Kabanata 11: Incident

436 7 0
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

 
"Nak, bantayan mo muna si Athena. May bibilhin lang ako sa palengke," utos ng Mama ni Elaina sa kanya.

"Nay, wala ba dyan si ate?," untag naman niya sa kanyang mama.

"Wala. Lahat sila ay napasok kaya wala akong mapag-iiwanan sa kanya. Hindi ko naman sya pedeng isama." Napakamot na lamang sya sa kanyang ulo bago tinahak ang daan patungong sala.

" Madali lang ba kayo doon, Mama?", mahinang untag niya doon.
" Baka tanghaliin ako, nak. Dadalawin ko na rin sana yung Tita mo na nagkasakit sa puso. Na ospital siya kamakailan at ngayon ay nakauwi na raw sa kanila. Mangangamusta lang ako doon at ako ay uuwi rin agad," mahabang paliwanag naman ng kanyang Mama.

Napakamot na lamang si Elaina sa sariling batok. Mukhang siya nga talaga ang magbabantay sa paslit na iyon.

Maya-maya'y umalis na ito dala ang kulay asul na bag na lagi nyang dinadala papuntang palengke. Naiinis naman syang napatingin sa bata.

Nakahiga ito sa kanyang crib.May mga rattle at kung anong nakasabit syang laruan sa taas. Kasalukuyang nasa sala sila ngayon. Pumunta muna sya sa kusina at binuksan ang refrigerator.

" Haysst, ang pagkakainit ngayong araw," anas niya bago uminom ng tubig. Kakatapos lang nya maghugas ng pinggan bago siya pagbilinan kanina ng kanyang ina na bantayan si Tinay.

Nakailang lagok pa siya ng tubig bago tuluyang pumunta sa sala. Nakaupo lamang siya sa dulo ng kanilang sofa. Hindi niya natatanaw ang mukha ni Tinay, tanging ang maliit na mga paa lamang nito ang kanyang nakikita.

Ilang oras din sya sa pagkaka-upo doon. Di niya maipagkakailang naiinis sya sa bata. Manonood sana siya ng kdrama ngayon kaso di naman natuloy yun dahil nga pinagbabantay sya. Isa pa, gusto kasi niya na hindi siya naiistorbo sa kanyang panonood. Minabuti na lamang niyang ipagbukas iyon dahil wala din naman syang choice.

Mag-aalas onse na ng tanghali ngunit hindi pa rin dumadating ang kanyang ina. Naiinip na si Elaina. I dagdag pa sa kanyang pagkainis ngayon ang nakakarinding iyak ng batang binabantayan nya ngayon.

" Tahan na, aba. Baka akalain nila sinaktan kita," sigaw niya sa munting paslit. Nandoon pa rin siya sa sofa. Hindi man nakikita ni Elaina ang mukha nito ay di nya pa rin maitago ang pagkainis sa presensya nang batang iyon.

" Ano ga? Nakakarindi ka na, kung alam mo lang!" galit na saad pa nito.

" Kainis naman eh!" sigaw niya. Naalala ni Elaina nung mga pagkakataong nag-aalbor din ito. Himala nga at kinantahan lamang siya ng Ate Clarissa nya ay tumigil na iyon sa pag-iyak.

Kaya naman naisip niyang subukan ito." Pagkatapos nito, siguraduhin mong tatahan ka ha! ". Sinimulan na nga niya ang pagkanta.

"Ili ili, tulog anay...." Pilit nyang gawing kalmado ang pagkanta nuon ngunit talaga yatang hindi sya biniyayaan ng magandang boses. Imbes na tumahan ay mas lalo pa itong nagpalahaw sa pag-iyak.

" Haysst, di ko na a--." Tumigil siya nang marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone.

Iniwan nyang saglit si Tinay upang tingnan. kung sinong tumatawag. Si Jenny pala, ang best friend nya.

"Oh, Jenny. Bakit ka napatawag? Kamusta ang buhay Japan mo dyan?," bungad ni Elaina sa kabilang linya.

