Chapter 11

38.8K 2.1K 1.4K
                                    

Moon




Tuloy tuloy ang lakad ko palabas doon kahit ilang beses kong narinig ang pagtawag ni Vera sa akin. Kung hindi ko lang sana narinig ang totoo ay baka nagkukumahog na ako ngayon na tumakbo palapit sa kanya.

Ito siguro yung kinakatakutan ko sa mga nagdaang araw. Na malamang wala naman talaga akong pag-asa sa kanya at pinipilit ko lang ang lahat. Pero kaya nga nanliligaw hindi ba? Para magustuhan. Kung una pa lang naman pala ay wala na siyang balak na sagutin ako, sana ay sinabi niya ng diretso sa akin.

"Hob! Hobbes saan ang punta mo?" nagtatakang tanong ng isa sa mga pinsan ko. Sa sobrang galit na nararamdaman ko ay hindi ko na pinansin pa kung sino iyon.

"Harangan niyo, may balot yan!" pangaasar ni Piero kaya naman mas lalong dumiin ang pagkakakuyom ng aking kamao.

"Tigilan mo, Piero" rinig kong suway ni Kenzo.

"Baka natatae, ang dami sigurong kinain" pagpapatuloy pa niya kaya naman mas dumoble ang bilis ng paglalakad ko.

"Piero ang ingay mo" si Amaryllis kaya naman walang pagdadalawang isip na tumahimik ang tarantado kong pinsan.

Tatahakin ko na sana ang daan palabas ng villa ng marinig ko ang pagsunod ni Gertie sa akin.

"Hobbes!" sigaw na tawag niya.

Mariin akong napapikit, gusto kong tumigil at lingonin siya. But this isn't something na gustong malaman ng lahat.

"Ninong Hobbes!" paguulit niya kaya naman napabuntong hininga ako at tumigil na. Ilang sandali akong mariing pumikit para lang pakalmahin ang sarili ko.

"You are so snobber naman, Ninong" pangaasar ni Gertie sa aking ng tuluyang makalapit.

Tipid akong napangiti ng makita kong buhat buhat niya si Gianneri, magagalit nanaman si Eroz sa oras na malamang malapit ako sa mag-ina niya.

"Gabi na, kayong dalawa talaga. Asaan ang tatay niyo?" nakangising tanong ko sa kanila tukoy kay Eroz.

Kaagad na sumimangot si Gertie kaya naman mas lalo akong natawa. May suot na pink baby hat si Gianneri, ang ingay ng labi dahil sa paglalaro niya dito.

"Uuwi ka na? May dessert pa nga si Yaya Esme for you daw"

Hindi ako nagsalita, itinaas ko ang kamay ko para hawakan ang ulo ni Gianneri, dahil sa ginawa ko ay nagtagal ang titig sa akin nito kaya naman mas lalo akong napangiti.

"Masama ang pakiramdam ko, mauuna na ako" paalam ko sa kanya.

Yung problema sa pagitan namin ni Vera ay sa aming dalawa lang. Kahit galit ako sa kanya ay hindi ako gagawa ng issue na makakasama para sa kanya. Its all my fault from the start, ramdam kong may iba pero pinili kong paniwalain ang sarili ko na pwede.

Kasi akala ko kasi...pwede.

Humalik ako sa ulo ni Gianneri para tuluyan ng magpaalam ng dumating si Kenzo.

"Sasamahan na kita pauwi" seryosong sabi niya kaya naman napangisi ako.

"Ang sweet mo naman Doc" pangaasar ko sa kanya pero mas lalo niya lang akong sinimangutan.

"Si Sera ang nagsabing samahan kita, kung ako lang hindi ako sasama sayo" sagot niya sa akin bago siya ngumisi.

"Mas gusto ko ng ikaw kesa ang tarantadong si Piero" laban ko na ikinangisi niya.

When the Moon Heals (Sequel #2)Where stories live. Discover now