Chapter 3

44.5K 2.1K 1.2K
                                    

Sunflower




Nagsimulang mag kwento si Tita Elaine about kay Tita Luna na dating asawa ni Tito Darren. Paminsan minsan ay nababanggit ang pangalan ni Alice, hindi ko na lang pinapansin dahil hindi ko pa din nakakalimutan yung pagbanggit niya sa pangalan ni Julio gayong nasa harapan nila ako ni Vera.

Hindi pa ako officially nagtatanong kay Vera kung papayag siyang ligawan ko siya. Pero the fact na nagpaparamdam na ako ng interest sa kaibingan niya, but she still pushes Vera sa idea ng Julio na iyon. Ang bastos lang.

"Wala pang boyfriend?" tanong ni Tita Maria.

Ngumiti si Tita Elaine dito at marahang umiling. "Maraming gustong manligaw, pero wala pa daw sa isip niya" sagot nito kay Tita Maria.

Kumunot ang noo ko. Maraming gustong manligaw, pero may edad ang gusto niya.

Mariin na lang akong napapikit. I know na masyado akong judgemental when it comes to her. Hindi ko lang talaga nagustuhan yung ginawa niya, at hindi lang din talaga maganda ang pakiramdam ko sa kanya.

Na para bang siya yung kaibigan na laging kontra, kung magiging kami ni Vera, baka siya pa ang maging problema namin.

Tangina ka, Hobbes. Wala namang ginagawa sayo yung tao, ang init ng dugo mo.

Maingay kaagad sila sa kabilang van pag karating namin sa Villa de Montero. Ang kaguluhan na iyon ay alam ko na kaagad kung sino ang may pakana. Si Piero.

Makikiaasar pa sana ako sa kanila ng mapaayos ako ng tayo ng makita ko ang paglapit ni Tito Keizer, nakangiti niya kaming sinalubong. Ang sabi ay hindi ito boto noon kay Eroz, hindi ko alam kung bakit.

"Pinaiyak mo nanaman ang anak mo, siraulo ka talaga" pangaasar ko sa kanya.

Ngumisi si Piero sa akin, tuwang tuwa pa sa ginawa bago siya nagkibit balikat at sinabing gutom na siya. Doon lang kami nagkakasundo, sa pagkain.

Naka-set up na ang mahabang lamesa sa may garden kung saan nakalagay ang mga pagkain. May malalaking round tables na din.

Nauna ng umuwi ang mga pinsan naming Jimenez, hindi ko nga din alam kung bakit nandito pa ako. Balak kong mag pa-ampon na lang din kina Tito Axus at Tita Elaine. Matagal na namin iyong pangarap ni Piero sa tuwing napapagalitan kami at halos palayasin sa bahay. Both of them we're cool, ang sarap maging magulang.

But in the end of the day, anak pa din ako nina Sebastian and Carol Jimenez, and sad to say na kapatid ko ang gagong si Hunter. Sana man lang naging babae na lang yung kapatid ko, natuwa pa siguro ako.

"Galit ka kay Hunter kasi mas gwapo siya sayo" pangaasar ni Piero sa akin habang kumakain kami.

Nasa kabilang table ang mga asawa nila. Tumango si Kenzo bilang pagsangayon kaya naman sinamaan ko sila ng tingin lahat.

"Tanginang yan" I said na mas lalo nilang ikinatawa.

"Si Hunter, tahimik pero mas matinik sayo. Hindi na niya ginagamitan yung mga babae ng corny mong line na...Hi babe, it's Hobbes" si Tadeo, na isa ding bully. Nagkukunwari lang itong mababait pero mga gago din talaga.

Muling sumimamgot si Cairo at tumingin sa akin, mukhang may naalala nanaman. Ngumisi ako at umiling ng maisip na hindi pa din siya maka-move on dahil tinawag kong babe si Tathriana.

"Kaya walang nagtatagal sayong babae. Iniisip nila, lolokohin mo lang sila" si Kenzo.

"Loyal ako" laban ko.

Nagtaas ng kilay si Piero. "Wala kang maloloko dito" laban niya kaya naman naikuyom ko ang kamao ko.

Imbes na makipagsagutan pa sa kanila at inalaban ang sarili ko ay natahimik na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

When the Moon Heals (Sequel #2)Where stories live. Discover now