Kabanata 13: Realization

494 10 0
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

Hanggang ngayon ay tila hirap pa ring mag sink-in sa utak ni Elaina ang lahat ng mga nalaman niya. Kasalukuyan siyang nakaupo sa isa sa mga benches sa Park, walang patid ang pag-agos ng mga luha.

Halo-halo ang kanyang emosyon. Gusto nyang magalit noong una dahil itinago sa kanya ng kanyang mga magulang ang katotohanan na para sa kanya ay matagal na nya dapat alam. Ampon lang sya, yun ang kanyang hinuha.

Ngunit tila ang nagbabagang galit na kanyang nararamdaman ay biglang naglaho nang kanyang marinig ang kasunod na sinabi ng kanyang Mama. Hindi nya tunay na ama ang itinuturing na Papa ngayon.

But he accept her and even had so much care for her daughter, Elaina. Ni kainlanman ay hindi nya naramdamang di pala sila magka dugo. Daddy's girl kasi si Elaina, sobrang close nila dati. Mas lalo na nung bata pa sya.

Kaya nga bukod roon, sobrang nahihiya si Elaina sa mga iniakto niya dati. Pakiramdam niya ay wala syang mukhang maihaharap sa pamilya nya. Naalala kasi niya kung paano sya sumagot sa pagsesermon sa kanya ng mga magulang niya.

At higit sa lahat.. Nakokonsensya sya.

Napagawi ang tingin nya sa mga batang kasalukuyang naglalaro sa Park. "Buti pa sila masaya," bulong ni Elaina. Pinahid niya ang luhang kanina ay lumalandas sa kanyang pisngi. Bahagya syang nakaramdaam ng hiya. Napapatingin kasi sa kanya ang mga taong dumaraan.

"Sis, kamusta?" Itinunghay ni Elaina ang kanyang ulo. Sinalubong siya ng nag-aalalang mukha ng kanyang Ate Jade.

Wala sa sariling napayapos sya sa kanyang ate. Umupo ito sa kanyang tabi. " Ganoon na ba talaga kasama?. Muntikan na syang mamatay dahil sa ginawa ko".

Nagulat man sa narinig, hindi pinahalata ni Jade ang kanyang ekspresyon dito. Bumitaw na ito sa pagkakayakap sa kanya.

"Teka, si baby Athena ba ang tinutukoy mo. Kamusta, okay na ba sya ngayon?"

Dahan-dahang itinaas-baba ni Elaina ang kanyang ulo. " Nasugod agad ni Mama sa ospital kahapon kaya naagapan."

"Paano nga ba-- I mean ano bang nangyari sa kanya nung pinapabantayan sa iyo ni Mama?"

Napakagat ito sa kanyang labi bago nagsalita." May tumawag kasi sa cellphone. I-iniwan ko sya para sagutin yon pero... " Nagsisimula na namang tumulo ang mga luha ni Elaina.

"... nagb-bleed na yung ilong niya, pabalik ko, " pagkukwento ni Elaina sa nangyari kahapon.

Nasa trabaho ang kanyang Ate nung mga panahong iyon. Sa cellphone lamang iyon nalaman ni Jade, kaya naman kinuwento ito ni Elaina sa kanyang Ate upang maliwanagan ito.

Mistaken Blessing ✔ ( Completed )Where stories live. Discover now