Kabanata 6: Nostalgic

466 8 0
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

Marahang inabot ni Elaina ang bowl ng kanin sa Ate Jade nya. Kasalukuyan silang kumakain sa sala. Naisipan nyang sumabay mag-umagahan sa kanila, tutal ay aalis ngayon ang kanilang Mama. Wala gaanong mag aasikaso sa kanila. Sya at si Gela lamang kasi ang maiiwan sa kanilang bahay.

"Congrats, Nica. Graduate ka na ng Senior high!" masayang bati ni Clarisse, ang nakatatandang kapatid ni Elaina.

"Oum..," mahinang tugon ni Jennica.

Sa katunayan ay bukas pa ang graduation. May rehearsal sila sa school kaya naman papasok pa rin si Jennica ngayong araw.

"Congrats po, Ate!" Lahat ay napatitig kay Gela. Napaka-energetic kasi nito ngayong araw, masayang masaya syang malaman na graduating na ang kapatid. Gusto nyang magpaturo dito sa Math kapagka hayskul na sya.

Sa kanilang magkakapatid, si Jennica ang laging nag-uuwi ng parangal. Matalino sya kaso hindi lang active sa recitation kaya laging pumapangalawa lamang sa kanilang class. May pagka introvert kasi sya at hilig lamang ay ang magbasa ng mga libro - fiction man yun o kaya naman ay non fiction. In short, mahiyain at tila cold syang estyudante sa paaralan.

Napatango lamang siya sa mga pagbati ng kanyang magulang at kapatid.

Mabilis na natapos ang kanilang pagkain ng umagahan. Nagpasya si Elaina na umakyat sa taas--sa kanyang kwarto. Wala syang mapagkukuhanan ng pera kaya naman naisip nya na gumawa na lamang ng isang simpleng letter.

Ngunit bago iyon ay naligo muna sya. Oversized na white V-neck shirt at black pajama ang sinuot nya ngayon. Matapos magsuklay ng buhok ay narinig nya ang biglang pagbukas ng pinto.

Pumasok si Gela sa kwarto niya. "Ate, parehas tayo ng color ng damit, oh!", sabay pakita ng kanyang sailor moon black t-shirt.

Natawa naman si Elaina. "Oo nga no, ang galing! Ang linis mo ding tingnan". Naka white jumping short si Gela at ang cute nyang tingnan sa soot niya.

"Teka si Mama ba nagpaligo sa'yo?"

Umiling si Gela. "Ako lang po mag-isa. U-umalis na si Mama."

" Dapat ay tinawag mo ako. Akala ko paliliguin ka na kanina eh."

"Big girl na ko, Ate. Kaya ko na po yun. Amuyin mo ang buhok ko, ambango po," pagmamayabang nya sa kanyang Ate.

Napailing na lamang si Elaina. Oo nga't marunong sya, kaso minsan ay di talaga maayos ang pagbabanlaw nito. Dati ay naabutan pa niya itong nagbibihis habang may naiwan pang sabon sa bandang dulo ng kanyang buhok.

Mistaken Blessing ✔ ( Completed )Where stories live. Discover now