13

3.3K 103 0
                                    

Lumipas ang ilang araw pero hindi ko na nakikita si Sir Friosty na pumapasok sa loob ng Opisina niya.

Sa kalkulasyon ko ay mag iisang linggo na ito. Gusto
ko mang tanungin kung bakit pero hindi ko nalang ginawa dahil Boss ko siya at gaya ng sinabi ko nung nakaraan ay hindi magandang tignan iyon.

I sighed in a couple of times right now. Nasa loob ako ng Cafeteria dahil lunch time na pero wala akong gana.

Nag kape kasi ako kanina pero mas dumadagdag pa kasi na ang dami kong ginagawa sa opisina dahil wala si Sir.

Napapagod na ako pero kailangan kong magtrabaho dahil para ito saamin ni Heiji.

Wala naman kasing mag-aalaga saamin at walang mag bibigay ng pangangailangan namin kung hindi ako mag sisikap na mag trabaho.

Si Aeson ay hindi naman siya tumatawag saakin kaya hindi ko alam rin kung bakit.

Si Shione yung lalaking kumausap saakin na huwag akong makipaglapit kay Sir. Friosty ay hindi na rin nagpakita rito sa opisina.

Muli akong napabuntong hining at napatigil ng biglang may maglapag ng tray sa mesa ko kaya napaangat ako ng tingin.

I saw a guy who was standing in front of me. "Hi." Saad nito kaya napalingon ako sa likod ko at sa gilid ko pero wala naman akong nakitang nasa gilid ko at narinig ko ang mahinang tawa nito kaya nabalik sa kaniya ang tingin ko.

"Ako ba?" Turo ko pa sa sarili ko.

Tumango naman ito at mahina ulit na tumawa kaya nakita ko ang biloy nito sa kaliwang pisngi.

Gwapo naman siya pero mas gwapo si Sir. Friosty. Matangos ang ilong pero mas nakakaakit ang sa Boss ko. Maganda ang mga mata na may kulay Brown pero mas masarap tingnan ang mata ni Sir.

Macho din siya at nadedepina ang bawat arko ng katawan pero mas malaki ang katawan ni Sir. Friosty dahil sa laki ng muscles nun na kaya na akong buhatin.

Matangkad din ang nasa harap ko pero nakikita kong mas matangkad si Sir Friosty. E, bakit ko nga ba pinag ipinagkukumpara angbdalawang iyon?

Malala na talaga ako. Nailing nalang ako sa mga iniisip ko at tumingin ulit sa lalaking nasa harapan ko.

"Can I sit here?" He ask kaya napataas ang kilay ko. Nakita niya yata ang mukha ko kaya nagsalita ulit 'to.

"Wala na kasing vacant table. Ikaw na lang kasi ang nakita kong walang katabi and you have a free chair so I guess your alone right?"

Alam na niya ngang mag-isa ako tatanong pa siya ng right. Nailing na lang ulit ako sa naisip ko dahil bukod sa obvious na ay nagtatanong pa.

Napahinga na lang ako ng marahan at tumango kaya ang laki ng ngisi nito habang umuupo sa katapat na upuan ko.

"I heard that you are the new secretary of Mr. Dela Vytch, Tama ba?" He was trying to have a conversation.

Kahit na ayaw kong sagutin dahil wala ako sa mood ay ngumiti na lang at tumango.

"Woah!" He said in exaggerated voice. What the heck?

"Ikaw lang ang tumagal sa kaniya. Ano ang ipinakain mo sa Boss mo at hindi ka pinaaalis?" Tarantado?

Naoffend ako sa sinabi niya at below the belt ang mga information na nalalaman niya.

I sighed at pinanatiling walang emotion ang mukha ko at malamig ang tingin sa mga mata.

"All due respect Mr.." napahinto ako at tinignan ko ang I.d niya at duon ko nalaman ang pangalan niya. "..Mr. Funtalozo. I dont know what are you talking about but I'm just here for work. Wala na rin sa lakap ng impormasyon mo kung may ginagawa man ako or wala. But just to clarify some shitty things. Wala akong pinakain sa Boss ko. Pero baka sayo meron pag hindi ako nagtimpi." Mahina ngunit mariing sambit ko at sinamaan ito ng tingin.

The billionaires Touch (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now