CHAPTER 19

303 18 0
                                    

RED DAYS

alec pov

Pagkagising ko ay nakaramdam ako ng sakit ng puson. Mukang my mens pako ngayon. Miyerkules ngayon at tinatamad akong pumasok dahil ang bigat ng katawan ko. Kung nasa mansyon ko ako ay my gamot nako para maibsan ang sakit. Pero ngayon ay wala akong gamot at diko alam kung ano bang gamot ang dapat bilin kasi yung yaya ko naman yung bumibili sakin

Wala ako sa mood na pumasok. Kailangan kong pumasok. Pina absent ko kasi si kami. Sinabi ko sa kanya na ipasyal niya ang mama niya. Binigyan ko din siya ng pera na gagamitin. Di ako ang nag abot at ang nagsabi non kundi si gio. Muka kasing close sila kaya siya na lang ang pinagsabi ko.

Ginawa ko yon para sa mama niya. Di para kay kami. Tch.

Busangot na busangot ang muka ko ngayon kaya naman kada makikita kong tao ay nagpupula sa paningin ko. Sana lang ay walang mang bwibwiset sakin mamaya baka mabalian sila ng buto. Lalo na ngayong masama ang pakiramdam ko.

Pagdating ko sa room ay gaya ng dati ang ingay padin. My nagbabatuhan pa ng papel. At naiinis ako don. Lalo pa ngayong dinudugo ako.

"Hoy palamura. My pagkain kaba diyan?"
"Palamura my assignment ka?"
"Palamura peram ako ng notes mo"
My ilan na nang iinis sakin pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko

"Manahimik kayo"mahina na sabi ko at tumahimik naman sila. Nangunot ang noo ko nung una kung bakit biglang bait sila pero na realize ko na exemption day ko ata ngayon. Mabuti pang ganon na nga lang talaga.

Nag umpisa ang klase at di talaga ako mapakali sa sakit ng puson at likod ko.kaya naman nagpunta akong cr. Ansakit talaga ng puson ko. Kaya naman tumawag ako kay dad

"Daddy huhu... "pag iyak ko para sure na dadagdagan niya allowance ko. Binigay ko kasi kay kami ang 6k ko na baon ko sana ng tatlong araw. Kaya naman kapos nako ngayon sa pera. Tch

"Dadddd..." muli kong pagtawag sa kanya dahil di agad siya nagsalita

"Princess. What's wrong?"tanong nito na halatang nag aalala

"Dad.. i need money to buy a medicine. Im in my menstruation days na. my back and puson is aching "maarte na pagkukuwento ko. Na may patulo luha effect pa kasi masakit talaga sa puson

"my princess......ohh god...ok ok Papapuntahin ko diyan ang isa sa mga yaya mo ha. But wag lalaki yang ulo mo haa. Kelangan mo mag tiis princess ko"ani ni dad na bakas na bakas sa boses niya ang pag aalala kaya naman napangiti ako. Sino ba ang di ma iispoild sa daddy kong to kaya mahal na mahal ko ee

"Daddy you're da best talaga. Ilove you daddy gawin mong 15,000 a week ang allowance ko haa. Di po kasi kasya ang 10,000 lang dad"pag papaawa ko. Napabuntong hininga naman si dad kaya napangiti ako

"How can i resist my princess. Ok daddy need to work. I love you princess. Alagaan mo sarili mo at mag lock ka palagi ng pinto haa. "Ani nito

"Yess boss dad ilove you too mwah mwah"nakangiti na ani ko at hinalkan pa ang depindot na cellphone. Binaba ko na ang tawag. At paglabas ko ng cr eh parang nawala ang sakit ng puson ko.

Pera lang pala ang kailangan ng sakit nato. Bat diko naisip agad yon. Tch

Nung mag break na ay tinatamad na naman  akong kumain dahil nanakit na naman ang puson ko. Para pa namang bulkan kapag lumalabas ang mens kaya nahihirapan ako

"Hoy ikaw palamura. "Habang na ka ubob sa arm chair ko ay my nakatayo na naman sa harap ko kaya naiinis ko itong tiningan. Si Vincent na naman

"Pede bang tantanan moko"inis na sabi ko pero di ito umalis sa kinatatayuan niya.

CLASSROOM OF THIS SPOILD MALDITAWhere stories live. Discover now