CHAPTER 28

293 18 0
                                    

Multo

Alec POV

Kinabukasan ay dilat na dilat ang mata ko dahil di man lang ako pinatulog ng pag iisip. Mabuti na lang at sabado kahit maghapon akong humiga sa kama at mag isip ay wala na kong dapat pang problemahin

Una kasi sa isipin na di nagpatulog sa akin ay ang OA na reaction ko sa sinabi sakin ni mr. Tom.. hanggang ngayon ay di ko iyon mabigyan ng eksplenasyon kung bakit nga ba naging ganon na lang ang naramdaman ko. Pero napag isip isipan ko na wag ko na lang muna yon pagtuunan ng pansin, dahil binalot uli ako ng inis sa kanya ng malaman kay kami na naging pabigat daw ako sa mission sabi ni mr. Tom

Seriously? Pabigat? Me?... kekapal kapal naman talaga ng muka nung lalaking yon, oo ngat inaamin kong wala akong naambag pero di ako pabigat, ni di pa nga natatapos ang mission nila ay umalis nako dahil sa kalutangan ko.

Pangalawa sa bumabagabag sa akin ay ang sinabi ni vincent kagabi. Wala naman na sana yong epekto pero napag isip isip ko bakit nga ba naging ganon din ang reaction niya. Alam kong para siyang loyal dog ni mr. Tom dahil siya itong parang ulol na ulol sa teacher na yon at lahat ng sabihin non ay kaya niyang sundin pero ang diko maipaliwanag, bakit niya kailangang tanungin  yon sa dismayadong paraan pagkatapos kong kausapin ang teacher na yon

Kung normal man iyon ay sa palagay ko ag nag oover think na nga lang ata ako

Pangatlo ay yung babaeng nakita ko sa parke. Siya ang lumamon sa interest ko na nagawang takluban ang kakaibang reaction ko sa salitang binitawan ni mr. Tom at ni vincent

Walang ano ano ay na curious ako sa babaeng yon. Gaano ba kasakit ang pinagdadaanan niya para maging ganoon ang sitwasyon niya

Kagabi kasi nung mahuli niya akong nakamasid sa kanya ay para akong tuod na umalis dahil di matagalan ang titig niya. Bagamay nakuha kong umalis sa harap niya ay inukupado niya ang aking isipan sa mga tanong

Diko maipaliwanag bakit kailangang lamunin ako ng ganito ng di hamak na stranger lamang. Pwe sino ba siya sa akala niya. Palibhasa e di ako nakikilala

Ano raw wag ugaliin?.. manood?? .. pahintulot?... patawa siya may iba ngang bumabayad pa bigyan ko lang sila ng tingin

Pero napukaw niya talaga ng sobra ang interest ko, sino kaya ang babaeng yon... brokenhearted  ba siya? Normal lang ba sa broken ang ganong lagay? Pero bakit blangko ang muka niya at di umiiyak?? Paanong naipapahiwatig ng ganoong aksyon ang nararamdaman niya??

"ALECCCC!!!"

"Anak ka ng pekening aksyon" Halos mahulog ako sa kama ko ng biglang bumukas ang pinto at niluwal niyon si kami na ngiting ngiti habang naka uniform pa ng inasal kasi nagtratrabaho din siya ngayon don

"Ano ba"inis kong singhal sa kanya ng makabawi ako sa gulat

"HAHAHA kasi naman bakit ba di kapa bumabangon. Tanghaling tapat na at nagbubunganga na ang trying hard na yaya mo" ani nito at inismiran ko siya

"Eh ano ba sayo?. Bakit ba nandito ka?" Tanong ko sa kaniya saka kinuha ang tubig sa tabi ng kama ko at nag stretching

"Kasi... ---hulaan mo"parang tanga ito. Binibitin ako ng nerd na to

"Fuck you ka kami" inis na sabi ko. Kahit na gusto ko malaman kung ano yon ay pinangunahan ako ng inis at para mapanindigan ang maldita figure ko ay tumayo ako at pumasok sa banyo. Narinig ko naman ang parang baliw na tawa ni kami

"Huy alec the princ--HAHBHAHAH" Di nito matapos ang sasabihin dahil tawa siya ng tawa kaya mas nainis ako. Hinahanap kung nasaan ba ang katawa tawa sa kanya. Kaya naman sa halip na pakingan siya ay naligo nako ng tuluyan

CLASSROOM OF THIS SPOILD MALDITAWhere stories live. Discover now