Kabanata 5: Safe

545 20 0
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

"She's fine now. Mabuti na lang at naisugod nyo po agad sya dito sa hospital." Masayang sabi ng doktora na siyang gumamot kay Elaina.

Gumaan naman ang nakasimangot na mukha ng mag-asawang Rosales ng marinig ang mabuting balitang ito.

" Eh, yung dinadala nya?" tanong ng ama ni Elaina.

Malaki at malalim ang boses ng lalaki kaya naman kahit sino'y nagugulat kapagka naririnig sila nitong magsalita. Minsan pa nga ay natatakot din sila dahil mukhang pagalit o pasigaw ito magsalita.

"Isa pa, safe din po ang bata. Mabuti na lamang ay mahigpit ang kapit nito," dagdag pa nito habang inaayos ang nasa leeg nitong stethoscope.

"Maraming salamat po, Doktora." Tumango ng nakangiti ito bago umalis kasunod ang nurse na kasama nito.

Makalipas ang ilang minuto ay ibinukas na rin ni Elaina ang kanya ng mga mata. Kulay puti. Iyan ang tumambad sa kanyang paningin.

"Teka nasa la--" Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin nang narinig ang sigaw ng kanyang kapatid.

"Yehey! Gising ka na Ate," masiglang bungad ng kanyang bunsong kapatid na si Gela sa kanya.

"Ang h-haba po ng tulog nyo, parang si Sleeping beauty," komento pa nito bago tumakbo sa kanilang mga magulang sa labas.

Tinawag ni Gela ang mga ito upang ipaalam na gumising na ang kanyang Ate.
Sa katunayan ay ngayon lamang sya nagising buhat ng dalhin sya sa ospital kahapon.

Agad namang nagsipuntahan sa kanyang tabi ang kanyang mga magulang at kapatid.

"Teka, nasaan ako?" mahinang untag niya habang pinagmamasdan ang paligid.

"Nasa hospital ka, sinugod ka namin dito. Wala ka bang naaalala?" tugon ng nakakatanda niyang kapatid.

"Bakit mo naman nagawa yun, Nak?" bungad na tanong ng kanyang Mama sa kanya.

Lumapit naman ang kanyang Papa sa kanya. Magkasalubong ang mga kilay nito at nakatingin lamang sa kanya. Napapikit na lamang si Elaina nang maramdaman ang presensya nito sa kanyang harapan.

Strikto ito at halos hindi siya basta-bastang pinapayagan na gumala. Kaya naman, inaasahan niya na sasampalin o kaya mumurahin sya nito dahil sa pagtatangka niyang wakasan ang lahat.

Lumipas ang ilang sandali, ngunit wala. Wala syang naramdamang mainit na palad sa kanyang pisngi. Dahil duon, ipinasya niyang buksan na ang kanyang mga mata.

Mistaken Blessing ✔ ( Completed )Where stories live. Discover now