Kabanata 4: Shattered

586 18 5
                                    


WARNING:
This chapter may contain sensitive issues that are not suitable for young audiences. Read at your own risk!

 Read at your own risk!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

Tumigil si Elaina sa pagsuklay sa mahaba ngunit tuwid niyang buhok. Banayad niyang pinagmasdan ang sariling repleksyon sa salamin. Namayat ang dalaga dulot ng matinding stress. Ang dating balingkinitang katawan ay lalong pumayat na para bang halos di sya kumakain. Ganoon pa rin ang hitsura ng kanyang mukha. Matangos na ilong, mapulang labi at malantik na mga pilik. Hindi nakapagtataka na siya ang laging nailalabang muse sa kanilang section noon.

Malalim na buntonghininga na lamang ang tanging nagiging tugon niya sa mga pagbabago sa kanyang katawan. Malamlam nyang tiningnan ang kanyang kabuuan sa salamin. Nangigitim na ng kaunti ang ilalim ng kanyang mata dulot ng puyat at pag-iyak. Unti unti na niyang napapabayaan ang kanyang sarili. Ngunit wala syang pakialam!

Madalas man syang nakatawa habang kasama ang kanyang mga kapatid, ngunit kapag mag-isa ay tila basang ssisiw syang inapi ng mundo. Naawa sya sa kanyang sarili.

"May tumatawag..," sambit niya ng marinig ang biglang pag-ring ng kanyang cellphone.

Agad na binagtas ni Elaina ang daan patungo sa kanyang study table. Halos mapatalon sya sa gulat nang makita kung sino ang tumatawag.

Marco is calling......

Naramdaman nya ang pag-argos ng uha sa kanyang mata.

"Bakit kasi ngayon pa?"

Nababahala si Elaina dahil hindi man lamang nagtetext o tumatawag ang kasintahan nyang si Marco. Ngayon naman ay parang gusto na lang nyang iend o wag na sagutin ang tawag nito.

'Pero anong sasabihin ko? Na buntis ang girlfriend nya at hindi sya ang ama nito?' Yan ang mga tanong na syang namamayani sa isip ni Elaina.

Hindi nya alam kung nalaman na ba ni Marco ang nangyari sa kanya. Umuuwi kasi ito sa probinsiya nito sa Isabela upang bisitahin doon ang Lola nitong may masakit. Si Marco ay kasalukuyang kumukuha ng kursong engineering. Parehas sila ng school na pinapasukan, yun nga lang ay asa accounting department siya.

"Paano ang kinabukasan nya? Ayoko namang matigil sya sa pag pasok at magtrabaho na lang para sustentuhan kaming mag-ina. Ayoko na di nya matupad ang pangarap nyang maging piloto na syang laging bukambibig nya," pabulong nyang sabi sa sarili.

Matagal siyang nakatulala lang habang tumutunog ang kanyang cellphone. Sa nanginginig na mga kaya ay matama niyang tinititigan ang lalaking nakawallpaper dito na halos apat na taon din nyang minahal.

Huminga sya ng malalim at isinaisip na kailangan nyang sagutin ang tawag. Inuusig kasi sya ng konsensya lalo't wala naman kasalanan dito ang kanyang boyfriend na si Marco.

"Hello, labs?" Napasinghap sya nang marinig nya ang tinig ng lalaking mahal nya. Na miss kasi nya ang maamo at may sinseridad na boses nito. Nanatili lamang syang tahimik habang nag-iipon ng lakas ng loob para masabi ang minarapat nyang iparating dito.

"Di bale, alam ko namang andyan ka lang eh. Pasensya na kung di kita nadadalaw dyan. Hayaan mo babawi ako sa--

" Hindi. Wag na," pagputol nya sa sinasabi nito. Hindi na nya naitago ang sakit at kusa na lamang naglandas na muli ang mga luha sa kanyang pisngi at napahagulhol na sya ng iyak.

"Teka, umiiyak ka ba? Pasensya na talaga babawi naman ako sa'yo eh," pakiusap nya sa akin.

"No. Hindi na kailangan. Na-nakikipaghiwalay na ako s-sayo," Bakas ang panginginig ng boses ni Elaina habang sinasabi ito kay Marco.

" Labs, Elaina. Wag namang ganito oh. Dahil lang dun. Mahal na mahal kita. Please... Wag ka namang ganyan.. Wag mo--

" T-tama na, Marco!" sigaw niya sa kabilang linya. Natahimik ang bawat isa. Mukhang nagulat si Marco sa inakto ni Elaina sa kanya. Hindi nakawala sa tainga niya ang paimpit na pag-iyak ng dalaga.

" P-pero...please pag-usapan natin. Wag ganito. A-ayoko nito--"

"M-mag...hiwalay na tayo!" Marahas na ibinato ni Elaina ang kanyang cellphone sa kama. Napasalampak sya sa sahig habang wala pa ring tigil ang pagbuhos ng masaganang luha sa kanyang mga mata.

"Mas mabuti na yung ganito kahit masakit. Siguro makakahanap pa sya ng iba na mas higit sa akin...

Mas higit sa babaeng may anak na....

Napadako ang kanyang tingin sa medyo bumubukol na niyang tiyan. Malamig nya itong tinitigan habang unti unti na namang nabubuhay ang nararamdaman nyang galit sa dinadala niya.
Hinataw nya ito ng mahihinang palo. Tuloy tuloy at umiiyak nyang tinanggap ang mahihinang suntok na nagmumula sa kanyang sariling kamao.

Masakit para sa kanya na iwan ang lalaking mahal nya. Ngunit ayaw nyang nahirapan at maging pabigat sa buhay nito. Kaya nga't minabuti nyang makipaghiwalay na lamang dito para hindi na ito mahirapan pang bitbitin ang obligasyon nito sa kanya at sa batang hindi naman nito kadugo.

Sa kanyang direksyon ay nakita nya ang isang babaeng lumuluha. Magulo ang buhok nito at h para syang pinagsakluban ng langit at lupa. Awang awa nyang pinagmasdan ang sarili sa salamin. Sya ang babaeng yun.

Tumingin siya sa itaas. "May masama ba akong nagawa, kaya hinahayaan ninyong mangyari ito sa akin?. B-bakit...?"

Alam nyang maling isisi sa Diyos ang lahat. Pero sadyang nabalot na sya nang galit at paghihinagpis sa kanyang puso.

'Hanggang kelan ba sya iiyak?" Ayan ang tumatakbo sa isip nya. Mag-isa na lang sya, tinalikuran na sya ng mundo.

Naghalo-halo ang kanyang emosyon. Galit. Sakit. Pagkaawa sa sarili.

"Hindi ko na kaya," mahinang bulong niya. Wala sa sariling ininom nya ang di ordinaryong gamot na nakalagay sa kanyang lamesita.

Maya maya ay nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Bumabagal na rin ang kanyang pahinga. Wala syang naiisip kundi ang masasayang alaala nila ni Marco. Lugar kung saan silla unang nagkita, first dates, anniversaries at yung mga promises nila sa Park. Sumungaw ang maliit na ngiti sa kanyang labi nang muling mag-flashback ang mga pangyayaring iyon sa kanyang isip. Para bang kahapon lamang naganap ang mga pangyayaring iyon.

Bahagyang nanlalabo na ang kanyang mga mata. Mariin syang napakapit sa paanan ng silyang kahoy ng kanyang lamesa. Marahas siyang napahawak sa kanyang dibdib. Ramdam nya ang sariling tila nauubusan na ng hangin.

Bigo syang tumayo at napahiga na lamang sa malamig na sahig ng kanyang kwarto habang nauulinagan ang pagpapaulan ng katok ng kung sino sa kanyang kwarto.

"Elaina.. Elaina," yan ang tanging narinig nya bago sya nawalan ng ulirat.


Mistaken Blessing ✔ ( Completed )Where stories live. Discover now