Chapter 55

73.6K 2.8K 1.5K
                                    

Buwan





Hindi na ako nakapagsalita pa nang makita ko kung paano gumuhit ang sakit sa mukha ng aking kapatid dahil sa mga masasakit na binitawang salita ni Hunter. Hindi ko din naman siya masisisi dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw at sa patuloy pa ding nangyayari.

Ramdam ko ang mahigpit na hawak ni Hob sa akin habang palabas kami sa venue. Sapat na ang higpit na iyon para hindi ako maiwan o mawala man lang sa hawak niya. Habang palabas kami ay siya namang pagpasok ng mukhang mga tauhan nila.

"Kayo na ang bahala," matigas na sabi ni Hunter sa mga ito.

"Copy, Mr. Jimenez," sagot ng mga ito bago sila nagmamadaling pumunta sa direksyon na pinanggalingan namin.

Ramdam ko ang bigat sa aking dibdib dahil sa m,ga nangyayari. Nag-aalala ako para sa aking mga magulang at sa kaligtasan na din namin, hindi ko din naman maiwasan na mag-alala para kay Ahtisia gayong hindi pa din naman ako sigurado kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan, o mapagkakatiwalaan ko man lang ba siya?.

"Let's go," may diin pero may lambing na sabi ni Hob sa aki nang alalayan niya ako papasok sa isang itim na sasakyan.

Hindi ko na din mabilang kung ilang sasakyan ang bago sa aking paningin. Hindi ata sila nauubusan, magugulat na lang ako minsan na sa kanila pala ang mga iyon.

"Sila Chelsea...Si Thomas?" tanong ko sa kanya.

Tumikhim si Hob dahil sa pagbanggit ko sa pangalan ng kanyang kaibigan. Tumulis ang nguso dahil dito, parang tanga.

"Meron na akong inutusan para magbantay sa kanila, we need to go."

Hindi na ako nakapalag pa at tuluyan na ding pumasok sa sasakyan. Tahimik na umikot si Hunter papunta sa may passenger seat sa tabi ng driver.

Nawala ang atensyon ko kay Hunter nang bigla na lang akong mapasinghap nang maramdaman ko ang mainit na palad ni Hob sa aking sinapupunan.

"Ayos lang kayo?" tanong niya para sa amin ng Baby ko.

Hindi ko maiwasang pumungay ang mata ko nang lingonin ko siya. Mukhang gusto din ng Baby ko na hinahawakan siya ng Daddy niya.

"Uhm...Ayos lang," sagot ko na lang at nag-iwas nang tingin.

Napabuntong hininga ako nang makita kong tuluyan na kaming nakalabas ng venue. Bumilis ang takbo ng sasakyan pagkalabas namin sa may highway.

"I'll talk to Tito Marcus tomorrow. Aasikasuhin ko ang restraining order against Ahtisia Salvador...hindi na din siya pwedeng lumapit kay Alice o kahit na sino sa atin," seryosong sabi ni Hunter.

Nilingon ko ang tahimik na si Hob. Nakita kong naka-taas ang kilay nito habang nakatingin sa kapatid. Umayos lang siya nang upo at pumungay ang kanyang mga mata nang makita niyang naka-tingin ako sa kanya.

Tinaas niya ang kanyang kamay para marahang pisilin ang ilong ko.

"Wag mo akong tingnan nang ganyan...I want to kiss you so bad," sabi niya kaya naman tumaas ang kaliwang kilay ko bago ko siya inirapan.

Ngumisi siya at mariing pumikit. "Damn..." nahihirapang sambit niya habang naka-ngisi.

"Hunter..." tawag ko sa kanya.

Naramdaman ko ang pagbaba ng kamay ni Hob sa bewang ko pero hindi ko pinansin. Alam ko namang gusto niyang kuhanin ang atensyon ko dahil tinawag ko ang kapatid niya.

Abala si Hunter sa pagtitipa sa kanyang phone kaya naman hindi niya ako nilingon kaagad. Napabuntong hininga ako para ipunin ang lahat ng lakas ko.

"Paano kung totoong baby mo iyon?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na napigilan.

When the Moon Heals (Sequel #2)Место, где живут истории. Откройте их для себя