33

2.4K 63 6
                                    

Pagpasok palang namin sa Mansion ay bumungad na saamin ang magagarang gamit na nasa loob. Mula sa marmol na sahig hanggang sa mala gintong kulay ng chandelier na naka sabit sa malawak na kisame.

Sa paglibot ng aking mata ay hindi ko maiwasang kainggitan kung sino man ang may-ari ng Mansion na ito.

Ang ganitong bahay ay isa sa natamasa ko noon ng hindi pa nangyari limang taon na ang nakalipas.

Pagak nalang akong napangiti at hinukay sa alaala ko ang mga nangyari noon.

Nakakatawang isipin na sa isang pagkakamali naming magkakaibigan ay mawawalan din ng tiwala sa isat-Isa ang mga magulang namin.

Isa sa pinaka Mayamang angkan ang Pamilya Montisor. My dad, Santiago Montisor ay isang kilalang Governador at ang Ama naman ni Alieghya na si Alessandro Haverston ay isa namang Mayor.

Sa nangyari saakin na kagagawan nila Alieghya at Sabrine ay nagka watak-watak din ang partido liberato ng pamilya namin.

Kilala sa bansa ang Pamilya namin pero ng mangyari ang insidente five years ago ay itinago ako ng lolo ko at ng tatay ko.

Ang sayang isipin na dahil sa init ng katawan ay nagawa nung sirain ang tiwala at pagkaka-isa ng pamila.

Pinalayas ako because of what I did. Tingin saakin ng kamag-anak namin ay isa akong disgrasyada at malanding babae.

Sinisi ko ang sarili ko noon dahil tama naman ang mga sinasabi nila. Isa akong malandi dahil nagpagalaw ako kahit hindi ko nakilala ang lalaking nakakuha ng pagkababae ko.

Hatid iyon ng alak, yes. Naisisi ko ang nangyari kila Alieghya at Sabrine dahil sa galit at hinanakit ko sa Pamilya ko.

Bakit hindi? All my life nakukuha ko ang gusto ko pero sa isang kisap mata na gawa ng isang gabi na puno ng pagkakamali ay nawala saakin ang marangyang buhay at mala kamang pera dahil sa kagagahang nagawa ko noon.

Pero.. kung hindi nangyari iyon ay wala si Heiji sa tabi ko. Hindi ko marerealized na mas mainam na kumayod ako para sa sarili ko at gastahin ang sarili kong pera kaysa iasa ko sa pamilya ko ang mga bagay na dapat ako na dapat ang may control.

Natutuhan ko na masayang gamitin ang perang pinaghirapan ko kaysa naman gamitin ko ang perang hindi ko alam kung saan galing.

Nakakatawa. Pero at the same time nakakalungkot dahil hindi ko kilala kung sino ang tunay na tatay ng anak ko.

'Paano pag nakita mo na siya?'

Tinig na mula sa likod ng isip ko. Napakagat labi nalang ako at napangiti ng pagak.

I don't know what I could say kung makaharap ko siya. Natatakot din kasi ako na baka masamang tao siya at ilayo niya saakin ang anak ko.

Si Heiji na lang ang buhay ko ngayon at hindi ako makakapayag na makuha ng kung sino ang buo ulit sa buhay ko.

To that man?

Kung sino man ang tatay ni Heiji ay hindi kona aabalahing kilalanin dahil masaya na akong makasama ang bata kahit na alam niyang Ate niya lang ako.

Mahina nalang akong bumuntong hininga at tinignan sila Heiji at Froisty na masayang nag kukulitan habang nakaupo sa may sahig.

"Magandang tanghali Hijo." Sabay kaming napatingin nila Heiji sa pianggalingan ng tinig na iyon.

Nakita namin ang isang may katandaang lalaki na may hawak na tungkod.

"Asawa mo na ba itong kasama mo? O' ginoo ang laki na pala ng anak mo." Para akong napipilan sa narinig.

The billionaires Touch (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now