Chapter 25

705 35 26
                                    

When we arrived in Manila, it was like an entire new world for me. Walang ganito katataas na mga buildings sa probinsya. Nagulat din ako sa dami ng mga tao. Sa sakayan, pamilihan at kung ano pa mang lugar, palaging siksikan. I find it hard to cope up at first. 

Masyado ring maingay… at polluted. Minsan pa akong nanakawan ng wallet habang nasa jeepney. 

Malaki ang paupahang bahay ni Tita Christine. Pagdating namin doon, ibinigay pa niya sa akin ang pinakamagandang kwarto sa third floor. It was quite big in compared to my room in our house. Ang laki ng espasyo, kakaunti lang naman mga gamit ko.

"Siyanga pala, bago ko pa makalimutan," may kinuha siyang kung anong papel sa bag niya at ibinigay sa akin. I stared at it carefully. I think I already know what it is. "Nakita ko iyan sa kwarto ng Papa mo. Hindi ko naibigay kaagad kasi alam kong hindi ka pa okay noon." aniya.

Kinuha ko ang papel at tiningnan ang nakasulat sa unahan nito.

'Para sa anak kong si Madelaine,

Kung mababasa mo man ito ngayon, gusto ko lang sabihin na ikaw ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay namin ng Mama mo. Mahal kita, anak-'

Mabilis kong itinigil ang pagbabasa at muling itiniklop ang papel. I was still reading the first paragraph, pero nanunubig na kaagad ang mata ko. I figured out, this is not yet the right time for this.

"Thank you po, Tita. Papasok muna ako sa kwarto," paalam ko sa kaniya. Mahigpit kong hinwakan ang kapirasong papel hanggang sa makarating ako sa kwarto. 

I hid the paper in the deepest corner of my belongings. I won't read it. I know I won't be able to read it. At least, not now. Masyado pang sariwa sa akin ang lahat. Hindi pa rin nawawala sa alaala ko kung paano ko siya naabutan noong gabing iyon.

We were supposed to have our peaceful dinner back then but it turned out into his burial. 

Kaya pala…

Kaya pala madalas ko siyang naaabutan tuwing hapon na may sinusulat. Did he spent all his remaining days writing his last message to me? Hindi ko kailangan ng sulat niya. Hindi ko kailangan ng huling mensahe niya para sa akin.

He should've hugged me instead. Para naramdaman ko man lang sana na may halaga ako sa kaniya.

Tita didn't knock on my door after. She knows that I will cry again all day long. Ganoon naman ang palagi kong ginagawa sa mga nakalipas na linggo. 

"Hoy Ana! Sigurado ka bang ayos lang na dito tayo? Kaanu-ano mo ba 'yang Christine na 'yan?"

Makalipas ng ilan pang mga buwan, may dalawang babae na dumating sa apartment. Nagulat pa ako nang mamukhaan ko ang isa sa kanila.

"Kaibigan siya ni Mama dati, nabanggit ko na sa'yo 'di ba? Saka adviser natin siya no'ng grade 8 kaya bakit ba nag-aalala ka pa riyan?" saad ni Anastacia, kung hindi ako nagkakamali, siya ang babaeng kinababaliwan ni Diego.

Huwag niyong sabihin na kaya nagpunta si Diego sa Manila kasi alam niyang nandito rin si Anastacia? 

Nakaupo ako sa sofa sa may salas, hindi naman nabaling sa akin ang atensyon ng dalawa. Mukha ring hindi nila ako kilala. Nakilala ko lang naman si Ana dahil sa pang-aasar ko kay Diego noon. Hindi ko alam na makikita ko siya ngayon ng harapan. Hindi na rin ako magtataka na nagkagusto sa kaniya ang lalaking iyon. 

Maganda nga siya, sobra.

"Magkano raw ang upa? Kapag 3k, balik na lang tayo doon sa dati ha," mukhang iritado ang isang babae. Mula nang dumating sila ay nakabusangot na ang mukha niya.

Under the clouds (Guevarra Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon