Chapter 49

56.7K 2.7K 1.7K
                                    

Dad



Panay ang iwas ko kay Hob kahit pa ramdam ko ang ilang beses na pagtagal nang tingin niya sa akin. Sinubukan ko ding humanap nang makakain pero wala sa mga iyon ang gusto ko.

"Alihilani, you can check your bank account...para sa photoshoot kanina," naka-ngiting sabi ni Angelina sa akin.

Biglang nagbago yung mood ko. Bigla akong na-excite dahil gusto ko na din talagang magpa-check up para sa amin ng baby ko.

"S-salamat," sabi ko sa kanya.

"Ano ka ba...pinaghirapan mo iyon," sabi niya sa akin.

Habang nag-uusap kami ni Angelina ay ramdam ko pa din ang tingin ni Hob sa akin. Malapit lang siya at nanatiling nakatayo sa tabi ng lamesa dahil hindi pa ata tapos kumain. Napakatakaw talaga ng isang ito.

"May pinag-iipunan ka ba? Kasi kung Oo, tanggapin mo na yung ibang photoshoot...mabilis ang pera," panghihikayat pa niya sa akin.

Hindi kaagad ako naka-sagot kahit seryoso ako nang sabihin ko sa kanila na wala talaga akong interest sa modeling.

Magsasalita sana ulit si Angelina nang makuha ni Hob ang pansin naming dalawa dahil sa ilang beses na pagtikhim nito.

"Mapapalaban nanaman tayo sa kainan, Mr. Jimenez," biro ni Angelina dito.

Nagtaas siya nang kilay at sandali pang sumulyap sa akin bago niya sinagot si Angelina.

"Ayos lang...masarap naman," medyo hindi pa siguradong sabi niya dito.

Napanguso ako, hindi ako naniniwala na hindi siya nasarapan. Lahat naman ng pagkain ay masarap para sa kanya. Kunwari pa!.

Tumango si Angelina habang nakatingin sa mga nakahaing pagkain.

"Mas masarap talaga yung luto ni Alihilani. Swerte nang magiging asawa nito," sabi niya kaya naman uminit ang magkabilang pisngi ko at may nasamid naman sa tabi.

"Swerte talaga!" pag singit naman ni Chelsea. Tapos na silang linisin yung nahulog niyang wine glass.

Nilapitan niya ako at hinawakan pa sa likuran. Sinabi niya din sa akin ang tungkol sa pumasok na pera sa bank account ko para sa kaninang photoshoot.

"Kumain ka na din. Siguradong hindi ka makakakain nang maayos mamaya pag dumami ang tao."

Tumango ako at humanap nang gutso kong kainin. Masasarap naman ang mga iyon at ang iba ay hindi pa ako pamilyar, pagkaing pang mayaman.

"Ito yung gusto ko sa kanila," pagka-usap ni Chelsea kay Angelina tungkol sa mga nakahaing pagkain.

Tahimik akong namili pero halos yung pamilyar lang sa akin ang kinuha ko. Parang hindi ko gustong sumubok nang bago ngayon.

"Oh, yan lang ang sayo? Wala kang gusto?" tanong ni Chelsea sa akin nang lingonin niya ako at nakita niyang wala pa masyadong laman ang plato ko.

"Uhm...ok ako dito," nakangiting sagot ko sa kanya.

Nagtaas siya nang kilay sa akin na para bang hindi siya naniniwala.

"Anong gusto mo?" tanong niya sa akin. Pagkatapos non ay humilig siya para bumulong. "Anong gusto ni Baby?" dugtong niya kaya naman matamis akong napangiti.

"Ayos lang talaga ito," sabi ko sa kanya.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay nag-angat ako nang tingin at nakitang magkatabi si Thomad at Hob, ang kanilang tingin at buong atensyon ay nasa aming dalawa ni Chelsea. Mga chismoso!.

When the Moon Heals (Sequel #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon