Chapter 11

192 7 1
                                    


Nakabusangot ako ngayong nagliligpit ng gamit ko. Kanina lang ay sobrang saya kong bumaba ng barko, manghang-mangha sa ganda at lawak ng mga kalye nila rito. Pero nang dahil sa kapangitan ng ugali ni Ash ay napalis din ito. 


Napakatipid niyang sumagot sa tuwing tinatanong ko siya tungkol sa mga nakikita ko. Nakakaramdam din yata si Claire na wala sa hulog ang ama niya kaya hindi naglilikot sa biyahe namin papunta ng hotel. 


Pinakiramdaman ko lang ang pagbukas ng pinto at ang pagpasok ng damuho. Ako na rin mismo ang nagligpit ng gamit ni Claire at nilabas na ang mga kailangan niya tulad ng toothbrush and hygiene kits. Naglapag din ito ng maleta niya at nagsimulang magligpit. 


I swear, hindi ko talaga intensyon 'yun pero nakita ko nalang sa peripheral vision ko ang biglang pagtingin niya nang padabog kong ayusin ang mga gamit ni Claire. 


"What is wrong with you?" Tanong nito sa akin. Nagpatuloy nalang ako sa pagkilos nang normal at piniling huwag nalang siyang sagutin. "'Ta mo 'to. Tinatanong nang maayos, parang bingi."


Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Pake mo ba?" Parang tanga rin talaga 'tong bunganga ko. Nagsasalita nalang nang basta-basta. Susungit-sungitan niya 'ko kanina tapos ngayon nangingialam. 


Pagtapos ko ay hinila ko na si Claire sa banyo para sabay kaming maglinis ng sarili. Ngayon ko lang napansin na sobrang mahal pala nitong hotel na tinutuluyan namin ngayon. Ang mga tiles nito ay gawa sa marble. Magmula sa lababo hanggang dingding ay gawa sa puting marble na nagpapalinis tingnan dito. May separate space din for shower and bath-tub. Mas mukhang bahay pa 'to tingnan kaysa sa kwarto ko sa probinsya.


"Merlion? Saan kaya 'yun?" Kausap ko sa sarili ko. Sinadya ko talagang iparinig sa kaniya para makaramdam man lang. 


"Mamayang hapon, we're going to the Gardens by the Bay. Bukas na tayo sa Merlion." Sabat naman ni Ash kaya mabilis akong napalingon dito.


"Ay talaga ba?" Nagliwanag kaagad ang mukha ko. 


"Oo kami lang ni Claire. Kay Felix mo ka magpasama." Mabilis napalis ang ngiti sa mukha ko at napalitan ng pagkabigla. Bakit nadamay sa usapan si Felix? I looked at him with amusement in my eyes. Kung totoong magjowa kami siguro iisipin kong nagseselos siya. Pero likas na talaga sa kaniya pagiging mukhang masungit eh kaya baka badtrip lang talaga siya sa lahat ng tao tapos nadamay si Felix. 


"Seryoso? Iiwan niyo 'ko rito?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito. 


Nakakunot ang noo niya akong tiningnan. "Oo, mas nag-eenjoy ka ro'n 'di ba?"


Unti-unti akong napakagat ng labi ko? Hindi niya pa rin pala nakalimutan 'yung sinabi ko kahapon. Kaya ba siya badtrip ngayon dahil nasaktan ko ang ego niya sa sinabi ko kahapon? E sa hindi talaga ako makasingit sa kanilang dalawa ni Victoria e, kaya kay Felix nalang ako sumama. Nangyayari rito?


Tumingin naman ako sa anak niya na nakikinig pala sa amin. Aguy masamang iparinig sa bata na nag-aaway ang mga matatanda. Hindi ko alam kung seryoso si Ash sa sinabi niyang iiwan nila ako rito pero 'yung mukha niya kasi seryoso lang at wala akong mababasang emosyon talaga. Bangkay na yata 'to. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Deal With A Billionaire | Billionaire Series 1Where stories live. Discover now