Chapter 04

323 13 0
                                    


"Ito na po ang apartment na nirentahan po ni Sir Schaeffler para po sa inyo." Saad ng assistant ni Mr. Wright. Siya kasi sumundo sa akin sa bahay nila Tiya Myrna. Siya na rin ang nagbukas ng apartment dahil nasa kaniya ang susi. 


Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng apartment. Malawak ang espasyo sa loob. May mga sofa na rin at kung ano pang gamit sa living room. May TV rin kaya paniguradong matutuwa si Natoy dito pagpasok niya.


"Ito po ang kwarto Ma'am. Dalawa po ang kwarto dito gaya ng pinag-uutos po ni Mr. Schaeffler." 


Giniya naman ako ng assistant sa unang kwarto katabi ng isa ring kwarto. Malawak din ang loob at ang kulay ng dingding ay plain white pero ang ilaw ay may dim and white light kaya maganda siya. May kalakihan naman ang kama rito na color beige at may maliit na desk sa tabi nito. May mga ilang wall decoration na rin dito, nagpapadagdag ng kagandahan sa buong kwarto. May aparador naman sa loob na hindi kalakihan pero hindi rin naman kaliitan, sakto lang siguro sa mga gamit ni mama.


Sunod naman naming pinuntahan ay ang isa pang kwarto na pareho lang sa itsura ng kwarto kanina. Sakto lang kay Natoy. May kaniya-kaniya rin silang CR na sakto lang. Sosyal nga dahil may shower pa. 


Sa kitchen naman ay kumpleto rin sa gamit. May oven na ang taas ay stove. May mga maliit na aparador naman sa taas kung saan pwedeng ilagay ang mga stocks. May mga condiments na rin pala rito.


"Pinalagyan na rin po ni Sir ng mga pagkain ang ref po at mga gamit sa loob ng kusina." Sabi ng assistant kaya napatango nalang ako. 


Ang bilis niyang maasikaso ang mga ito. Iba talaga kapag mayaman. Utos-utos lang tapos ayun may mga gamit na agad sa loob. I wonder kung pwede ba 'to dalhin pagbalik namin ng probinsya. Charot!


Pagkatapos naming libutin ang buong apartment ay lumabas na rin kami. Ihahatid niya naman daw ako sa bahay nila Mr. Wright. 


"Seryoso? Titira na 'ko rito?" Bulong ko sa sarili ko.


"Yes, Ma'am?"


"Gaano kayaman amo mo?" Curious kong tanong sa assistant. Napatawa naman ito bahagya bago ako sinagot.


"He's the CEO of one of the high-standing companies which is the Erste Byte. He owns countless properties including a vacation resort, and he has so many connections with many of the high-standing companies also. At a young age, he was able to develop a new game which is now what he is managing and is still played by many."


"Sana all."


"Ma'am Noyesa, magandang araw po." Bati sa akin ng isang babae na may katandaan na siyang nagbukas ng gate.


"Maiwan ko na po kayo, Ma'am. Sila na po ang mag-aasikaso sa 'yo sa loob." 


Pinapasok naman ako ng mga katulong bitbit ang gamit ko. 'Di ko nga sana iaaabot 'yun e kasi kaya ko naman kaso mapilit sila. Tutal sila naman ang nakakaalam ng kwarto na matutuluyan ko, sila na rin pinauna ko.

A Deal With A Billionaire | Billionaire Series 1Where stories live. Discover now