Chapter 16

766 46 18
                                    

"K-kuya Ferrer." I nodded at him nervously after I go out of Jacques' room. Hawak ko sa isang kamay ang libro na kunwari'y hiniram ko rito bilang alibi.

Mas lalo akong kinabahan nang manatili ang nanunuring tingin sa akin ng kuya niya.

"Si Jacques?" Baritonong boses na tanong nito sa akin. I bit my lower lip before I lifted my eyes on him again. He's staring at me seriously.

"N-nasa loob po." His eyebrows frowned. Siguro ay nagtataka ito kung bakit kalalabas ko lang sa kwarto ng kapatid niya. Kabado ko namang ipinakita sa kaniya ang libro na hawak ko. "Nanghiram lang po ako ng libro." Depensa ko sa sarili kahit wala pa naman siyang sinasabi.

God, he looks so intimidating. Matangkad, matangos ang ilong, makapal na kilay, naka-arkong mga labi, itim na mata at magandang hubog ng katawan. Magkamukha sila ni Jacques. The only difference is that he look more mature and intimidating.

 Nakahinga lang ako ng maluwag nang tumango siya sa akin at tumalikod. Kung nagtanong pa ito ay baka nanginginig na ngayon ang tuhod ko sa kaba.

I've only seen Kuya Ferrer in pictures downstairs. May litrato sila roong buong pamilya. Meron din mga graduation photos nila. This is the first time that I met him personally. Kung gaano siya kaseryoso sa picture ay doble pa niyon ang kaseryosohan niya sa personal!

"Oh bakit ang tagal mo?" Tanong sa akin ni Twelve nang makabalik ako sa salas. Naroon silang lahat at nagpapanggap na nagre-review. Dito kami sa bahay nina Jacques nakatambay ngayon. Midterms na kaya nag-akit silang magre-review daw. Pero halata namang nagpapanggap lang sila.

"Hindi kasi mahanap itong libro eh, nasa kailaliman pa." Katwiran ko at ipinakita ang book of ethics na hawak-hawak ko. I lied of course, the reason why it took me more than ten minutes to go out of Jacques' room is because we did something intense again.

Intense kissing session but no more than that. We know our limitations. 

Hindi nagtagal ay bumaba na rin si Jacques mula sa kwarto niya. Makahulugan kaming nagkatinginan bago ko itinuon ang tingin sa hawak na libro. Walang pumapasok sa isip ko. Ganito talaga ako lalo na at alam ko na nasa malapit lang si Jacques.

I tried to focus even if my friends talk too much. Naisip ko na hindi nga sa akin si Jacques, at mas lalong hindi ako nababagay sa kaniya dahil sa ganitong ugali ko. Parang brusko, tamad mag-aral at walang preno ang bibig.

I really thinks that I am the exact opposite of Ezperaza. Hindi ako katulad niya na sobrang bait at sobrang hinhin. Hindi rin ako mayaman kagaya niya na nag-aaral pa sa private school.

Kung gusto ko mang magbago, hindi ko lang ito gagawin para maging deserving ako kay Jacques kundi para na rin sa sarili ko. I don't want to stay forever like this. Ayokong maging mahirap at talunan habang-buhay. I need a change. Kaya naman sineryoso ko ang pag-aaral.

Matapos ang exam, nakita ko na lang ulit ang mga kaibigan ko na nasa labas ng classroom ko at hinihintay ako.

"Tapos na kayo kaagad?" Pagod na tanong ko sa kanila. I really felt so exhausted. Ang dami ng items na sinagutan namin ngayong araw. Sobrang nakakaubos ng lakas at enerhiya.

Itinaas naman ni Aaron ang braso niya, halatang nagyayabang.

"Sus sobrang easy naman pala niyang midterms na 'yan. Tinanong ko pa nga professor ko kung meron bang mas mahirap." Lumapit ako sa kaniya at sinapak siya sa braso.

"Ang yabang mo!" Komento ko. Nagtawanan silang lahat.

"Parehas pala tayo eh, namimigay pa nga lang professor namin ng mga test paper, nangangalahati na kaagad ako sa sasagutan. Grabe wala pa akong review niyan ha." Sabat naman ni Twelve.

Under the clouds (Guevarra Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon