34

216 17 3
                                    

Disaster 2nd day

Hi milovesss sorry masyado ako malalim for today. Akoy kasalukuyang nahuhumaling sa panitikang pilipino. Hehe. Mwah

Shida POV

"Pre yung ellen, yung secretary ng students council naging ex yon ni trone diba?" Habang naglalakad kami papuntang gym ay bulong sakin ni plee

"Ang chismoso mo kalalaki mong tao" banat ko rito saka binuksan ang bote na hawak ko at uminom ng tubig habang naglalakad

"Pero seryoso nga feel ko may feeling parin si trone don eh" ani nito kaya napataas ang labi ko.

"Pano mo nasabi?" Tanong ko kahit pa ang attentions ko ay nasa paglalakad lang

"Nakita ko si trone na malungkot na nakatingin sa ellen na yon nung nasa stage ang students council" ani nito

"Diba flirt naman yon? Anong nagustuhan ni trone don?" Nagulat na lang kaming pareho ng biglang sumingit si fice sa usapan namin at bigla na naman naging erratically ang kabog ng dibdib ko. Its been a week mula ng iwasan ko ang tomboy na to

"Ikaw nga tomboy di ka namin jinujudge fice kaya shut mo na lang ang iyong mouth " may akmang pairap na sagot ni plee.

Diko alam saan nag simula o sa paanong paraan pero ramdam kong may mali sakin. Pag nandyan si fice i can't help but to stare at her, i can't help but to be mesmerize by her beauty. Yes kaibigan. Hanggang don lang kami ang hindi ko lang talaga matangap bakit kailangan na ako yung mafafall habang ang tomboy na to walang ka ide idea sa nararamdamam ko. At ang malala pa nito. Mas malala pa sakin humanap ng babae

"Bastos ka plee haa, ano sapakan" pangungulit ni fice kay plee

"Aba baka ma hospital ka. Kilalanin ang kinakabanga fice ika nga ni mr. Tom"

Nagkulitan ang dalawa samantalang ako ay di mapakali. Aalis ba ako? Pero may kung ano sa pagkatao ko na gustong gustong nararamdaman ang presensya ng babaeng ito. Habang nagkukulitan sila parang humihinto ang mundo ko habang pasimpleng tumitingin kay fice na siyang normal na nakikipag bangayan lang subalit sakin ay napakalakas ng dating

"Hoy plee iwan mo muna nga kami ni shida kakausapin ko lang to" tila nagising ako sa imahenasyon ko ng bigla ay sinabi niya iyon sabay tingin sakin, napaiwas naman akong kaagad ng tingin

"Ayiiee crush mo si shida no ikaw tonboy haa" pang aasar ni plee at tila namanhid ang pisngi ko. Damn ako ang kinikilig

"Luh.. sige na dun kana" pagtataboy ni fice kay plee

"Titibo tibo na kay shida kakalampag ka pala fice" pang aasar pa ni plee at napapalunok naman ako. Tila kay sarap nitong halkan mamaya dahil sa pangbubuyo nito sa amin

"Babatuhin nakita. Dun ka nga" bugnot na agad na sabi ni fice. At umalis naman na si plee. Tila napalunok ako ng isang drum ng laway ko ng kami na lang dalawa. Di ako makatingin sa kanya. Ni makakibo ay di ko magawa

"Ikaw ba, iniiwasan moko?" Maya maya ay ani nito. Diko siya magawang tingan at ang tanong niyang yon ang mas napagpatinag sakin, alam kong prangka si fice pero hanggang ngayon ay nagugulat padin ako

"Ha.."tanging sagot ko saka nag iwas lalo ng tingin. Naningas na ata ako sa aking kinatatayuan at libo libong kaba ang aking nararamdaman. Ng diko madugtungan ang aking sasabihin ay narinig ko ang bagamay mahina niyang pagtawa ay tila nakakaloko. kinabahan akong lalo sa ideya na baka alam niya at nakukutuban ang lihim kong pagtingin sa kanya

"Tss kung may napupusuan kana sana namay dimo kinakalimutan ang iyong kaibigan kakapagdamdam kang tunay " ani niya at napatingin ako sa babaeng ito na walang ka ideideya na ang babaeng napupusuan ko ay siya mismo

CLASSROOM OF THIS SPOILD MALDITATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon