Kabanata 7: Goodbye

455 8 0
                                    

***

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

***

Maagang nagising si Elaina upang tulungan ang mga kapatid na maghanda sa baba. Ngayon magaganap ang graduation ng kanyang kapatid na si Jennica.

"Pagkatapos mong balatan yang patatas ay kumain ka muna ng agahan, ah," ani ng kanyang Mama.

Tumango at ngumiti ng bahagya si Elaina. Sinuot niya ang apron at kumuha ng upuang plastik sa kanilang storage room. Mamaya pang tanghali ang handaan , nagpe-prepare lamang sila ng mga isasahog sa lulutuin mamaya.

Sinimulan na nga ni Elaina na balatan ang patatas. Tahimik lamang siya na nagbabalat nuon hanggang sa matapos na niya ang lahat ng walong patatas na iyon. Ang kanyang mga Ate naman ay abala sa paggagayat ng repolyo, carrot, sibuyas at iba pa. Gaya nga ng sinabi ng kanyang Mama ay sumandok na sya ng kanin at kumain.

"Kain na rin kayo, ate," alok niya sa kanyang mga kapatid. Agad namang lumapit si Gela at sinabing gusto nitong magpasubo sa kanya.

"Thank you. Kakain na rin kami after nito," saad naman ng kanyang Ate Clarissa.

Mabilis siyang nakatapos kumain. Kaunti lang din kasi ang nakain ni Gela, nakakain na ito kanina kaya agad rin syang umayaw makalipas ang ilang subo sa kanya ng kanyang Ate ng pagkain. Matapos iyon ay tumulong na din sya sa kanyang Ate sa pagbabalat naman ng carrot. Baliktad naman sila ngayon. Yung Ate naman niya ang mga kumakain samantalang sya naman ay abala sa kusina.

"Mga anak, alis muna kami. Aattend lamang kami ng graduaion ng kapatid nyo," paalam ng Mama nila. "Babalik kami mamaya, kayo muna bahala dyan, ah", sabi pa nito bago tuluyang binuksan ang pinto at lumabas ng bahay.

"Sige po, Ma. Ingat kayo," saad ng kanilang nakakatandang kapatid.

"Advance congrats sayo, Jennica!" sigaw naman ni Jade kahit na nakalabas na sila ng bahay.

Nagpatuloy sa pagkain yung dalawa, samantalang sya naman at si Gela ay magkatulong sa pagbabalat ng carrot. Doon ay ang bunsong kapatid ang syang nagbibigay ng carrot, samantalang si Elaina naman ang nagbabalat nito.

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang mga magulang ni Elaina. Nag-asikaso na silang magluto ng pagkain sapagkat maya-maya lang ay dadating na ang kanilang bisita. Hindi gaanong magarbo ang kanilang handaan. Sakto lang ito para sa kanilang magkakapamilya.

Tunay ngang naging abala ang lahat sa kusina. Si Elaina naman ay nasa sala at sinasamahang manood ng cartoon si Gela.

" A-anggaling po ni Ate Nica di ba?" Binalingan ni Elaina ng tingin ang kanyang bunsong kapatid na si Gela. Nakangiti ito habang nakatingin sa ginagawa ng Ate Jade nila.

Kasalukuyan nilang dinidikit ang limang medalyang iniuwi ng kanilang kapatid na si Jennica.

" Matalino sadya sya," sabi ni Elaina sa kanyang isip. Bata pa lamang sila ay napansin niyang may potensyal ang kanyang kapatid sa maraming bagay. It is easy for Jennica to solve mathematical problems and anything related to that subject. She is also good in logic and reasoning.

"Di ba po?"Napatingin siya kay Gela. Doon niya napag tanto na hindi pa pala niya nagsasagot ang tanong nito kanina pa. Na-space out siya nung maalala ang nakaraan. Tumango na lamang sya dito at tumingin sa unahan.

