39

356 19 20
                                    

Life without palamura

Vincent POV

I hate my self for slapping her. I want to punch my self several times. Paano ko yon nagawa sa kanya. Tanga ba ako? Bobo ba ako?. Gusto kong murahin niya ako.

Kasalukuyang nasa main campus ako at binabantayan ang galaw ng faculty. Natutunugan ko na may binaba na naman ang mga sandoval na batas. At kung ano man yon ay sigurado akong malalaman naman namin yon kahit di ako mag masid. Pero dahil sa sama ng loob ko sa aking sarili ay narito ako para magpalipas ng oras.

Mula Kahapon noong kinopronta ko si palamura ay hindi ko na alam ang balita sa old campus. Im pretty sure na kinamumuhian nako ng babaeng yon. Hindi na ako pumasok ngayon. Diko alam paano siya haharapin. Diko kaya.

Aalis na ba siya dahil don?, Nasasaktan ako. Pero wala naman ng magandang rason para manatili siya rito. Bukod sa mag uumpisa na ang totoong misyon dahil nilantad na ni maezel ang pagkakakilanlan niya na matagal naming iningatan ay delikado talaga si palamura sa puder ko. Naalala ko na. Alam ko na ang dahilan ng lahat kaya hindi malabo na maulit ang nangyari noon.

Ang buong end class. Kumikilos kami hindi dahil sa paghihiganti. Kumikilos kami para iligtas ang mga inaapakan ng angkan ng sandoval. at para protektahan ang guro ng end class.

Napangiwi naman ako ng maalala na naman si mr.tom, paano niya natitiis lahat? Paano niya nalalabanan lahat?. Tss.

Bigla akong napaayos ng upo ng my dumaang teacher sa baba ng punong kinasasampahan ko. Di nila ako makikita pero maganda na rin ang handa.

"Kawawa naman ang mga bata na iyon" ani ng isang guro. Nangunot agad ang noo ko

"Diko maatim na gagawin talaga silang parang hayop ni dean" kumento ng isa.

"Bakit nga ba sila nag titiyaga pa? Pede naman sila humanap na lang ng public school"

Diko na narinig pa ang usapan nila ng makalayo na sila. Nangunot ang noo ko. Parang hayop? Ano na naman ba ang gagawin nila?,

Bakit nag titiyaga pa? Tss di naman kami ng titiyaga sa wala. Nag titiyaga kami para puksain ang katiwalian ng nakakataas.

Umalis na ako don dahil masyado akong naiinip. Nagdadalawang isip ako kung sa old campus ba ako pupunta o uuwi na lang.

Pero habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si plee na bagsak ang balikat. Agad ko siyang nilapitan

"May problema?" Marahang tanong ko. Binalingan niya naman ako at tiningan saglit bago tumungo ulit

"Wala naman, aalis na lang talaga si palamura" ani niya saka nagpatuloy uli sa paglalakad papuntang old campus.

Inaasahan ko ng uuwi na nga siya pero diko inaasahan na ganto kabilis. Akala ko titiisin niya pa kagaya noong una. Kung paano niya kami tiniis noon. Kung paano siya nagpakatatag. Diko maintindihan. Ito ang gusto ko pero ngayong aalis na siya parang ako pa ang na dissapointed.

Alec POV

Kasama ko si yaya. Uuwi ako ng manila hindi lang para sa misyon ng end class. Kundi para kumprontahin ang bruha kong pinsan. Nag rereyna reynahan ba naman sa mansyon ko?. Punyetang alaisa yon doon pala namamalagi matapos mangimpakto sa end class.

Kaya naman gagamitin ko ang Chance na ito para ilagay sa dapat pagkakalayan anb bruhang yon. Madami talaga siyang ka shitan. Gustong gusto apihin ako para makahati sa mamanahin ko pagdating ng panahon. Tanga ba siya? Buhay na buhay pa ang mga magulang ko para maging atat siya

Lagi niya din sinasabi na inagawan ko siya. Eh siya kaya ang mangaagaw. Anong pake ko sa putanging yan. Isama pa ang tita ko na laging nasa simbahan pero sobrang itim ang budhi. Nakakadiri silang dalawa, pag umpugin ko pa sila eh

CLASSROOM OF THIS SPOILD MALDITAWhere stories live. Discover now