Chapter 10

278 13 8
                                    


It's been our 10th day dito sa cruise. Dahil sa laki nito na parang siyudad na ay kung ano-anong adventure nalang sinubukan namin ni Claire. Minsan sumasama si Ash tulad noong nag-dance class kami, doon ko lang din nalaman na hindi pala marunong sumayaw si kumag. Naturuan din ng wala sa oras si Claire ng ballet noong napadpad kami sa ballet class, ayun nag-enjoy 'yung bata kaya sabi ni Ash i-enroll ko raw siya sa ballet class sa Maynila.


"Wear this later on the ball." Sabi ni Ash at nilapag sa kama ang dalawang kahon na naglalaman ng susuotin daw namin mamaya.


"Yayamanin talaga e." Sabi ko at binuksan ito upang buksan.


It was an 'X' Backless Mermaid Silver Sequins Formal Evening Dress in ash grey. Hindi ganoon kalalim 'yung bandang dibdib nito. Buti nalang may cleavage ako kaya may korte rin papaano 'yung harap. Dahil gabi gaganapin ang ball I know for sure that I will stand our sa mala-glittered nitong appearance. Wow, I will definitely look expensive wearing this.


"Magkano upa nito?" Tanong ko kay Ash.


Kumunot ang noo nito na parang nagtataka. "Anong rent? I bought this for you."


Napadako ang tingin ko sa price tag at nalula nalang ako sa presyo nito. Nasa  halos 20,000 US dollar ang presyo ng gown na 'to. Kung sa peso ito nasa 1,113,940 pesos ang presyo nito, tatlong taong sweldo ko na 'to dati sa kumpanyang pinapasukan ko.


"Isang suotan lang naman 'to sa 'kin." Sabi ko rito dahil namamahalan talaga ako sa gown na isang beses lang naman sana susuotin.


"Kaya nga 'yan nalang binili ko since isang suotan mo lang naman." Sabi nito na parang balewala sa kaniya ang presyo. Take note for the word 'nalang'.


"Oh bakit ang mahal? Dapat sinabi mo sa 'kin na may paganito pala rito edi sana nakapaghanap ako sa Divisoria ng mas mura.


"Divisoria?"


"Oo 'yung maraming mura."


"Why? You don't like the dress? We can buy a new one." Sabi niya. 


"Bawas ba 'to sa sahod ko?" Parang bata akong ngumiti rito. Baka kasi bawas pala sa sahod ko 'to, magdadabog talaga ako.


"Oo kung hindi mo isusuot." He said leaning on the door raising his one eyebrow and form into a smirk.


"Ay hindi, susuotin ko 'to. Bagay sa 'kin 'to for sure. Kaganda kong nilalang." Sinakyan ko nalang siya. Maganda naman talaga 'yung dress. Grab ko na 'to since once in a lifetime ko lang masusuot itong ganito. 


"Good." He said.


Sunod kong binuksan ay 'yung kay Claire. It was an ash grey lace tulle long sleeve formal flower gown. The design is very conservative. Strict na tatay 'to for sure si Ash. Siya 'yung tatay na may pa 'dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay' drama for sure sa magiging boyfriend ni Claire.

A Deal With A Billionaire | Billionaire Series 1Where stories live. Discover now