06

4.5K 132 6
                                    

"Dito na lang."

Saad ko kay Aeson sa kanto dahil ayaw kong makita niya muna si Heiji. Hindi naman sa ipinakakait ko ang kapatid ko pero ayaw ko lang talaga.

Nilingon naman niya ako ng may nagtatakang mga mata kaya ngumiti muna ako bago nagsalita.

"May bibilin pa kasi ako sa Convinience store bago ako umuwi. Pwede ka ng umalis Aes. I'm fine here." inialis ko na ang suot kong Seatbelt.

"Are you sure?" Puno ng pag-alalang saad niya kaya ngumiti na lang ako at tumango.

"Oo naman. Wala namang mga masasamang tao dito sa lugar so no need to worry. Sige na ingat ka sa biyahe." Nakangiting paalala ko at bumaba na sa kotse.

"Hey Cristlea." Napabaling ang tingin ko kay Aeson ng makita siyang bumaba ng sasakyan.

Tinaasan ko siya kilay at nag- aabang sa sasabihin niya.

"Can I have you number?" Tanong niya kaya mas lalong tumaas ang kilay ko.

"Bakit manliligaw ka? Aba't matinde!"

Puno ng pag-aakusang sambit ko at pinanliitan siya niya mga mata pero bigla niya akong pinitik sa noo.

"Silly. Hindi tayo talo babe. Gusto ko lang makuha number mo to have a connection to you." He said.

Naiiling nalang ako sa kaniya at inilahad ko ang kamay ko sa kaniya para kuhain ang cellphone niya na mabilis naman niyang ibinigay saakin.

Mabilis lang akong tumipa at ng mailagay ko ang number ko ay isinave ko na iyon at di ko na tinawagan ang cellphone ko. Nasa kaniya naman na.

"Oh. Wag kang tatawag ng wala sa oras ha! Ib-block ko number mo." Paalala ko sa kaniya.

"Yes captain!" Sumaludo pa siya at nakangising ginulo ang buhok ko at sumakay na sa kotse niya.

"Alis na ako. Ingat ka ha." Sigaw niya pa kaya tinanguan ko lang naman iyon at inihatid ko na lang siya gamit ang mga mata ko hanggang sa hindi na siya matanaw ng mga mata ko.

Tumalikod na ako at umuwi sa bahay namin. I look at my watch at napasapo nalang ako ng noo ng makitang mag aalas sinco na.

Nagamadali na akong umuwi at ng makapasok ng bahay ay naabutan ko si Heiji sa sala at nanunuod na.

Napatingin siya saakin at tinignanang anyo ko na ikina arko ng maliit niyang kilay.

"Nag work ka po ate ko?" Malambing niyang sambit kaya tumango ako.

"Yes baby. Ate need to find a job para mabili kita ng foods and makapag school ka."

Nakangiting paliwanag ko habang nag tatanggal ako ng sapatos at inilagay iyon sa shoe rack.

Inilapag ko naman muna ang bag ko sa sofa at dumiretso sa kusina para mag luto ng hapunan namin.

Naramdaman ko naman siyang sumunod saakin sa kusina at tumuntong sa countertop para panuorin ako.

"Pag laki ko ate ako na po ang mag wowork ha. No need na po ikaw mag work para makapag pahinga ka okay." Nag thumbs up pa.

Ang mga sinabi niya ay biglang pumukaw sa puso ko. Ang sarap pakinggan na sinasabi niya iyon kahit na sa murang edad. Nakakataba lang sa puso.

Lumapit ako sa kaniya at marahan siyang hinalikan sa noo at hinaplos ang pisngi niya.

"Pero hanggang baby ka pa, ako na muna ang mag wowork okay. Hindi ka pa makakapag work dahil baby ka, kaya mag school ka muna to learn more okay." I said.

The billionaires Touch (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now