Kabanata 12: Truth

501 10 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


***

"Ito na po ang ipinadadala nyong mga damit." Napayuko si Elaina nung makita ang nakakunot na noo ng kanyang Papa.

Bukod kasi roon ay napilitang mag-day off na muli ng kanyang Papa sa kanyang trabaho. Isa pa, sa mga tinging iyon ay parang ramdam niya ang tindi ng galit nito sa kanya.

"Akin na, anak," saad naman ng kanyang ina habang kinukuha ito sa kanyang mga bisig.
Isang black tote bag ang dala ni Elaina na naglalaman ng mga lampin at pampalit na damit ni Tinay.

"Mag-usap nga tayo sa labas," malamig na sambit sa kanya ng kanyang Papa. Agad syang kinabahan dahil sa sinabi nito. Bakas kasi sa boses nito na parang pinipigilan lamang nitong magalit o masigawan sya kaya naman sumunod na lang sya sa kanya sa labas.

"Kung may galit ka sa mundo, wag mo naman sanang ibunton sa anak mo iyon." Napakunot ang noo ni Elaina dahil sa sinabi sa kanyang narinig mula rito.

"Bakit Pa? Di ko naman sinasadya ang nangyari sa kanya eh," mariing sabi niya dito.

" Tsaka isa pa, sya naman talaga ang may kasalanan sa lahat. Kung hindi sana sya dumating sa buhay ko, di ko na sana kinailangan pang iwan si Marco. Masaya sana ako at natupad ko pa ang mga pangarap ko," sunod sunod na sabi ni Elaina. Napaiyak na lamang sya ng mga oras na iyon.

" Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?",pagalit na sigaw nito sa kanya.

"Sana nga ay di ko na lang sya pinanganak. Hindi sana nagkandamalas-malas ang buhay ko," may bahid ng pagkamuhi ang tono ng kanyang pananalita.

"Ahh!" Nagmanhid ang kanyang pisngi ng madapuan ito ng sampal ng kanyang sariling ama. Malakas iyon at nagpantal ito sa malambot na mukha ni Elaina.

" Watch your words, Elaina!" pagbabanta nito. Binalingan naman siya ng masamang tingin ng kanyang anak. Walang ibang nararamdaman si Elaina kundi matinding sakit na para kasing bale wala lamang sa kanila ang paghihirap nya.

Tumalikod sya at aalis na sana ng bigla namang nagsalita ang kanyang Papa.

"Ano pa bang kulang? Tinanggap naman kita at tinuring na anak ah?." Nagtaka si Elaina sa sinabi ng kanyang Papa. Humarap at bumaling siya ng tingin dito.

" Anong sinasa--Tinanggap nyo ako? Bakit?."

" Tapatin nyo ko, Pa. Anong tinanggap? Anak nyo ako diba?" Nakita ni Elaina ang paglandas ng luha ng kanyang Papa habang nakasabunot sa sariling buhok.

Maya maya ay dumating naman ang kanyang Mama at pinigilan nya ang pag-uusap nilang dalawa.

Umiiyak na nagsalita ito sa harap niya. "Anak, patawarin mo kami... s-sa pagsisinungaling namin sa iyo," panimula nito.

Mas lalong naguluhan si Elaina. Di man nya tanungin ay parang alam na niya kung pasaan ang mga usapang ganito.

"Am I adopted?" Yan ang linyang paulit ulit na nagmamarka ng mga oras na iyon sa kanyang isipan.

"Hindi ko po maintindihan. Ano bang pinagsasasabi ninyo?," untag nya habang nagtatakang napatitig sa kanyang mga magulang

"Mama, ano ba? Sabihin nyo sa akin. Ampon lang po ba ako," diretsong tanong pa niya. Mas lalo namang napaiyak ang kanyang Mama. At sa gesture na iyon, alam na niya ang sagot.

Ngunit, ang hindi nia inaasahan ang magiging sagot ng kanyang Mama.

"H-hindi. Anak kita pero hindi si Paul ang papa mo." Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig.

"Pero tinanggap kita. Tanggap kita kahit di kita tunay na anak," umiiyak namang sabi ng kanyang Papa.

Parang naestatwa si Elaina nang malaman ang katotohanan. Hindi nya maikibo ang sariling bibig upang magsalita man lang at mag-response sa mga ipinagtapat nila sa kanila.

"Totoo ba itong naririnig ko? Pero paano nya ako tinanggap?" sabi nito sa kanyang isip. Alam nya ang pakiramdam na nararamdaman ng kanyang Papa. Maging siya din kasi ay hindi magawang tanggapin ang sarili niyang anak dahil para sa kanya bunga ito ng isang pagkakamali.

"Pero, paano? Paano nyo ako nagawang tanggapin?," lakas loob niyang tanong. Patuloy ang pag-agos ng luha ng kanyang mata at nababasa na nito ang pula nyang oversized shirt.

" Dahil mahal ko ang Mama mo, at ayaw kong mawala sya sa akin. Isa pa, natutunan na rin kitang mahalin bilang tunay na anak. "

Napasinghap sya sa winika ng kanyang Papa. Paulit ulit niyang tinatapik ang parte ng dibdib niya. Sinusuri kung totoo bang nangyayari ang mga pangyayaring iyon o nanaginip lamang siya.

"Kaya sana nak, magawa mo ding tanggapin si.... A-Althea sa b-buhay mo," dugtong pa nito. Nasa hallway sila ng hospital kaya ramdam ni Elaina ang mga matang ipinupukol sa kanila ng mga tao. Ngunit wala siyang pakialam.

"Pero pa, alam nyo naman siguro ang pinagdaanan ko di ba?," untag ni Elaina sa kanyang Papa.

"It's not that easy, nak. That's the truth. Mahirap sa umpisa pero subukan mo. Dahil kinaya ko at alam kong kakayanin mo rin."

Napahawak sya sa sariling bibig at tila di makapaniwala sa mga nalaman niya sa kanila .

Patuloy ang pagbagsak ng masaganang luha asa kanyang mga pisngi. Namalayan na lamang niya ang kanyang sarili na binagbagtas ang daan palabas ng ospital. Sobra siyang nahihiya at nagsisi si sa mga a salitang dati ay binitiwan sa kanyang pamilya. Mga masasakit na alitang kanyang nasabi lamang dahil nagpadala siya sa bigat ng kanyang kalooban.

Patuloy lamang syang tumatakbo palayo sa mga taong alam niyang labis niyang nasaktan.

Natumba siya ng makabunggo niya ang isang tao. " Ayt, sorry Miss. Okay ka lang ba?"

Tinulungan sya nitong tumayo. Halos manlaki naman ang mata ni Elaina nang makita ang mukha nito. Si Marco.

Bakit ba kasi sa lahat ng taong makabunggo niya, yun pang taong isa rin sa mga nilalayuan niya. Sa isip niya ay magandang pagkakataon na yun, ilang beses syang nangulila sa presensya niya. Ngunit hindi maari, wala na syang balak pang guluhin ang buhay nito.

Hindi nya deserve na makita ni makasama syang muli dahil malaki ang naging kasalanan nya dito. Bin-reak nya ito ng walang maayos na dahilan.

Agad syang tumakbo bago pa nito makita ang kanyang mukha. Mabilis syang nakaalis sa hospital. Hingal na hingal syang napaupo sa isa sa mga benches ng malapit na Park sa lugar na iyon. Ang Evergreen Community Park.

Kabado nyang di-nial ang numero ng taong sa tingin nya ay makakatulong sa kanya. Ang kanyang kapatid, si Jade.

Mistaken Blessing ✔ ( Completed )Where stories live. Discover now