CHAPTER 31

249 19 0
                                    

Intramural: the closure
Lenster POV.

Diko alam kung ano bang iniisip ni mr. Tom at sinama niya ako sa gagong to. Minsan talaga ay mas magandang sabihing nakakabaliw ang pamamaraan ni mr. Tom at kadalasang di maunawaan. Kesa sa sabihing mabisa.

Sumapit ang gabi ay nagsiuwian na ang lahat. Tanging kami lang dalawa ni gungong ang naiwan. Kasalukuyan siya nasa loob ng room habang nasa labas naman ako at nagpapahangin. Diko ata kayang pumasok sa loob at makasama siya, mas gugustuhin kong manigas sa lamig dito sa labas.

Magkaibigan kami ni plee mula pa noon. Sa bawat kalokohan ko nandyan siya at sinasabayan ako. Siya yung tipong sige gawin mo susunod ako. Kinilala kaming parehong mga traydor. Sabay kaming napaalis sa campus. Pero masaya kami.

Bakit nga ba umabot sa gabitong punto ang lahat sa pagitan namin?? Tunay nga ang kasabihan na ang sugat na basta binalutan ay di gumagaling. Dahil hangang ngayon diko mapapatawad ang gagong yan. Kahit sabihin pang tinakluban na ng panahon ang nangyari ay diko padin siya mapapatawad.

2 years ago.....

"Plee tawagin mo ang mama mo.. plee mamatay si lycan pleee. Mamatay ang kapatid ko" sigaw ko kay plee. Tagaktak na ang pawis ko. Nanahimik kaming nakaupo sa bundok at di namin alam paanong mga assasin ang talagang pinuntirya si lycan.

Wala akong nagawa sa bilis ng pangyayari. Tanging duguan na si lycan na lang ang bumagsak saking hita na kanina ay ayos pa naman na katabi ko. Binaril na lang siyang basta at tumumba na siya sa hita ko

Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang pisngi ni lycan na naghahabol ng hininga. Ang dugo niya ay kumakalat na at diko alam kung dapat ko ba yun takpan. Mang mang ako. Diko alam ang gagawin ko. Kaya naman bumaling ako kay plee. Humahanap ako ng lakas na loob sa kana dahil diko alam ang gagawin ko, ramdam kong mababaliw ako kung di ako mag kokontrol ngayon.

"Pleee tumawag ka ng kahit sino !!!" Sigaw ko kay plee dahil nanlalaki lang ang mata nitong nakatingin kay lycan. Putangina anong gagawin ko. Bumaling ako kay lycan at napapikit ito sa sakit na ninanamnam niya. Nagpatakan ang luha ko at umiling, pinapahiwatig na di siya mamatay "l-lumaban k-ka lycan para sa kuya ha" pangungumbinsi ko sa kanya at hirap na hirap man ay tumango si lycan.

Muli akong bumaling kay plee tanging pagkatulala lang ang nagawa niyo"Pleeee ang kapatid ko pleee!!" Sigaw ko at parang nawawala na sa iya sa sarili na iiling iling na gulat na nakatingin kay lycan. Agad naman tong tumayo at tumakbo ng mag sink in ang nangyayari sa kanya.

Bumaling naman ako kay lycan na naghihingalo.

"K-kuya a-ng section na to--" pilit siyang nagsasalita pero di niya matuloy dahil nanunuoot ata ang sakit sa kanyang kaibuturan. Ako naman ang nasasaktan para sa kanya kaya kahit nanghihina ang loob ko ay pinilit kong magpakalakas para sa kapatid ko. Ako ang pagkukuhanan niya ng lakas ng loob. Ang paghihirap ng kapatid ko ay bakas na bakas sa muka niya. At diko alam ang gagawin ko para maibsan niya yon

Plee dumating ka please. Bilisan mo. Nagtitiwala akong maisasalba natin ang kapatid ko.

"Ssshhh di ka mamatay. Ireserba mo ang lakas mo, kasi pupunta pa tayong manila, hahanapin natin si papa, at saka mamumuhay tayong napakarangya, isasama nating pareho si plee" nakangiting ani ko. At bigla ay guminhawa ang muka niya.

"H-hahanapin n-natin si p-papa" nahihirapang ani niya sabay ngiti. Di ako mapakaling patingin tingin sa pinagtakbuhan ni plee. Putangina plee nasaan kana.

"K-kuya. A-ang s-school may monster" ani niya at pinatahimik ko siya.

"Wag ka muna magsalita lycan haa. Saglit lang lycan. Andiyan na si kuya plee." Nag aalalang sabi ko at hinaplos ang noo niya na tagaktak ng pawis. Tumango naman siya at kinoportable ang sarili

CLASSROOM OF THIS SPOILD MALDITATempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang