Chapter 18

723 35 13
                                    

I really hate Jacques for making me felt this way. Pinaglalaruan lang niya ako. Wala naman talaga siyang pakialam sa akin. Or maybe, kagaya lang siya ng iba na gusto akong ikama kaya ako nilalapitan.

But not until I saw him the next morning waiting outside our house. Nakaupo siya sa isang bato sa gilid ng pinto at mukhang kanina pa siya rito. He immediately got up from his position when he heard the sound of clicking door. Nagtama ang paningin naming dalawa.

Same expression... ang seryoso pa rin niya.

"Bakit nandito ka na naman?" Malamig na tanong ko sa kaniya. "Hindi ba malinaw mga sinabi ko sa'yo kagabi? I told you not to show your face anymore right? Bakit ba ang kulit mo!" Puno ng iritasyon kong anas.

Nakabihis na ako at handa nang pumasok. I planned not to cross my path with him today. Pero tingnan mo nga naman ang pagkakataon, unang bungad pa lang ng umaga ko, siya na kaagad ang nakita ko.

Ayon na naman iyong seryosong paninitig niya sa akin. It made me more pissed. Because deep inside me, I am waiting for him to speak. I am waiting for him to explain. Siguro nga sa sobrang rupok ko, isang sabi lang niya, babalik agad ako sa kaniya. All I need is his answer. Iyon lang at wala ng iba.

"Madelaine..." Mahinanong tawag niya sa akin.

"What?!" I answered him with my iritated tone. Just speak up. Sabihin mo lang kung ano ako sa'yo. Sabihin mo lang kung saan mo ako gustong lumugar, ako na ang bahala sa sarili ko.

Bahala nang masaktan. 

Ang importante sa akin, you let me stay by your side and experienced the passion. Iyon lang sapat na.

But then again, the silence remained for minutes that I can't wait any longer. Nanunuot ang iritasyon sa sistema ko. Without hesitation, I left him there. Mabilis akong humanap ng tricycle na masasakyan papasok ng school. To my surprise, sumunod siya sa akin.

"Sasakay ka ba, hijo?" Tanong sa kaniya ng driver. I saw him in my peripheral vision staring at me. Nakatuon lang ang atensyon ko sa unahan at kunot na kunot ang noo. Nilapag ko naman ang bag ko sa katabing upuan para hindi niya maisipang tumabi sa akin.

Hindi nga ako nagkamali dahil napilitan siyang sumakay sa likuran. It was a whole silent ride. Tanging ingay lamang ng motor ng sasakyan ang maririnig. Mabilis akong bumaba pagkatapos at inabot ang bayad ko.

"Binayaran na nitong kasama mo, hija." Saad sa akin ng driver. Bumaling ako kay Jacques at nagtangis ang bagang. 

"Pakialamero talaga." Then again, iniwan ko na lang siya roon. I was expecting that he would still follow me hanggang sa building namin but he did not. Mas lalo akong nainis dahil doon.

Buong klase, walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang lalaking iyon. Nakakainis siya, sobra. Wala siyang kaalam-alam. Pinaglalaruan lang talaga niya ako. Naaalala ko na naman tuloy ang sinabi sa akin ni Aling Kata.

Hindi raw ako iyong tipo ng babae na hihintuan. Hindi ako marunong mag-ayos at mas lalong hindi ako mukhang mayaman. Bigla kong napasadahan ng tingin ang sarili ko. Alam kong maganda ako... pero walang-wala ito sa ganda ni Ezperanza. She's almost a goddess and I hate it. I hate comparing myself to her.

It was lunch time, pagkalabas ko pa lang ng pinto ay nakita ko na kaagad si Jacques na naghihintay sa labas. Kaagad na nagtama ang tingin naming dalawa. I chose to ignore him, pero hinarangan niya ang dinaraanan ko.

Iritado akong nag-angat ng tingin sa kaniya.

"What?"

"I... bought you a food." Mahinang anas nito, sapat lamang para marinig ko. Parang nahihiya pa siyang nakatayo sa harap ko.

Under the clouds (Guevarra Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon