03

5.9K 172 7
                                    

MAAGA akong nagising dahil may pasok ngayon ang kapatid ko. Bumangon na ako sa kama namin at nakita kong natutulog pa ito.

Pinagmasdan ko muna siya ng ilang minuto hanggang sa napagpasyahan ko ng lumabas ng kwarto para magluto ng babaunin nito.

Humigit kumulang isang oras ang ginugol ko sa pag aayos ng gamit nito.

Tinignan ko ang wall clock at alas siete na. Alas otso ang pasok nito kaya may oras pa na maligo at kumain ng umagahan.

Inihanda ko na ang lahat tsaka ako pumasok sa kwarto at marahan itong niyugyog sa balikat.

"Heiji.. baby gising na." Malambing na sabi ko at malulutong na halik ang ibinigay ko dito.

"Ate?" Namumungay ang mga matang tumingin ito saakin. Kinusot-kusot nito ang mata at ngumiti ng konti.

"Gising ka na baby Ji. Diba may pasok ka ngayon? You should take a bath na para makakain na ikaw."

Nakangiting saad ko at marahang hinahaplos ang malambot nitong buhok.

"Aga pa Ate koo. Sleep muna ako fleece?" Aww! My baby is cute.

Ang cute niya pero hindi na pwede. Malalate na siya sa school n'ya eh.

"No baby.. Ayaw ni Ate na nalalate ng Heiji niya. Kaya bangon na jan, liligo na."

Naglalambing na iniyakap niya saakin ang maliit na braso kaya naiiling nalang akong binuhat ito.

"Ikaw ha.. big boy kana pero nag papabuhat ka pa din." Marahang boses na sabi ko at tinungo ang banyo.

Iniupo ko naman muna siya sa sink at iniayos ang kaniyang paligo.

"Baby pa ako Ate.. tignan mo oh, ang liit pa ng hands and feet ko. Sabi ni Nay' Che ay dapat daw mataba daw ang hands ko para maging big boy na."

Natatawang nilingon ko ang kapatid ko at nakita ko ang nakakunot nitong noo habang nakanguso ang mamula- mulang labi.

"Tama baby.. your my baby Heiji kaya hindi pa big boy si Baby Heiji. Liit kapa. At hanggat maliit pa ang bunso ko magiging mabait ka kay Ate." lumapit ako sa kaniya at matamis ko siyang nginitian.

Ginulo ko ang medyo may kahabaan ng buhok nito na kulay itim na hinaluan ng pagka brown. Ang gwapo ng kapatid ko. Isabay mo pa ang pierce Gray eyes nito.

Ang cute lang at natitiyak ko na sa pag laki ng Baby ko ay madaming paiiyakin girls.

"Opo Ate.."

nakangiti na niyang usal kaya sinuklian ko naman iyon.

Hinalikan ko na muna siya sa pisngi at inumpisahan ko na siyang paliguan.

Hindi naman malikot ang kalatid ko. Mabait naman ito at mabilis pakiusapan, matalino at bibo rin ito. Sa gulang na lima ay alam na niya ang pagsulat ng pangalan niya, pagbibilang at pagmememorya ng mga hugis at kulay.

Meron na din siyang alam sa ingles na kahit minsan ay bulol-bulol ang pagkakabigkas.

Pagkatapos namin sa banyo ay binihisan ko na siya ng kaniyang uniporme.

The billionaires Touch (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now