Kabanata 9: Pain

412 10 0
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

Matapos kumain ng agahan ay pumunta si Elaina sa kanyang kwarto. Ramdam pa rin nya ang sakit. Mabigat sa pakiramdam. Inabala na lamang nya ang kanyang sarili sa pagtitiklop ng kanyang mga damit.

Ipapatas na sana nya ang kanyang mga damit na nakalapag sa kanyang kama ng marinig nya ang pagbukas ng pinto. Tinapunan niya ito ng tingin at iniluwa nito ang kanyang Ate Jade. Mahaba ang hanggang bewang nitong buhok at medyo may kaputian rin. Sa kanilang magkakapatid siya ang pinakanakakahawig nito, ayon sa sinasabi ng kanilang mga kamag-anak.

"Sipag ah," puri nito kay Elaina. Bahagya naman syang napangiti nang marinig ang sinabing iyon ng kanyang ate.

"Wala 'to, Ate. Magulo lang talaga ang damitan ko kaya nagtiklop ako ng damit", tugon naman niya. "Bakit nga po pala kayo nandito?"

Napahinga naman ng malalim ang kanyang Ate Jade bago ito nagsalita. "Di naman sa nanghihimasok ako sa relasyon nyo ni Marco pero nakita ko kasi syang kasama nya yung babaeng kulot ang buhok tas mapu--

" Okay lang sakin," tipid niyang tugon.

Tumaas ang kaliwang kilay ng kanyang Ate. "Aba, di maari iyon. Ikaw ang girlfriend nya. Dapat di ka pumapayag na loko--

" Wala na kami ate," pigil naman ni Elaina dito at itinuon na lamang ang atensyon sa mga tinitiklop niyang damit.

Nanlaki namang bigla ang mga mata nito sa narinig at parang di makapaniwala sa nangyari. "Kailan pa?"

"Kahapon lang ate," naiiyak na sagot naman ni Elaina.

" Eh patay pala sakin yung gag* na yun eh. Anong karapatan nyang saktan ang kapatid ko." Inilislis niya paitaas ang manggas ng kanyang damit at napatayo na para bang kung sinong susugodin.

Pinaka ayaw nya kasi na naaapi ng kung sino ang kahit sino sa kanyang mga kapatid. May mga pagkakataong sya pa ang nangungunang manugod noon nung naging biktima ng bullying ang kapatid nilang si Jennica sa school noon.

" Ang totoo nyan. Ako ang nanakit at nang-iwan." Nangingilid na ang mg alyha ni Elaina kaya naman tumingin siya sa itaas upang mapigilan ito.

Binalot ng katahimikan ang paligid. Naguguilty kasi ang kanyang ate sa sinabi nito. Di nya alam na hiwalay na pala silang dalawa.

"So, nagkabalikan na pala sila ni Erin," pag-iiba naman ni Elaina sa usapan.

"Sino naman sya?", usisa ng kanyang Ate Jade.

"Ex nya," tipid kong sagot sa kanya.

"Okay ka lang ba, sis?". Umiling lamang sya sa sinabi ng kanyang kapatid. Maya-maya ay naramdaman na lamang nya na niyakap sya nito.

Mistaken Blessing ✔ ( Completed )Where stories live. Discover now