Chapter 8

39.3K 1.9K 1.2K
                                    

Partner





Nanatili ang tingin ni Vera sa aming dalawa ni Alice. Naramdaman ko kung paano niya unti unting ibinaba ang kanyang kamay na kanina ay humahaplos sa aking likuran.

"Nasamid siya, ang takaw kasi" sabi ni Alice at kung hindi ako nagkakamali ay siguradong umirap pa.

Parang kasalanan ko pa ngayong masarap yung tinapay na ginawa niya at gustong gusto ko.

Nagtaas ng kilay si Vera bago bumaba ang tingin sa box ng tinapay. Matapos iyon ay umirap siya sa kawalan bago sinuklay ang mahabang buhok gamit ang daliri niya. Her hair is soft, unang tingin mo pa lang alam mo ng malambot at maango, it's a bit wavy and it has a curly end.

"Bread is not for appetizer, mabubusog ka kaagad" sabi niya bago siya naglakad palapit sa akin.

Muling dinungaw ang box ng tinapay. "Ano nga ulit ang tawag dito?" she asked her friend.

Hindi ko nilingon si Alice, nanatili ang tingin ko sa tinapay na hawak ko.

"Pan de coco, paborito namin si Tatay" sagot niya. Ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses.

Tumango si Vera. Nagulat ako ng humilig siya sa akin, hindi ako nakagalaw ng yumuko siya para kumagat sa tinapay na hawak ko. I find it very sexy, kung sana ay sinabi niya na gusto niya iyon, sinubuan ko pa siya.

"This is carbs, and a bit sweet. Pero dahil ikaw ang gumawa, I like it na rin" malambing na sabi niya kay Alice.

Matapos niyang kumagat ay umayos siya ng tayo sa aking tabi.

"Oh, what happend to you?" nakangising tanong niya sa akin ng mapansin niya ang pananahimik ko. Ni hindi ako makagalaw, kahit simpleng galaw niya ay napakalaki ng epekto sa akin.

Ngumisi ako at umiling. Tumingin ako sa tinapay na may kagat na niya ngayon at kumagat ulit.

"Akin na kung ayaw mo ng may kagat ko" mataray na sabi niya at naglahad pa ng kamay.

"Gusto ko, mas sumarap nga kasi may kagat mo" nakangising sabi ko sa kanya at sinubo ang buong iyon.

Ngumuwi si Vera bago tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "It's indirect kiss na, hindi ka pa nanlilgaw niyan" sabi niya sa akin kaya naman napakagat na ako sa aking pangibabang labi.

"Kailan ba pwede?" tanong ko sa kanya. Kung sasabihin niyang ngayon na, sisimulan ko na. At pag nagsimula ako, hindi ako titigil hangga't hindi maging kami.

Humalukipkip siya at tumingin sa akin. "Tsaka na, pag hindi ka na corny" pangaasar niya kaya naman mariin akong napapikit.

"Sayo lang ako ganito" pag amin ko. I'll let my guard down, sa kanya lang naman talaga ako naging ganito. Pero walang problema, basta para sa kanya.

Inirapan niya ulit ako bago siya umiling. Natigil lang kami ng lumabas si Julio dala ang mga pagkain na siya daw ang nagluto. Sus! Akala naman niya siya lang ang marunong magluto.

"Late na masyado para sa lunch, niluto ko na lang kung anong madaling lutuin" paliwanag pa niya. Masyadong defensive, ang adaming satsat!

"Mayroon pa sa loob? Tulungan na kita" sabi ni Alice bago siya sumama kay Julio papasok sa may kitchen.

"Upo ka na dito" tawag ko kay Vera. Tumayo ako para ipaghila siya ng upuan sa tabi ko.

Medyo mabigat iyon dahil gawa sa narra. Hindi basta basta ang mga gamit sa loob ng mansion ni Julio. Kahit mga luma na ay alam mo namang antigo, parang siya. Kaya dumito na lang siya at wag nang lumabas pa!

When the Moon Heals (Sequel #2)Where stories live. Discover now