"Syempre, ate kayo din po! Di ba sa'yo mga medals dun." Tumayo si Gela at tinuro ang isang frames malapit sa posisyon ng kay Jennica. Bale sa isang wall doon ay may apat na frame na magkakahilera. Yung una ay sa kanyang Ate Jade, sumunod ay sa kanya, then sa kanyang Ate Clarrise and the last one ay para kay Jennica.

"Basta po pag nag-gradweyt kayo, ako mag lalagay ng medals nyo dun!" masiglang nyang sabi sa kanya.

Sa kanilang magkakapatid, tanging silang dalawa lamang ang pinakaclose sa isa't-isa. Kaya naman kapagka naguguluhan o may mga sikrets si Gela ay sa kanyang Ate Elaina lamang ito madalas na sinasabi.

" Maliit ka pa, di mo pa abot yun... a-ang taas kaya." Hindi malaman ni Elaina kung ano ba ang tama nyang sasagot sa kapatid. Matapos ang nangyari sa kanya, tila gumuho na rin ang kanyang pangarap na matupad pa ang kanyang mga hinahangad sa buhay. Tila ay naglaho iyong parang bula sa kanyang vision sa buhay.

Malungkot man ay pinilit niyang ngumiti sa kanya. "O-oo naman."

Matapos nang panoorin ay sabay sabay nilang kinain ang kanilang handa.

" Elaina nak, patawag kay Jennica sa kwarto nya."

Tumango si Elaina sa tinuran nito at agad umakyat ng hagdanan upang tawagin ang kapatid. Hindi naman gaanong nagtagal at lumabas na rin ito.

Isang bilaong pansit na inorder ng kanyang Papa, spaghetti na niluto nila at ilang lutong ulam na adobo at afritada ang kanilang pinagsaluhan.

Sa kaunting salo salong iyon ay masaya na sila. Tunay ngang magaan sa pakiramdam kapagka kasalo ang pamilya sa hapag-kainan. Iyan ang nararamdaman ni Elaina ngayon. Salat man sila sa mga mamahalin o materyales na bagay still she is blessed for having a supportive parents like them. She felt contented.

Matapos iyon ay nagpaalam muna siya sa kanyang Ate na magpapahinga muna sya sa kanyang kwarto. HIndi kasi gaanong maganda ang kanyang naging pakiramdam kanina sa kusina. Medyo sumasakit ang ulo niya.

---
Naalimpungatan si Elaina ng pumasok sa loob ang malamig na hanging nanggagaling sa labas. Nakabukas kasi ang bintanang nasa kanyang kaliwa.

Mumukat-mukat ang kanyang mga mata. "Umuulan?" untag niya sa sarili.

Bagaman kagigising pa lang ay tumayo na sya upang sana ay saraduhan ang bintana.

Malakas ang pagbugso ng hangin at ang buhos ng ulan. Sumilip muna sya sa labas.

Tuluyan na sana nyang sasaraduhan ito nang may nahagip na kung ano ang kanyang mata. Hinuha niya ay tapos na ang handaan para sa graduation ng kanyang kapatid.

Bumaling siya sa cellphone na hawak nya ngayon upang tingnan kung anong oras na. Mag-aalas kwarto na ng hapon.

Muli ay ibinalik nya ang tingin sa pigura nang isang lalaking nakaupo sa gilid ng kanila ng gate. Nagulat sya nang mapagtanto kung sino ang taong iyon.

"Si Marco," naiusal niya habang matamang pinagmamasdan ito. "Akala ko nakaalis na sya?", bulong pa nito sa sarili.

Kaninang umaga ay nakita din niya ito. Inakala niya na kapagka iniwasan niya ito ay makakalimot na sya. Ngunit, paano iyon mangyayari kung lagi niya itong nakikita?

Pinilit nyang huwag pansinin ito at naupo na lamang sa may paanan ng kanyang kama. Batid kasi niya na mamaya ay uuwi na rin sya.

Ngunit tila nakokonsensya sya kaya naman mabilis niyang kinuha ang isang payong na nakalagay malapit sa may pintuan ng kanilang bahay.

"Bahala na."

Mistaken Blessing ✔ ( Completed )Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin