Kabanata 15: Finale

942 16 2
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

Ngayon ay araw ng Linggo. Nagising si Elaina dahil sa alarm ng kanyang cellphone. Nakangiti syang bumangon at nagpasalamat sa Lord sa isang panibagong umagang pinagkaloob sa kanya.

Hindi na bago iyon sa kanya ng magsimulang ma-invite sya sa isang Christian ministry nang kanyang pinsan. Actually, malaki ang itunulong noon upang mas mapalapit siya sa Lord at ipagkatiwala sa Kanya ang mga nararanasan niyang problema.

Pero hindi iyon naging madali sa simula. Marami syang ibinuhos na luha kada araw man o umaga. Para ngang naging habit na nya ang umiyak. .

She feels devastated. Nagu-guilty sya sa pang-iiwan kay Marco at ang lahat ng iyon ay isinisisi niya sa anak nya.

Galit. Sakit. Panghihinayang.

Sa loob ng isang taon, napuno ng poot ang puso nya. Ngunit kagaya nga ng sabi ng pinsan nya, she need to trust the process.

Cry hard and embrace the pain inside. Pasasaan at malalampasan din nya ang lahat ng sakit at pagkasirang dinulot ng kanyang nakaraan. Ika nga, walang permanenteng bagay, kaya yung pain sa puso nya ay hindi di rin mananatili, temporary lang.

Maybe, it's just a season of her brokenness and there are better days to come.

Nagtaka sya na ganoong kaaga ay tumunog ang cellphone nya. Kanta pa ng Goblin ang ringtone noon. Napakamot sya sa ulo, akala kasi niya ay napalitan na nya ito ngunit tila sa panaginip nya yun ginawa. Hinuha niya ngayon ay may nag-text sa kanya.

"Oh, pinasa na pala nya," anas niya habang hawak ang kanyang cellphone. Hindi pala text message kundi may nagchat sa kanya. Nakalimutan nya palang patayin ang data kagabi, and naka-on ang sound nito.

Nag-reply sya ng 'thank you' dito bago tuluyang inalis ang puting kumot sa kanyang katawan at tuluyan nang tumayo palabas ng kanyang kwarto. Mamaya na lang niya sa byahe papatugtogin iyun. Sa ngayon ay kakain na muna siya sa baba.

----
Excited na ipinasok ni Elaina sa tricycle ang sliding bag na dadalhin nila ni Jade. Ilalabas niya ang anak sa mall. Gusto nya sanang isama ang kanyang mga magulang ngunit abala ito sa bahay. Ire-renovate kasi nila ang kwarto ni Elaina, mas paluluwagin nila ito.

"M-ma, sakay po tayo dun sa... host?" nauutal na tanong ng apat na taong gulang na si Elaina. Napaka-cute nito sa kulay orange na off shoulder na damit with matching maong shorts and sandal. Hanggang balikat naman ang tuwid nitong buhok.

"H-horse yun," pagtatama ni Elaina. Hindi pa matatas ang anak niya kaya ganoon na lang ito magsalita. Marahang tumatango naman ito. Umusod sila ng upo nang sumakay paloob ang ate niyang si Jade.

Mistaken Blessing ✔ ( Completed )Where stories live. Discover now