28

2.7K 73 7
                                    


Maaga akong nagising dahil siguro sa paninibago sa lugar kung nasaan ako. Hindi rin kasi sanay ang katawan ko sa klima sa Nueva Ecija kaya siguro ay maaga akong napabangon sa higaan.

Pumunta lang ako sa kusina at duon ko nakita si Angie na nagkakape habang nakasuot ng pang-trabaho yata nito. Ngumiti naman ito kaya tinanguan ko naman at ngumiti pabalik.

"Magandang umaga." Bati niya kaya nagsalita rin ako pabalik.

"Magandang umaga."

Kumuha na ako ng tasa at nag timpla ng kape dahil malamig nga ang simoy ng hangin dito at medyo may hamog pa sa labas nung sumilip ako.

Sumandal lang ako sa counter top at pinagmasdan siyang mag ayos para siguro sa trabaho niya. May lunchbox at sandwich sa mesa na tiyak kong baon niya.

"Tuwing gabi pala ang uwi mo?" Kuryosong tanong ko ng hindi makatiis. Humarap naman siya saakin at maliit akong nginitian.

"Oo. Sayang kasi ang pamasahe kung umuuwi pa ako tuwing tanghali. Tsaka medyo may kalayuan ang Hospital na pinagtatrabahuhan ko." Malamyos niyang paliwag na tinanguan ko naman at humigop nalang sa tasa na hawak ko.

"Maiwan na muna kita. May nakita akong bench sa baba, magpapahangin lang ako." Paalam ko at tumango naman ito.

Kaya gaya ng sinabi ko ay lumabas na ako ng bahay at umupo sa bakal na upuan sa hardin na malapit lang sa bahay na kinauupuan ko.

Napasinghap nalang ako ng biglang may magtakip ng mga mata ko. Kung hindi ko pa naamoy ang pamilyar na halimuyak ng pabango niya ay hindi ko pa malalaman.

"Friosty, stop this okay. Alam ko naman na ikaw yan." Sa sinabi ko ay narinig ko na ang mahina niyang tawa na masarap sa pandinig.

Marahan naman niyang inalis ang kamay sa mata ko kaya napakusot pa ako ng mga mata bago dumilat pero tumambad naman saakin ang tatlong tangkay ng rosas.

I looked at him confused pero may sumusupil na ngiti sa labi dahil sa kilig na nararamdaman.

"At anong pakulo naman iyan?" Kunyaring inis na tanong ko pero yung kilig ay sumusupil sa may labi ko.

"I'll give my three red roses to my beautiful and wonderful woman infront of me." He said.

"T-thank you." Tanging na sambit ko na lang dahil speechless. Madami na din naman ang nanligaw at sumubok na mag bigay ng bulaklak saakin pero ngayon ay speechless ako.

Dati ay itinatapon ko lang ang mga bulaklak na binibigay saakin pero itong hawak kong bulaklak ay special.

Malamlam ko siyang tinignan at malawak na nginitian. Umupo naman siya sa may harapan ko at hinawakan ang kamay ko. Pinaglalaruan.

"Goodmorning. Do you want anything?" He ask after a few minutes of being quiet.

Umiling naman ako bago itinaas ang baso ng kape na tinimola ko at sumimsin ng bahagya.

"Masarap?" Tumango ako sa tanong niya at ng mag-angat ako ng tingin ay nakangisi na siya.

"Mas masarap pa sakin," natatawa niyang sambit na inirapan ko naman pero may multo padin ng ngiti na sumusupil saaking mga labi.

The billionaires Touch (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now