Kabanata 8: Guilty

445 6 0
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

" Bakit andito ka pa?" untag ni Elaina.

Nanatiling nakaupo ang lalaki. Hindi siya kumibo doon na para bang hindi nito narinig ang pagtawag sa kanya ng dalaga. Basang basa ang kulay asul na t-shirt nito at halatang kanina pa ito nagpapaulan.

Sa mas malakas na tinig ay tinawagan nyang muli ang lalaki. Sinalubong sya nang maamo at tila pagod nitong mga mata. Halos mapatalon naman sya sa gulat nung bigla sya nitong niyakap. Ramdam pa nya ang panginginig at pangangatog nito sa lamig.

"Sabi ko na eh, di mo ko matitiis. Sorry na ple-- Naputol ang sinasabi nito nung biglang kumawala si Elaina sa kanyang yakap.

" Tapos na tayo! B-bakit ba ang kulit mo?Layuan mo na lang ako," sigaw niya dito.

Basang basa na silang dalawa ng ulan. Nabitawan ni Elaina ang hawak niyang pulang payong. Bumagsak ito sa lupa at tinangay nang hangin sa likuran ng lalaki.

"Ano bang nagawa kong mali, Elaina. Why are you doing this to me?" Umiling iling lamang ang dalaga sa tinanong nito sa kanya. Hindi nya ito sinagot. Nagkunwari syang di maintindihan ang sinasabi ni Marco.

Kung meron mang award ang pagiging great pretender, siguro ay sa kanya na iyon maigagawad. She managed to cover up her tears from flowing.

"Sorry na please--I-if may nagawa man akong Mali baba--"

"Stop, Marco! Di na natin maibabalik ang dati!" pabulyaw na sagot nito.

"Look., pasensya na if di kita nadalaw ng ilang linggo, labs. Just give me a chance," pagmamakaawa nito kay Elaina. Tangan nito ang kamay ng dalaga at halos wala siyang balak na pakawalan ito.

Pilit iyong tinatanggal ni Elaina. "Let me go, Marco. Hindi na magbabago ang desisyon ko... Let's end this."

At the back of her mind, she still loves him. Per hindi talaga pwede. Yan ang pilit na isiniksik niya sa kanyang utak at ang kanyang iniisip ng mga pagkakataong iyon. She need to sacrifice her love just to secure him a good future.

Napatigil sya at nasilayan ang pamumula ng mata nito. " Yan ba talaga ang gusto mo?," untag sa kanya ni Marco.

" Oo," tipid niyang sagot sa kabila ng pagpoprotesta ng kanyang puso. Gusto nyang umiyak ngunit tila natuyo na ang kanyang mga luha. Naubos na ata sa bawat gabing dumaang lagi na lamang syang umiiyak.

"Then, proved it to me. Sabihin mong di mo na ako m-mahal habang nakatitig ka sa mga mata ko. Patunayan mo," mangiyak-ngiyak nitong sabi sa kanya.

Para syang naestatwa sa kanyang kinatatayuan habang mariin na nakatikom ang mga kamao. Nagbaba sya ng tingin. Hindi nya kayang labanan ang mga titig nito.

Parang gusto na lang niyang bawiin ang mga sinabi nya rito. Tanggapin syang muli at ipagtapat ang tunay na dahilan kung bakit gusto niyang makipag-hiwalay.

"Then, lalayo na ako sayo. Sabihin mo lang yun," dugtong pa nito habang kinukusot ang mata pero patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha sa mga mata nito.

Parang kahit anumang oras ay tutulo na ang nangingilid na mga luha ni Elaina. Inangat niya ang kanyang mukha para mapigilan ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata.

Kaya mo yan Elaina. Tingnan mo lang ang mga mata nya. Act like you didn't know him. Ayan ang mga tumatakbo sa isipan ni Elaina. Kailangan niyang manipulahin at labanan ang kanyang emosyon.

Ngunit sa kada susubukan niya ay bumaba sa lupa ang kanyang tingin. Hindi niya makayanan titigan ang mukha nito na dati ay parang isa sa mga paborito niyang tanawin noon.

Kasalukuyang nagtatalo ang kanyang isip at puso. Di nya malaman ang gagawin nang biglang nagflashback sa kanyang isip ang nangyari at ang pagkakaospital nya.

And that's realization hits her. She's already pregnant and she doesn't want to be a burden to him. The reason why she needed to do it.. even how painful it is to the both of them.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita."M-Marco hindi na kita mahal," diretsong sabi nito habang pilit nyang pinapanatili ang pagkakatitig nya sa lalaki.

Nanlalambot na ang kanyang mga tuhod. Hindi dahil sa matagal silang nakatayo kundi dahil kahit anong oras ay ninanais nyang bawiin ang lahat ng sinabi nya dito. Ngunit hindi! Buo na talaga ang desisyon nya.

Alam kasi nyang hindi naman sya tanggap ng pamilya nito. At mas lalo siyang hindi matatanggap ngayong may anak sya. Hindi kay Marco kundi sa taong kumuha ng puri nya. Isa pa ayaw nyang maging pagbigat rito.

"So, that's your decision," he said in disbelief.

Sa ilang araw na lagi itong naghihintay sa kanya sa labas ng kanilang bahay, tila natauhan ang binata. Wala na talaga siyang pag-asa.

Dahan - dahan syang umaatras ngunit nakaharap pa rin ito kay Elaina. Tumatango tango na para bang pinipili tanggapin ang lahat. Kitang-kita sa mukha ng binata ang sakit at panghihinayang nito.

Ngayon ay tila naguguluhan sya kung tama ba talaga ang naging desisyon niya.

" Lalayo na ako sa'yo. Sana ay ingatan mo ang sarili mo," sabi pa nito bago tuluyan nang tumalikod at naglakad paalis.

Napaupo na lamang sya sa kanyang kinatatayuan habang pinapanood ang pag-alis ng lalaking minamahal nya. Umiiyak. Hindi alintana ang lakas ng ulan.

Malayang bumuhos ang masaganang luha na kanina pa niyang pinipigilan. May mga batang dumadaan at naliligo sa ulan, ngunit wala siyang pakialam!

Ang iba ay naguguluhan kung bakit siya umiiyak samantalang ang iba naman ay may kanya kanyang hula.

Ilang minuto ang lumipas, malakas pa rn ang buhos ng ulan. Ngunit ni tumayo ay di nya magawa, para syang nawalan ng lakas dahil sa naging komprontasyon nilang dalawa.

Wala na sa paningin niya ang pigura ni Marco. Marahil ay tuluyan na nga itong lumisan.

Nangangatog na rin sya sa lamig. Ngunit hindi niya iyon ininda. Napakasakit kasi ng nararamdaman nya ngayon. Para bang patuloy na pinipira-piraso ang kanyang puso. She felt so broken to the point she could barely catch his breath.

Hindi nya maitatangging talagang mahal nya pa rin ito. Ngunit naisip nya na baka nga hanggang dito na lang.

Hanggang dito na lang ang pag-iibigan nila

...ni Marco.

Mistaken Blessing ✔ ( Completed )Where stories live. Discover now