CHAPTER 30

292 24 0
                                    

Intramural part 2- preparation

Alec POV

Alas 4 ng madaling araw ay nagising ako at agad na nag ayos ng sarili. Sinuot ko ang P.E uniform napag isip isip ko kasing kailangan kong galingan. Dahil kung hindi ay di ako makakapayag sa parusa. Ayos lang naman kung di namin makukuha ang one day beach vacation. Sa totoo ay sobrang ayos lang. ang di lang matangap ng sistema ko ay ang parusang kalakip

Letche napag isip isip kong imposible ang sinasabi nilang limang panalo para sa iilan na laro.

Chess at badminton ang sigurado lang namin. Dahil walang nakakatalo talaga kay kaye at steal sa larangan na yon. At bukod don saan pa kami mananalo??. Siguro nga ay kailangan maniwala sa milagro.

Pero ang end class. Nakakatwang parang naglalaro lang sila. Tch.

Nang makarating ako sa bundok ay laking gulat ko ng halos lahat kami ay naroon na ng ganito kaaga kaya naman nanlalaki ang mata kong naituro sa kanila. Dont tell me parepareho na kami ng mind set ngayon

"Wooowww palamura dedicated yann??"
"HAHAHAH takot maglampaso to eh "
"Para ngang di ata talaga tayo mananalo. Kaya naman ni palamura na maglinis na lang. Si palamurs pa" pang iinis nila at napairap ko

"Eh shit kayong lahat. Dukutin ko kaya mata niyo isa isa at tuhugin ko at ibenta?" Ani ko at tumawa naman sila. Nang asar pa sila pero diko na pinansin pa dahil gusto ko talagang mag seryso ngayon. Naiisip ko panga lang na madaming makakapanood na lalampa lampa ako ay naiinis nako

Ano pa kapag pinag lampaso pako. Edi parang sinabi na lang nila na magbigti ako gamit ang sarili kong kamay.
Aishhh ganon na nga ata kataas ang pride ko para sa bagay bagay na maging maisip ay diko magawa.

Agad naman akong lumapit kay alulai na siyang napansin kong malakas talaga ang pwersa. kung maka spikes kasi ay talagang di masasambot, malakas din mag serve kaya nahihirapan ang iba na saluhin yon saka magaling din sumambot. Sa kanya na lang ako magpapaturo. Bukod sa madaldal siya ay mukang my alam na talaga sa larangan na ito.

"Hoy" pag agaw ko sa kaniyang pansin. Kasalukuyan siyang nag aaral ng pag seserve. Pagkakapalo sa bola ay tumatakbo para limutin din agad dahil sa limitadong kagamitan.

Nakangiti nitong tinigil ang takbo at lumapit sa akin ng mapabaling sakin. "Uyy palamura. Mag practice kana?" Tanong nito kaya naman imbes na sarkasmo ang itugon ko ay nagngiting aso ako.

"Tulungan moko ohh alulaiii...." sinabi ko iyon habang nag bow pa sa kanya

"HAHAHAHAHAH" pagtawa nito

"Anak ng. Wag mokong tawanan seryoso ako" inis na sabi ko pero tinawanan niya lang uli ako. At dahil sa maldita ako ay wala pa man ay parang naapakan na ang ego ko. Bakit ba naman kasi tumatawa pa ang king ina. Nagpapaturo lang naman eh. Pero imbes na mag ano ano ay napabuntong hininga na lang ako at pinatapos ang tawa niya

"HHAHAHAHH isang kondisyon" ani niya na kinakunot ng noo ko

"Sabihin mo"

"My pabor akong hihingin sayo pagkatapos ng intrams" ani nito habang nakangiti. Pinaningkitan ko siya na tila ba naghihinala kung siya ba talaga ang nasa katauhan ng katawan niya. Pero ako din ang naguluhan dahil masyado siyang nakangiti subalit diko mabasa ang mata niya na tila ba nagsasabi ng kakaiba.

"Di naman siguro ikasasama ko??"nakataas ang isang kilay ko habang sinasabi iyon. Sinuklian niya naman iyon ng halakhak

"Hindi ikasasama ni maldita" ani nito parang ginagawa akong batang inuuto uto. Napabuntong hininga ako at napapikit ng medyo. Wala naman sigurong masama kung umoo ako. Diko naman siguro ipapahamak ang sarili ko diba. Isa pa ay para sakin din naman, para matuto ako kaya sige.

CLASSROOM OF THIS SPOILD MALDITAWhere stories live. Discover now