Chapter 7

789 55 4
                                    

I'm good at accepting things and letting it the way it is. Sa mga nakalipas na taon, sa mga hindi magandang karanasan ko sa buhay, natutunan ko kung paano tumanggap ng pagkatalo. In the game of life, you'll probably get the reward for winning and pain for not. But in my case, I always recieve pain. Sasaya lang ng konti, pero sa iisang lugar pa rin naman ang bagsak ko.

At kaming mga talunan lang ang nakakaintidi niyon.

That's why I chose to accept things to lessen the pain in my heart. Sa ganoong paraan ay hindi ako masyadong masasaktan. That is one of my assets. Kaya kong dumiskarte para sa sariling nararamdaman.

"Diego, bakit hindi mo kasama si Dora?" nang-aasar na anas ni Sison kay Diego. Nagtawanan ang tropa. Well, it's not really their way of bullying a person, talagang alaskador lang sila. Mabuti na lamang at hindi sila pinapatulan ni Diego.

Tumayo ako at lumapit sa lalaki. It's been weeks simula nang una ko siyang makita rito. Naroon siya sa malayong banda at nanonood ng mga kabataang nagbibilyar. I approached him once, sabi niya gusto niya raw matuto maglaro.

"Pumupunta ka pala sa mga ganitong lugar?" gulat na anas ko nang makita ko siya rito isang hapon.

Umangat ang tingin niya sa akin. Parang nagtataka sa mukha ko. Minutes later, I sensed recognition in his eyes. Napabuga ako ng hangin. Muntik pa yatang makalimutan ang mukha ko.

"Ginamit itong chess tournament venue noong nakaraan, kasali ako roon. Akala ko may mga naglalaro pa rin ng chess tuwing hapon kaya ako pumunta." paliwanag niya.

Tumango-tango ako.

"Bilyaran naman na ito dati pa."

"What? Ginamit nga itong chess tournament venue."

Kumunot ang noo ko sa kaniya. Ilang linggo na rin simula ng huli kong makita ang lalaking ito. Una at huli naming interaksyon iyong tinulungan niya ako no'ng pinipilit ako ni James. Pagkatapos ay hindi na muli kami nagkita pa.

"Oo nga pero bilyaran talaga ito dati." kunot-noong anas ko. Bakit pakiramdam ko may ipinaglalaban siya sa tono ng boses niya? "Marunong ka ba maglaro? Tara bilyar tayo." pang-aakit ko kalaunan.

"Hindi pa ako marunong." sagot niya.

Nalaman ko na pinagmamasdan pala niya ang mga naglalaro para matuto. Kaya inakit ko siya na sa grupo na namin pumuwesto tutal hindi hamak na mas magagaling kami kumpara sa ibang narito.

"Alam mo, hindi ka matututo kung palagi ka lang manonood." anas ko nang makalapit sa kaniya. Nasulyapan ko pa sina Jacques at Ezperanza na nanonood sa amin. Kaagad akong nag-iwas ng tingin. "Mas maganda kung may mag-dedemo sa'yo."

Takang tumingin sa akin si Diego. Nararamdaman ko talaga na nakukulitan siya sa akin. Madalang niya ako kausapin. Miski sina Sison ay hindi niya kinikibo. Siguro dahil na rin sa mga pang-aasar  nila.

"Twelve, pahiram nitong patpat mo." paalam ko sa lalaki at kinuha ang cue stick niya.

"Hoy anong gagawin mo riyan?!" pahisterikal nitong tanong. Umirap ako. Para namang may gagawin akong masama sa cue stick niya.

"Tuturuan ko lang itong bagong tropa natin. Alam niyo namang bawal sa grupo ang hindi magaling tumira 'di ba." pagpaparinig ko at sumulyap kay Warton.

"Bakit sa akin ka nakatingin?" painis nitong anas. Umiling lamang ako at muling lumapit kay Diego. Ibinigay ko sa kaniya ang isang cue stick saka ako pumorma.

"Ganito, pagmasdan mo muna kung paano ako tumira ha?" utos ko sa kaniya. Hindi siya tumango. Tumitig lang. Nanatili namang nakapanood sa amin ang mga kaibigan. Umayos ako ng porma at sinipat ng maigi ang bola. Nang tirahin ko ito ay dalawa ang pumasok sa butas. Narinig ko ang palakpakan ng ilang tao sa paligid na nanonood pala sa akin.

Under the clouds (Guevarra Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon