Chapter 13

745 44 5
                                    

Weekend ended in just a snap of a finger. Ngayon ay kailangan ko na namang pumasok para sa magandang kinabukasan na alam kong malabo pang mangyari ngayon. Nang sumapit ang lunch break, nagulat na lang ako nang makita ang mga kaibigan ko na nasa hallway ng building namin at mistulang may hinihintay. Iginala ko ang tingin sa paligid at napagtanto na wala si Jacques doon. 

"Anong ginagawa niyo rito?" kunwari ay seryosong tanong ko sa kanila nang makalapit ako sa kanila. Most of my classmates are looking at them and giving them malicious stares. Hindi ko naman talaga sila masisisi, may itsura ang mga kaibigan ko. 

Napaayos ng tayo si Twelve at nahihiyang bumaling sa akin. Sumulyap pa siya sa mga kasamahan na parang gustong humingi ng tulong. 

"S-sasabay daw kami sa'yo maglunch."

I raised my brow. Parang kinakabahan pa sila sa magiging reaksyon ko. 

"Hindi na, mauna na lang kayo. Ayoko rin ng kasabay kumain ngayon." kunwari ay walang ganang tugon ko sa kanila. 

Nakita ko ang sunod-sunod na paglunok nilang lahat. Lumapit na rin sa amin si Sison. 

"Madz… galit ka pa ba? Higit dalawang linggo mo na kaming hindi pinapansin."

"Oo nga, wala tuloy kaming mapagtripan-

Sumabat si Cavier subalit palihim itong siniko ni Warton. 

"Pwede mo naman kasing sabihin kapag below the belt na ang mga jokes namin. Hindi iyong basta ka na lang hindi magpaparamdam sa amin. Para naman tayong walang pinagsamahan niyan." saad ni Nico. 

"So kasalanan ko pa pala? Kung ganiyang ako rin pala ang susumbatan niyo, sana hindi niyo na lang ako pinuntahan."

Namutla si Nico sa sinabi ko. Kita ko naman ang palihim na pagkurot sa kaniya ni Aaron sa kaniyang. 

"H-hindi naman sa ganoon-

"Ewan ko sa inyo." pairitadong anas ko saka sila tinalikuran. Hindi naman sila kaagad nakapag-react sa inasta ko. Of course,  they're not use to me being this sensitive. Hindi naman kasi talaga ako ganito, gusto ko lang subukan kung hanggang saan nila ako kayang suyuin. 

"Madel!" dinig kong tawag nila sa akin. Nang makahabol sila ay nakita nila akong tumatawa. Nang makita ko ang pagtataka sa mga mukha nila ay mas lalo lang akong humagalpak ng tawa. 

"B-bakit ka tumatawa?" si Twelve. 

Mas lalo akong napahagalpak. Humawak pa ako sa tiyan habang nakatingin sa mga takang pagmumukha nila. 

"Naniwala naman kayong galit talaga ako?" tanong ko habang tumatawa. Nakita ko ang pagkunot ng noo nilang lahat. "Kung nakita niyo lang mga mukha niyo kanina, matatawa rin kayo. Mukha kayong tanga."

"Ah ganoon?" pinigil ko ang pagtawa dahil mukhang hindi na sila natutuwa sa ginagawa ko. "Mukhang tanga pala ha, bahala ka diyan." anas ni Twelve saka nila ako tinalikuran. Umiling-iling pa sa akin sina Sison bago sila tumalikod at umalis. 

Kagaad naman akong nataranta at humabol sa kanila. 

"H-hoy! Akala ko ba sasabay kayo sa lunch?" 

Under the clouds (Guevarra Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon