinaasikaso sayo? Well, kasi noon ay ayaw niyang pumupunta dito." Halos lumuwa naman ang mga mata ko sa narinig.

"Seryoso ka ba jan?" Walang inhibitasyong tumango ito.

"E, wala nga kami. Uy, walang malice ha. Secretary lang talaga niya ako." Pilit kong pag dadahilan kaya mahina itong natawa kaya napanguso na lang ako.

"Huwag ka ng sumimangot jan madam. Alam mo maganda ka, may ityura, sexy at nakikita kong mabait ka naman. Magaan rin ang awra mo at hindi ka maarte sa katawan. Hindi katulad ni Ma'am Patricia." Parang nanlaki yata ang tenga ko at nakuha niya ang atensyon ko.

"Kilala mo si Patricia?" Gulat kong tanong kaya malaki ang ngising tumango siya saakin.

"Oo naman. Alam mo madam ang sungit pero nagustuhan--" mag sasalita pa sana siya ng biglang sumulpot ang isa nitong kasamahan at nakita ko pa ang mahinang pag kurot dito sa tagiliran kaya napataas ang kilay ko.

"How Bakla! Ano nanaman ang mga ikinukuwento mo kay Madam Clea huh? Ikaw huh! Hay naku Madam huwag kang makikinig jaan at isang chismosang baks yan." Malandi at matinis na asik nito at siya naman ang pumalit sa pwesto ni Fredie kanina.

At itong nasa likod ko naman na ay si Helen. Pareho silang bakla pero mas may katawang babae itong si Helen kaya hindi mo makikitang binabae ito dahil sa pananamit niya.

Naka mini skirt at gray off shoulder ito na pinerasan pa ng makapal na kolorete sa mukha at samahan mo pa na parang babae ang boses nito.

"Kilala mo ba si Patricia, Helen?" Sa kaniya ko naman na ibinaling ang tanong dahil si Fredie ngayon ay inaasikaso na ang mga make-up kit nito na gagamitin.

Natigagal naman ng matagal si Helen bago masiglang ngumiti at kita ko na ang pag iiba nito sa paksa namin.

"Ang ganda ng hubog ng mukha mo Madam Clea. Alam mo tama nga si Sir V. Kailangan ka ngang ingatan dahil sa panahon ngayon ay oonti na lang ang may ganitong mala anghel na mukha." Papuri pa nito saakin kaya nakaligtaan ko na tuloy ang paksa namin kanina.

The billionaires Touch (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now