Chapter 23

43.9K 2.4K 1.5K
                                    

Pan de coco



Bago ako tuluyang lumabas ay hinanap ko pa muna ang isa sa mga kasambahay para ibilin si Hob.

"Akala ko ay dito ka na matutulog," nakangiting sabi niya sa akin.

"Ah hindi po, nagdala lang talaga ako ng pagkain," sagot ko sa kanya at kaagad na nag-iwas ng tingin ng makita kong may laman ang tingin niya sa akin.

"Hindi ka ba nobya ni Senyorito Hobbes?" tanong niya sa akin kaya naman nanlaki ang aking mga mata.

"H-hindi po! Kaibigan lang. Ano...kakilala," magulong sagot ko sa kanya kaya naman mas lalong lumaki ang ngisi niya.

Imbes na awayin si Ate dahil sa kakaibang tingin niya sa akin ay nagpaalam na ako at umalis na doon.

Sumakay ako ng jeep pauwi at bumaba sa kanto papasok sa amin. Madilim na ang paligid pero hindi naman ako nabahala dahil sanay na akong umuwi ng ganito. Kabababa ko pa lang ng jeep ay narinig ko na kaagad ang tunog ng cellphone ko.

Binasa ko ang dumating na mensahe galing kay Hob. Nagtatanong siya kung nasaan na ako o nakauwi na ba. Imbes na sagutin ay hinayaan ko na lang. Hindi naman kasi importante na malaman niya pa.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad at hindi na pinansin pa ang mensahe sa pagaakalang hindi na siya mangngulit pa, pero nagkamali ako dahil ang sumunod na pagtunog ng cellphone ay dahil sa tawag.

"Snobber..." sambit niya sa kabilang linya at ramdam ko na kaagad na nakangisi siya.

"B-bakit ka tumawag? Hindi ba't sinabi kong matulog ka na at magpahinga?" masungit na tanong ko sa kanya.

Narinig ko ang mabibigat na paghinga niya sa kabilang linya. Halatang may sakit nga talaga siya at kita ko din naman iyon sa kalagayan niya kanina.

"Nasaan ka na?" tanong niya.

"Naglalakad," maikling sagot ko.

"Saan?"

"Sa kalsada. Magulat ka kung naglalakad ako sa tubig," sagot ko pa.

Dahil duon ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Kahit sa simpleng bagay na iyon ay ramdam ko pa din ang panghihina niya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang kausap si Hob. Kaagad kong natanaw ang ilaw mula sa aming bahay.

"Pilosopo," sambit niya.

"Ano pa bang kailangan mo? Nasa bahay na ako," sabi ko sa kanya.

"Sinungaling, naglalakad ka pa."

Kumunot ang noo ko at napatingin sa paligid, tama naman siya pero ilang hakbang na lang naman iyon mula sa bahay namin.

"Hanggang sa makapasok ka, Alihilani," sabi niya sa akin kaya naman hindi na ako nakasagot pa at hindi na din pinatay ang tawag.

Iyon na ata ang pinakamatagal na paglakad na nagawa ko, habang nakatapat ang cellphone sa tenga ko ay rinig ko ang bawat paghinga niya, tinutuo niyang hindi siya matutulog hangga't hindi niya nasisigurado na nakauwi na ako.

"Nandito na," sabi ko sa kanya ng makapasok na ako sa aming bakuran at inayos ko na ang pagkakasara ng gate namin.

Narinig ko ang mahinang pagdaing niya mula sa kabilang linya na para bang nasaktan siya dahil sa paggalaw.

"Ibababa ko na ang tawag para makapagpahinga ka na," sabi ko sa kanya.

"Thank you ulit," sabi niya.

When the Moon Heals (Sequel #2)Where stories live. Discover now