Lubha niyang na-miss ang kanyang best friend. Tulad niya ay hindi na nito natapos ang kanyang pag-aaral. Ngunit magkagayonman ay nakahanap naman ito ng trabaho sa ibang bansa.

Bata pa lamang ay pangarap na nila talagang makalipad at makatungo sa ibang bansa. Yun ang pinaka-goals nila nung college. Ngunit pagkaraan ng ilang araw at dahil na rin sa mga nangyari sa kanya tila naglaho na lang parang bula ang mga pangarap na iyon sa kanyang isipan. Hindi nya mapigilang hindi mainggit sa mga kaklase nyang ngayon ay graduating na sa kanilang course.

" Heto Laina, okay lang. Hindi madali ang trabaho dito pero kakayanin. May pinapa-aral pa kasi ako dyan sa Pinas. Si Alex at Gerald na bunsong kapatid namin." Mababakas sa boses nito ang kaunting kalungkutan. Siguro ay nami-miss na nya ang kanyang pamilya. Hindi naman kasi madali ang manirahan at magtrabaho bilang domestic helper sa isang di pamilyar na lugar.

Madalas ay nakikita ni Elaina iyon sa mga documentaries na na papanood niya sa telebisyon at maging sa YouTube. Bukod pa roon, ay nagtetext o kaya naman ay tumatawag ang kaibigan niya at nagkukuwento ito sa kung paano ito mamuhay sa ibang bansa.

Masyado syang naaliw sa pagkukwentuhan dito kaya naman nawala sa kanyang isip ang binabantayan niya.

Ilang oras din silang magkakwentuhan sa telepono. Sila kasi yung tipong magkaibigan na napaka-close sa isa't isa. Magka vibes sila kaya namn di sila nauubusan ng mga bagay na pinag usapan. Isa pa, dakilang madaldal itong si Jenny at masayang kasama.

Noong minsan silang pinagbabantay sa isang classroom dahil walang guro ay maghapon silang nagkwentuhan. Inakala nya na magiging boring ang araw nya. Doon nila mas nakilala ang isa't isa. Madali kasing makasundo si Jenny ng lahat ng tao. She has a sense of humor at isa pa kahit masyado syang madada ay mapagkakatiwalaan naman sya pagdating sa mga secrets.

" Okay, sige sige. Ingat ka lagi dyan . Pasalubong ko ah, pagdating mo! Charr," biro pa niya bago ini-end ang tawag.

Matapos iyon ay agad nyang naalala ang binabantayan nya. Nagtaka siya, tahimik ang paligid. Tumigil na sa pag-iyak ang sanggol.

Bunga ng kuryosidad ay sinilip niya ito. Kahit na ayaw niya ay pinilit pa rin niya ang sarili. Nanlaki ang kanyang mga mata at Dunaluhan ng matinding kaba ang kanyang puso nang makitang dumudugo ang ilomg ng bata. Ayaw man nyang gawin ay pinunasan nya ang ilong nito. Pero tuloy tuloy pa rin talaga ang pagdurugo hanggang sa dumating ang kanyang Mama.

"Oh, anong nangyari dyan. Sabi ko sayo bantayan mo ng ayos eh."

" Ay, susmaryosep! Bakit dumudugo ang ilong nito. Anong nangyari, Nak!," sigaw ng kanyang Mama.

Nataranta si Elaina at di malaman ang kanyang gagawin.

Napatulala na lamang sya habang humahangos ang kanyang Mama na umalis ng bahay upang mag-abang ng masasakyan papuntang hospital.

Rinig na rinig niya mula sa labas ang paghingi ng tulong ng kanyang Mama.

Wala syang ibang naririnig kundi iyon at ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Ngunit nanatili lamang syang tulala at walang kakibo-kibo.

"Anong nagawa ko?" Yan ang katanungang nabuo sa kanyang isip habang matamlay na napalumpasay sa sahig.

Mistaken Blessing ✔ ( Completed )Where stories live. Discover now