Jimenez
Inabala ko pa din ang sarili ko sa pagliligpit kahit ramdam ko ang kakaibang tingin ni Ericka sa akin.
"Ako na diyan!" biglang sigaw niya na ikinagulat ko ng subukan kong buhatin ang malaking karton.
"A-anong bang nangyayari sayo?" tanong ko sa kanya.
Hindi niya kaagad ako sinagot pero kinuha niya ang karton sa akin at siya na mismo ang nagdala non malapit sa pintuan.
"Masama ang pakiramdam mo kaya bawal ka magbuhat," sagot niya sa akin pero hindi naman siya makatingin ng maayos.
Tipid akong napangisi. "Sobrang gaan lang niyan," pagbi-bida ko pa sa kanya pero tiningnan niya lang ako at pinagtaasan pa ng kilay.
Tinulungan ako ni Ericka at hindi iniwan hanggang sa matapos ko ang mga dapat kong gawin.
"Pumunta na muna tayo sa may factory," yaya ko sa kanya pagkatapos namin kumain ng tanghalian.
Sa susunod na araw na ang alis ko. Dapat daw ay kahit papaano ay nakikita ako ng mga kapitbahay. Mas lalo kasing magtataka ang mga tao kung bigla ka na lang hindi nagpakita sa kanila. Alam kong wala naman silang pakialam sa amin bukod sa gusto lang nila ng bagong mapag-uusapan.
"Mas lalong lulungkot dito," sabi ni Ericka habang naghihintay siyang ma-isara ko ng maayos ang aming bahay.
Tipid akong ngumiti. Iyon din ang inaalala ko. Hindi din ako sanay na hindi dito umuwi pagkatapos ng buong araw na trabaho. Babalik din naman kami dito pag maayos na ang lahat. Kailangan lang muna talaga naming lumayo sa ngayon.
Habang naglalakad kami palabas sa may kanto para maka-sakay ng tricycle ay ramdam ko ang hawak ni Ericka sa akin at pag-iingat na para bang natatakot siyang matapilok ako o ano.
"Mag jeep na lang para mura," pang-aasar ko sa kanya. Kanina pa namin iyon pinag-aawayan.
"Tricycle na. Libre ko pamasahe," giit niya sa akin.
Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya at sinunod na lang ang kanyang gusto.
"Masama pa ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin habang naghihintay kami.
Marahan akong umiling. "Medyo mabigat lang ang ulo ko, pero kaya naman," sagot ko sa kanya.
Mas lalo kong naramdaman ang bigat pagkadating namin sa may factory. Isa ito sa sobrang mami-miss ko. Sanay ako na araw araw pumapasok dito para sa trabaho. Ngayon ay kailangan kong magpaalam sa kanilang lahat.
"A-anong meron dito?" gulat na tanong ko ng makita ko ang isang mahabang lamesa na puno ng pagkain.
Ngumiti si Eroz sa akin habang nasa kanyang tabi si Gertie na mahaba na ang nguso at para nanamang iiyak.
"Despedida party para sa pinaka-magaling naming accountant," sabi niya kaya naman kaagad na nanlabo ang aking mga mata.
Hindi ko na napigilan pang maging emosyonal ng makita ko din ang lungkot sa mukha ng aking mga ka-trabaho. Akala ko noon ay mayroong may ayaw sa akin dito dahil sa kasungitan ko.
Iyak tawa ang nagawa ko ng makita kong nagpapahatid ng luha si Junie.
"Ang panget mong umiyak!" pang-aasar ko sa kanya na mas lalo niyang ikina-iyak.
"Mas panget ka!" bato niya sa akin.
Kaagad ako naglahad ng kamay sa kanya para sa isang yakap. Kahit may sarili ng pamilya ay hindi nagbago si Junie, maloko siya pero pagkaibigan ka niya...sobrang swerte mo.

YOU ARE READING
When the Moon Heals (Sequel #2)
RomanceThis is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin