Kabanata 2: Memories

814 18 6
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

"Elaina, sukatin mo nga itong damit kung kasya sa'yo." Lumapit siya sa kanyang Ate Clarisse at inabot ang hawak nitong pares ng uniform. Ito ang sinusuot ng kanyang Ate sa pagpasok sa college.

Medyo naninilaw na ang unipormeng iyon ngunit maaari pa namang gamitin kung ibleach ito. Hanggang tuhod naman ang kulay pulang palda nito. Nagpaganda dio ang napakaraming flitch with matching black socks na ngayon ay hinahanap pa ng kanyang panganay na kapatid sa box.

Kasalukuyan kasi silang nasa sala at abala sa paglilinis ng bahay. Samantalang ang kanyang Ate Clarisse naman ay abala sa paghahalungkat ng kanyang mga naitago nang damit na nakalagay sa isang kahon. Dinala nya ito sa may sala para agad na maiabot at maibigay sa kanyang mga kapatid ang mga damit na maaari pang suotin at pakinabangan.

" Ate tingnan nyo oh, kasya din sakin," tawag nito sa kanyang kapatid habang itinuturo ang pares ng uniform nito na sa ngayo'y suot suot na niya.

Napangiti naman ng malawak ang kanyang Ate bago nagsalita. "Syempre, kasya yan sayo. Mapayat ako dati eh. Ibig sabihin nun sexy ang ate mo."

Nangibabaw ang tawanan nila sa may sala. "Edi ikaw na ang sexy, Ate," sabi ni Elaina habang pinapanood ang kanyang Ate Clarisse na rumarampa na animo'y parang ito ang kinoronahang Miss Universe. May matching pagkaway pa kasi na animo' talagang siya ay isang contestant sa pageant.

Sandaling napawi ang kalungkutang nararamdaman ni Elaina kanina. Katulad kahapon ay maagang syang ginising ng masamang panaginip nan iyon. Di gaya ng mga nagdaang araw, ngayon ay nakakaya na nyang ngumiti ng hindi pilit.

***

Tahimik na pinagmamasdan ni Elaina ang paligid sa labas ng kanilang bahay. Bagama't hapon na ay hindi pa rin paawat ang mga batang naglalaro ng patintero sa may kalsada. Di nila alintana ang init at masaya lamang na naglalaro.

Minsan ay inaasam na lamang niya na bumalik sa pagkabata. Dahil doon siya ay musmos at wala pa masyadong problema. Hindi tulad ng kung paanong nahihirapan syang makalimutan ang lahat-lahat.

Ilang araw na nga ba syang nakatengga lamang sa bahay. Dalawang buwan? Oo. Na tanging umiikot lamang ang buhay nya sa paggising ng umaga, pagtulong sa bahay at gabi-gabing pag-iyak dahil sa lagi syang dinadalaw ng masamang pangyayaring ninanais na nyang makalimutan.

Hindi nya mabatid kung bakit ang hirap kalimutan ng pangyayaring iyon. Kahit na anong gawin niya ay mistula syang nakakulong sa masamang bangungot na iyon ng kanyang buhay.
Isa pa, halos mangangalahati na ng Mayo at nalalapit na rin ang pasukan. Sigurado syang marami na rin ang nakakaalam sa nangyari sa kanya. At nahihiya syang lumabas ng bahay sa takot na baka kutyain sya ng mga tao.

Ngunit kahit na ganon ay napagdesisyunan na rin nyang sumang-ayon sa sinabi ng kanyang ina na magpatuloy syang muli sa pag-aaral. Bagama't binabalot pa rin sya ng takot ay mas nangingibabaw pa rin sa kanya ang pinangako niya sa kanyang mga magulang -- tatapusin nya ang kanyang pag-aaral kahit na ano ang mangyari.

Bumigat ang kanyang pakiramdam at tila nangingilid na naman ang kanyang mga luha ng malala ang kasintahan nyang si Marco.

Hanggang ngayon kasi ay di pa rin ito nagpaparamdam, ni-nagtetext man lang sa kanya. "Alam na din ba nya ang nangyari sa kin?". Ayan ang tanong na sumasagi sa kanyang isipan.

Maya-maya'y ay bumukas ng pinto at iniluwa nito ang kanyang bunsong kapatid na si Angela. Agad nyang pinahid ang kanyang luha. Bumaling saglit ng tingin sa may bintana, matapos ay nagdesisyong tingnan kung sino ang nagsalita.

"Ate, are you crying?" Humarap sya dito at humakbang ng kaunti papalapit sa kanya.

"Hindi. Wag mo na lang itong pansinin. Bakit ka nga pala asa kwarto ko. Pasensya na wala akong mabibigay na kendi sa--

" Hindi po ate," pigil ng kapatid nito sa sinasabi niya. May ibubulong po ako sa inyo", dugtong pa nito. Bahagyang yumuko si Elaina para maibulong ni Angela ang mahalagang sasabihin nito.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig nya mula dito na ngayon ang kaarawan ng kanilang Papa. "Bakit ko nga ba nakalimutan," untag niya sa sarili.

May sasabihin pa sana sya sa kanyang kapatid ng bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto. Nilingon niya iyon at nakita niya ang dalawa nilang nakatatandang kapatid na siina Ate Clarisse at Ate Jade na papalapit sa kanila.

Dala-dala nila ang isang box ng goldilocks. "May surprise cake kami para kay Papa. Pinag-ipunan namin iyan ate," masiglang sabi ng kanyang bunsong kapatid na si Angela.

"Pasensya na kung di ako nakapag-ambag ," malungkot na sambit ni Elaina sa mga kapatid.

"Okay lang sa amin. Alam ko naman , namin." Nahinto ang kanyang Ate Jade sa pagsasalita.

"...na ano , may pinagdadaanan ka ngayon and ayaw naming mayado ka pang mag-alala kaya ayun."

Sandaling natahimik ang paligid. Wala ni isang naggsasalita. Halos isang minuto silang ganoon. Si Elaina naman ay nakayuko lamang gayundin ang kanyang iba pang kapatid. Napatingin siya kay Angela ng hawakan nito ang kanyang kamay. Para bang pinahihiwatig noon na andito lamang ang kanyang mga kapatid upang siya ay gabayan.

" Tara na sa kusina at ihanda ito," basag ng kanyang Ate Clarissa sa katahimikan. Maingat at tahimik naman silang bumaba ng hagdan patungong kusina. Nasa sala lamang kasi ang kanyang Papa na nakatakda nilang sorpresahin ngayon.

Nung maayos na nilang ilagay sa plato ang cake ay dahan dahang muli silang lumapit sa likuran ng kanilang Papa.

"Happy birthday, Papa," sabay sabay nilnang sabi. Lumingon ito sa kanila at lumawak ang ngiti nang makita sila. Halos mawalan na ng mata ito .Pumingkit na kasi ang magkabilang mata nito dulot na abot tenga nitong ngiti dahil sa sorpresang di niya inaasahang manggagaling sa kanyang mga anak.

"Akala ko talaga, nalimutan nyo na eh." Tumayo sya at tinawagan ang kanyang asawa na nasa kwarto.

Agad naman lumabas ang kanilang Mama sa may kwarto at inihanda ang hapag-kainan. Maging ito ay bahagyang nagulat din. Talagang ang magkakapatid lamang ang may alam ng sorpresang ito. Matapos iyon ay nagsimula na silang umupo sa kanya-kanyang tayo. Hindi pa man nakakaupo si Elaina sa kanyang upuan nang maramdaman nyang tila bumaligtad ang kanyang tiyan .

Mabilis syang tumakbo patungong lababo at doon ay nagsuka. Wala naman syang naatandaang masamang nakain niya kaya ganoon na lamng ang kanyang pagtataka.

Inangat niya ang kanyang mukha at sa pagkakataong iyon ay binalutan sya ng matinding kaba.

Hindi kaya-

Mistaken Blessing ✔ ( Completed )Where stories live. Discover now