Chapter 30

777 50 30
                                    

"Madelaine, hindi ka ba papasok ngayon?" Kinatok ako ni Tita Christine kinabukasan nang tanghali na ay hindi pa rin ako bumabangon mula sa higaan.

Gusto ko sanang umabsent muna ngayon. Pero hindi ko naman pwedeng gawing dahilan ang katamaran. I just want a break for today. 

Or maybe, I just don't want to admit to myself that I'm avoiding a certain circumstance. Baka kasi kapag pumasok ako ngayon… magkita ulit kami. May possibility, pero ayoko namang maging assuming. 

Hindi naman siguro siya magagawi ulit sa pinagtatrabahuhan ko 'di ba? He should be busy with his life. Sana talaga hindi na siya bumalik doon. I don't want to meet him for another time. Hindi ko rin alam kung paano ko siya haharapin kapag nagkataon. 

"Okay lang po ako, papasok ako ngayon." anas ko saka bumangon. 

Nanatili namang nakatayo si Tita at pinagmamasdan ako sa may pinto.

"Sigurado ka? Kanina pa umalis sina Twelve papunta sa trabaho. Tanungin daw kita kung maayos ba pakiramdam mo."

"Ayos lang talaga ako, napagod lang ako kagabi."

I wasn't able to greet them last night. Basta na lang ako pumasok ng kwarto ng hindi sila pinapansin. Baka dahil doon kaya sila nag-aalala ng ganiyan.

Tumango siya kahit halatang hindi kumbinsido.

"Sige, bumaba ka na roon at pinaghanda na kita ng makakain mo."

I thanked her after. Lumabas na rin siya pagkatapos. Ilang minuto muna akong natulala sa kawalan bago nagpasyang kumilos. Nagkita lang naman kami kahapon, hindi ibig sabihin niyon ay titigil na ulit ang mundo ko para sa kaniya.

I've learned my lessons, masyado na akong nasaktan dati na natatakot na akong sumubok ulit. Lalo na sa kaniya.

I was thankful that I didn't see any glimpse of him that day. Mukhang tama nga ang hinala ko na hindi niya ako pag-aaksayahan ng oras. Halata rin naman sa reaksyon ko kahapon na hindi ko siya gustong makita. 

"Siyanga pala, Mads," napaangat ang tingin ko kay Maryll habang kumakain kami ng lunch. "May isang lalaki ang dumaan dito kanina. Hinahanap ka, hindi kayo nagpang-abot kasi late ka na dumating."

Kinabahan kaagad ako sa sinabi niya. I wasn't able to speak for a while. Iniisip ko kung tama ba iyong narinig ko o masyado lang akong praning.

"Hoy ayos ka lang?" kinawayan pa ako nito upang muling makuha ang atensyon ko.

"Sorry, a-ano ulit iyong sinabi mo?"

"Ang sabi ko may dumaan ditong lalaki kanina. Hinahanap ka nga sa amin eh. Sabi ko naman hindi ka pa dumarating."

"Eh s-sino raw siya?" kabadong tanong ko.

Nagkibit-balikat lamang siya.

"Hindi ko natanong eh. Matangkad siya saka maputi," saglit siyang kumandirit na parang may naalala. "Basta gwapo! In-english pa ako kanina! Jusko ang lagong ng boses, sarap gawing ringtone!"

Pinagtinginan kami ng mga kasamaan dahil sa kaingayan niya. Nagulat pa ako nang malaman na pati sila ay ganoon din ang reaksyon.

"Sobrang pogi niya as in! Kilala mo ba iyon, Madelaine? Kasamahan ata niya iyong apat na lalaki kahapon."

Kaagad akong umiling sa kaniya.

"H-hindi ko iyon kilala," sagot ko. Mas maigi nang sabihin sa kanila na hindi ko kilala si Jacques. Baka kasi magtanong sila nang magtanong tapos maungkat pa ang nakaraan namin. 

Napalunok ako at sinubukang kalmahin ang sarili.

"Sinabi mo ba kung saan ako nakatira?"

"Bakit ko naman sasabihin? Saka hindi naman niya itinanong. Assuming nito," tinawanan niya ako saka bumalik sa pagkain.

Under the clouds (Guevarra Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon