Special Chapter

111K 3.5K 2.7K
                                    

A/N: Hi, Loves! Thank you for reaching this far. Just like you, mami-miss ko din sina Alihilani at Hobbes. Thank you for all the love and support sa buong story nilang dalawa. You can follow me sa mga socmeds account ko for more updates sa mga susunod pang story. Stay safe and enjoy the rest of the holy week season. Keep safe always and I love you all, always!.

----------------------------------

Healed Moon



"Ayos lang talaga?" marahang tanong niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya bago ako tuluyang lumapit para I-suot ang itim kong jacket.

"Oo naman," marahang sabi ko.

Hindi kaagad siya sumagot at pinanuod ang ginawa ko, hindi naman ako nahirapan na isuot iyon sa kanya dahil siya mismo ang nagtaas ng kamay niya para maging mabilis iyon.

"Ang sarap na ng tulog mo. Pa-hilik ka na nga e," biro niya sa akin kaya naman nag-aas ako ng kilay.

"Hindi ako humihilik," nakangising sabi ko.

Nagtaas siya ng kilay at ngumisi na lang din pagkatapos.

Ramdam ko ang hiya niya nang gisingin niya ako sa kalagitnaan ng gabi para lang sabihin sa akin na gusto niyang lumabas para kumain. Nang marinig ko iyon ay walang pagdadalawang isip akong bumangon at itinanong kaagad sa kanya kung ano at saan niya gustong kumain kami.

Sabay kaming lumabas at bumaba para umalis. Halos mag-aalas dos pa lang nang madaling araw kaya naman tahimik na ang buong bahay. Ilang beses akong napahikab dahil sa antok pero hindi ko pinansin 'yon.

"Uhm...pag hindi kaya bukas na lang nang umaga," sabi niya sa akin.

Hinapit ko siya sa bewang pagkababa namin sa hagdan, malamig dahil madaling araw pa lang kaya naman kailangan niya ng init mula sa akin. Hindi niya hinihingi pero ibibigay ko.

"Gutom nga din ako...gusto kong kumain," sabi ko sa kanya para naman hindi na niya masyadong isipin 'yon.

"Palagi naman," pang-aasar niya sa akin. At talagang inasar pa ako ng babaeng 'to. Humanda talaga sa akin 'to pag kalabas ni Allennon.

Nakita ko kung paano napayakap ang aking asawa sa kanyang sarili pagkalabas namin ng bahay. Ang napagpapahinga naming guard ay kaagad na tumakbo palapit sa amin para magtanong.

"Lalabas po kayo, Si Hobbes?" tanong niya sa amin.

Kaagad akong tumango. "Gutom si Misis," nakangising sagot ko sa kanya.

Naramdaman ko kaagad ang paghampas ni Alihilani sa braso ko kaya naman lalo akong natawa. Muling tumakbo si Manong guard pabalik sa pwesto niya para pagbuksan kami ng gate.

Sabay kaming nagpunta sa garahe para sumakay sa Raptor.

"Hindi umuwi si Hunter?" tanong niya sa akin.

Dahil sa tanong niyang 'yon ay napansin ko ding wala ang sasakyan nito.

Nagkibit balikat ako. "Baka nasa bar," sabi ko na lang. Sanay naman kaming magkapatid na halos inuumaga sa mga party at bar...noon. Hindi ko na gawain ngayon lalo't may asawa't anak na ako.

"Tawagan mo, baka mamaya kung nasaan ang kapatid mo...siguraduhin mo," sabi niya sa akin kaya naman napa-aawang ang labi ko.

"Malaki na si Hunter," sabi ko at kaagad na pinaandar ang Raptor para maka-alis na kami.

Hindi na lang umimik pa ang aking asawa. Tahimik siya habang nasa byahe kami palabas ng subdivision. Hindi naman kami nahirapang maghanap nang gusto niyang kainin dahil maraming fastfood at restaurant pagkalabas nang subdivision namin.

When the Moon Heals (Sequel #2)Where stories live. Discover now