Chapter 05

283 14 1
                                    


"You have to study, anak. Don't worry, ok? I'll go with you. Ako maghahatid sa 'yo and if you want, susunduin din kita later. Ok na ba 'yun?" Pakikipag-usap ko kay Claire na gustong sumama sa akin papunta kila nanay.


Ang kaninang nakanguso ay nakangiti na ngayon dahil sa sinabi ko. Nagliwanag ang mga mata nito at pumapalakpak pa. Kinuha naman sa yaya nito ang maliit na bag saka sinuot sa sarili niya. Hinawakan ko naman ito sa kamay saka sabay kaming sumakay sa van nito papuntang school.


Pagtapos ay dumiretso na muna 'ko sa grocery store para mamili ng iluluto ko ngayon saka nagpunta sa apartment kung saan tumutuloy sila nanay ngayon. Kahit 'di ako magaling magluto, magluluto ako. Nanood lang ako sa YouTube tapos tamang lista lang ng mga ingredients. 'Di ko rin kasi paglulutuin si nanay dahil napag-usapan namin kahapon ni Ash, maghihintay nalang kami ng heart donor at kapag meron na ay para sa nanay ko na 'yun. 


Pag-doorbell ko ay si Natoy na may hawak na game console ang nagbukas ng pinto. "Sa'n galing 'yan?" Tanong ko rito habang nginunguso ang game console nitong hawak.


"Ito? Game console."


"Alam ko. Ginawa mo naman akong tanga e." Inabot naman nito ang hawak kong paper bag at siya na ang nagdala no'n sa kusina.


"Angas mo ate, ah. Marunong ka na magluto ngayon?"


"Oo. Ikaw lang naman 'yung puro laro lang alam." Asar ko rito. Na-miss ko rin 'tong asarin.


"Strike 2 ka na ah. 'Di ba nga ayaw mong manok pagka-interes-an ko?"


"As if namang puwede kang mag-alaga ng manok dito sa apartment. Kaya game console naman nilalaro mo ngayon?"


"Oo. Padala no'ng assistant raw ng boss mo 'to e, sa 'kin." Nagulat naman ako sinabi nito. "Yaman ng amo mo ate ah. Ang bait pa."


'Di nalang ako nagsalita at nilabas na ang mga pinamili ko saka nagpunta sa kwarto para kumustahin ang nanay ko sana nang hindi ko siya makita roon. 


"Natoy, si nanay?"


"Nasa labahan, naglalaba!" Sagot nito.


Agad ko namang pinuntahan ang inay ko at doon ko nga siya natagpuan sa laundry room. 


"Nay!" Lumingon naman ito sa akin. "Anong ginagawa mo? 'Di ba bawal sa 'yong magkilos-kilos ngayon? Dapat nasa higaan ka lang ngayon!" Hinila ko siya patayo.


"Nababagot na kasi ako roon sa kwarto, anak, kaya naglaba nalang ako. Maayos naman kasi may washing machine. Buti nalang naturuan ako ng amo ko dati kung paano 'to gamitin." Tayo nito habang pinupunas sa damit nito ang mga dumikit na bula sa braso niya.


"Pero kasi 'di ba, bawal ka nga muna magpapagod. Nay naman! Kaya nga kinuha ko kayo sa probinsya para magpagaling. Pa'no ka gagaling sa katigasan ng ulo mo?" Kausap ko rito. Worried lang naman ako sa nanay ko dahil baka mapa'no pa siya kapag nagpagood siya ng sobra.

A Deal With A Billionaire | Billionaire Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon