Chapter 27

633 40 4
                                    

Iyong tatlong tahimik na taon na pananatili ko rito, naging magulo na dahil sa kanila. They told me they just want our 'tropa' completed but I highly doubt it. They are just here to pissed me off. Araw-araw na iyon. Walang palya. Magigising na nga lang ako sa umaga dahil sa malakas na tawanan nila sa labas ng kwarto ko. Ang mga siraulo, napili pa iyong kwarto sa tabi ng akin. Tatlong kwarto ang inuukupa nila sa buong apartment. 

Iyong ibang tenants, halatang nabubulabog na rin pero hindi makapagreklamo. Most of them are girls anyway, ang iba sa kanila, parang tuwang-tuwa pa kapag nilalandi nina Twelve.

After a month, nakahanap din sila ng trabaho. Ginawa ko lahat para matulungan silang makahanap para hindi na nila ako bulabugin sa tuwing nasa trabaho ako. Noong mga nakaraang linggo kasi, tumatambay sila mismo sa kung saan ako nagtatrabaho. Nag-iingay. Minsan pinapakialaman pa nila ang mga damit na naroon. 

I once called a security to make them leave. Pinapagalitan na rin ako ng manager dahil sa kaingayan nila. Good thing, nakahanap na rin sila ng mapapagkaabalahan.

Nasa labas ako ng bahay at akmang papasok na nang makita ko ang kotse ni Diego na paparating. I raised my brow at him. Hinintay ko hanggang sa makarating siya sa posisyon ko.

"Bakit ka nandito? Wala na rito sina Anastacia ah?" anas ko sa kaniya. Her girlfriend moved out of the apartment last month. Hindi ko alam kung saan lilipat ang mga ito. "Huwag mong sabihin na ako ang sinadya mo rito?"

Siya naman ang nagtaas ng kilay sa akin.

"Don't think too much. Hindi nga kita type 'di ba?" 

I just rolled my eyes at him. 

"Eh ano ngang ginagawa mo rito?"

Bumuntong-hininga siya at napaiwas ng tingin sa akin. He looked like he wanted to say something. Kumunot ang noo ko at lumapit ng bahagya sa kaniya?

"May problema ba?"

He lifted his eyes on me and stared.

"May… pupuntahan ako ngayong araw. Kung wala kang gagawin ngayon, baka pwede mo akong samahan?" bigla naman akong kinabahan sa pang-aakit niya sa akin.

Usually kasi, hindi siya nag-aakit na pupunta kami sa kung saan. Nakakasakay lang ako sa kotse niya sa tuwing mapapadaan siya sa mall na pinapasukan ko. 

"Okay lang naman, wala akong gagawin ngayon," napabuntong-hininga ako dahil day off ko ngayong araw. I was supposed to be resting… pero okay lang. Kung para naman sa kaibigan. At least makakagala ako ngayon. "Pumasok ka muna sa loob. Nandoon sina Twelve, magpakita ka naman sa kanila."

"Next time," tanging naisagot niya. Nagkibit-balikat ako at pumasok na sa bahay upang makapagpalit ng damit.

Pag-akyat ko sa third floor, nakita ko sina Twelve na naninigarilyo. Nagkukumahog silang itinapon ito nang makita akong paakyat.

"Napakagaling talaga," sarkastikong anas ko at pinaghahampas sila.

"A-aray naman!" reklamo ng mga ungas.

"Kapag kayo talaga maagang namatay dahil diyan, ewan ko na lang sa inyo."

"Eh bakit? Kaya nga nagtatrabaho para may pambili ng sigarilyo," katwiran sa akin ni Nico.

Nakagat ko ang bagang sa inis. 

"Mangangatwiran ka pa, mali-mali naman!" nakatanggap pa siya ng isang batok sa akin.

Binigyan ko muna sila ng mahabang sermon bago ako pumasok ng kwarto. Rinig ko ang bulungan nila sa likod ko. Nang lumingon ako sa kanila ay astang nakatingin lang sila sa labas. Sumisipol-sipol pa si Twelve.

Under the clouds (Guevarra Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon