Prologue

957 25 0
                                    


"Ma, 'yung panty kong pangmalakasan nasaan?" Tanong ko sa nanay ko dahil nag-iimpake na 'ko. Next week pa naman ang alis ko pero gusto ko lang maghanda kasi mahirap na, baka may makalimutan ako.


Umubo pa ito bago sumagot. "Aba'y nasa sampayan pa." Sigaw naman ni mama na nasa kusina ngayon at nagluluto.


"Sige mamaya ko nalang kukunin." Kausap ko sa sarili ko.


Pangmalakasan ko 'yun kasi kung hindi dahil doon sa magic panty kong 'yun, na-rape na sana ako ng mga tambay sa kanto namin doon sa dati naming inuupahan. Pagkakita nila ng panty kong red na may print pa ng Minnie Mouse, bigla ba namang lumayo.


Kidding aside! Dahil talaga 'yun sa tanod na nakasagip sa akin. Pero 'di ko pa rin nakalimutan 'yung pinagtawanan niya 'yung panty ko pagkakita niya rin. College na raw ako tapos ganoon pa rin panty ko. Pero huwag ka, nang dahil sa panty na 'yun ay napanatili ang pagkabirhen ko. Nadelay sila sa pang-rarape eh dahil sa katatawa nila sa panty ko kaya ayan tuloy nahuli pa ng tanod.


"Ano ba 'yang panty mo, ayaw mo pang itapon." Reklamo ni mama habang naglalapag ng sinabawang gulay sa hapag-kainan namin.


"Ayy naku nay, nagkandasira-sira na 'yung bra kong branded, 'yung panty kong iyan hindi man lang pumangit ang itsura. 'Ta mo, buo pa rin figure ni Minnie Mouse." Saad ko rito at nagsandok na ng kanin kasi nagugutom na 'ko. 


"Sigurado ka na ba talaga sa pagma-Maynila mo, Crisanta?" 


Napatigil naman ako sa pagsubo nang mahimigan ko na naman ang lungkot sa boses ni mama. Ngumiti naman ako rito para sabihing kakayanin ko kahit alam kong mahirap malayo sa kaniya.


"Para saan pa ang natapos ko rito sa lugar natin kung 'di ko magagamit 'di ba, ma? Siyempre mas maganda oportunidad doon saka kapag nakakaipon na 'ko talaga, ipapagamot kita roon." Pag-aalo ko sa kaniya.


Ayaw kasi talaga ni mama na magpunta pa ako ng Maynila. Pero para sa akin, nandoon ang mga magagandang oportunidad. Nandoon ang sentro ng kalakalan na nagmula pa sa kapanahunan nila Dr. Jose Rizal. Charot! 


Nandoon ang magaganda't high-tech na ospital kung saan maaari kong mapagamot si mama. Tataas ang chance na gumaling siya roon kapag doon ko siya ipapagamot.


Matapos naming kumain ay ako na rin ang nagkusang magligpit at maghugas ng pinagkainan namin. Pagkatapos ay lumabas naman ako saglit para kunin na ang mga sinampay namin. Kinuha ko na rin 'yung panty ko. Pero siyempre pinagpasa ko muna 'yun. Mahirap na baka hinalikan 'yun ng mga engkanto dito sa amin at maging nanay pa 'ko ng anak nila.


Sinilip ko muna si mama bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko para matulog. Nakahinga naman ako maluwag dahil confirm, humihinga pa naman si mama. 


"Ako na pupuntang palengke, ma." Sabi ko kay mama nang makita ko siyang palabas na naman sana ng bahay at may dalang bayong.


"Oh sige." Inabot naman nito sa akin ang bayong na pinamana pa raw ng lola ko sa kaniya.


A Deal With A Billionaire | Billionaire Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon