Chapter 03

385 20 1
                                    


[Matulog ka na. Babalitaan ka naman namin tungkol sa kalagayan ni tiya. Tawagan din kita kapag nagkamalay na siya. Magpahinga ka dahil may trabaho ka pa bukas.]


"Sige. Salamat talaga Kulot ah. Kung 'di dahil sa 'yo baka napa'no pa si mama." Buong puso kong sabi rito.


[Sige patayin ko na 'to. Buti sana kung pinapaload-an mo 'ko para magdamagan tayong magkatawagan.] Pagbibiro pa nito kaya mahina nalang akong napatawa.


"Magkano ba?"


[Joke lang. Unli call naman ako.] Rinig ko pa ang tawa nito sa kabilang linya. [Oh sige na. Pahinga ka na. Huwag mo ng masyadong isipin si tiya, ako nalang.] Natawa naman ako sa sinabi nito. Kahit kailan talaga. [Baka ikaw naman kasi magkasakit kapag pumasok ka bukas nang walang maayos na pahinga at stress pa.]


Napangiti nalang ako at nagpapasalamat sa isip dahil kahit abnormal 'to ay siya pa rin ang tumulong sa kapatid ko. Panigurado kasi na nag-panic 'yun kaya kung 'di dahil sa kaniya baka mas malala pa ang nangyari kay mama.


"Sige, goodnight." Paalam ko na rito at ako na mismo nagbaba ng tawag.


Sinubukan kong humiga at sinantabi ang cellphone para makatulog ako. Pero hindi pa rin ako makatulog kakaisip ng naisip kong gagawin bukas. Sana puwede pa ang alok niya. 


Bakit ba kasi hindi ko kaagad naisip ang kalagayan ni mama bago ako tumanggi sa alok niya? 


Milyon na naging siopao pa sa kabobohan ko. Buti sana kung nababayad ang siopao pampaopera. 


Kinabukasan ay tinawagan ko muna sila Kulot pagkagising ko para tanungin ang kalagayan ni mama. Hindi pa raw ito nagigising hanggang ngayon. 


"Oh, hindi papasok ka na anak?" Tanong ni ate Myrna pagkalabas ko ng kwarto, naglalapag ng pagkain sa mesa. Nauna pala itong magising sa akin kaya may pagkain na pagkagising ko. Ako na kasi nagluluto ng makakain namin sa umaga bago ako pumasok, para naman may silbi ako kahit papaano sa bahay na ito. Ayokong maging pabigat.


"Hindi po muna ako papasok tiya. May pupuntahan lang ako." Sabi ko rito. 


Nagtataka naman ako nitong tiningnan. "Kain ka muna. Saan ka ba?"


"Maghahanap po muna ng pera. Si mama po kasi nasa ospital, inatake po kagabi." Sabi ko naman. 


"Si Cenia? Hala, kumusta naman na siya ngayon?" 


"Sa ngayon po hindi pa rin siya nagigising. Mabuti nalang po dumating 'yung kapitbahay namin at siya 'yung nagdala kay mama sa ospital." Sabi ko nalang dito.


"Oh sige, kain ka muna bago ka maghanap ng pera. Tanungin ko rin mga pinsan mo kung may extra silang per--"


"Huwag na po. Ako na po'ng bahala." Putol ko sa sasabihin nito, hoping na sana ay puwede pa ang alok ng lalaki sa akin dahil siguradong mapapaopera ko na si mama sa laki ng perang inoffer no'n.

A Deal With A Billionaire | Billionaire Series 1Where stories live. Discover now