Chapter 29

723 49 15
                                    

Another months had passed, ilang buwan na rin simula nang malaman ko ang tungkol kay Esperanza. Sa mga araw na dumadalaw ako sa kaniya, doon ako nakakaramdam ng matinding pagkaawa. There could be traumatic events in her life that severely injured her mental health. 

Kahit nagalit ako noong una, I was thankful that Diego told me about her. Mukha rin kasing nahihirapan na siyang pasanin ng mag-isa ang tungkol kay Esperanza. Kung tutuusin nga, hindi niya ito kakilala. I remembered he told me na namukhaan lang daw niya ang babae noong una silang magkita rito. They didn't talk or smile at each other way back to province. Minsan lang din sila nagkikita sa tuwing nasa bilyaran.

I still couldn't believe that Diego had gone this far to help someone beyond his responsibility. He must be a really good person.

Hindi kalayuan, natanaw ko ang isang katrabaho na papalapit sa gawi ko. It was Natasha, medyo seryoso sa buhay pero mabait naman.

"Bakit parang may pinagkakaguluhan yata sa may banda roon?" tanong ko sabay turo sa may bandang unahan. 

Nagkibit-balikat siya sa akin.

"May artista sigurong bumibili," inayos niya ang ilang mga damit sa unahan. Kalaunan ay tumigil din ito at humarap sa akin. "Anyway, matanong ko lang, Madelaine. Boyfriend mo ba iyong palagi naghahatid sa'yo sa gabi? Sino nga iyon? Diego ba?"

Kumunot ang tanong ko sa kaniya. Alam kong hindi naman siya chismosa. But this time, she sounded so curious.

"Hindi, kaibigan ko lang. Nililigawan kasi niya iyong isa sa mga umuupa dati kay Tita. Nagkataon na magkakilala na kami dati pa."

Tumango siya sa akin at natahimik na lang. Tumaas naman ang kilay ko at pinagmasdan siyang maigi. Natasha is one year younger than me, magkasing edad lang sila ni Diego.

"Why? Do you know Diego?"

Umiling siya sa akin pero hindi ako kumbinsido sa sagot niya. I don't know much about her, hindi rin naman kami magkaibigan. Kaya hindi ko talaga masabi o makilatis kung anong ibig ipahiwatig niya.

"Hello mga Sir. Ano pong hanap niyo?" narinig ko ang pagbukas ng glass door,  senyales na may pumasok na customer kaya kaagad akong umayos ng tayo.

Anim kaming lahat na sales lady dito sa iisang botique. Kaniya-kaniya ng pwesto at bibihira lang kung umalis. Saka lang kapag kailangan i-assist ang mga customer sa bibilhin nila at kapag break time. Madalang din kami makapagkwentuhan dahil masungit ang manager namin, patay kami kapag naabutan kami noong nag-uusap sa gitna ng trabaho.

Nakatanaw lang ako sa may unahan dahil sa mga necktie tumitingin ang mga lalaki. Matatangkad sila at malalakas ang dating. Sa unang tingin pa lang, masasabi mo na kaagad kung ano ang katayuan sa buhay ng mga lalaking iyon. Mukha silang mamahalin.

Tumaas lang ang kilay ko. I thought they're going to exit the store, mukhang wala silang napili doon sa unang section ng mga items. Napabuntong-hininga na lang ako nang magtungo pa ang mga iyon sa may gawi ko. 

Kaagad akong ngumiti sa kanila. Apat silang lahat, nakita ko ang dalawa sa kanila na nakatitig sa akin.

"Hey, what do you think about this one?" tanong ng isa sa kasamahan niya. The other two were busy murmuring. Mahina pang naghahalakhakan ang dalawa.

"I think that's fine, dapat kasi nagpabili ka na lang sa assistant mo," anas ng kausap. Kahit mahihina magsalita, rinig ko pa rin ang pinag-uusapan nila dahil malagong ang boses.

"She's on her day off. Isa pa, malapit lang naman ito sa construction site. Masyado ka naman yatang nagmamadali?"

"I have a meeting to attend, okay? You know that I'm busy."

Under the clouds (Guevarra Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon