Chapter 07

359 19 5
                                    

"We'll have to monitor your mother for 14 days dito sa ospital. But, we will still monitor her by 3 to 6 months after this.. because.. I'd like to be honest with you, during the operation, your mother had a heart attack so we still need to run more tests on her to see if the.. ahm.. there's no complication with her and the donor's heart kasi may instances po na hindi nagwowork 'yung heart ng isang donor sa recipient." Paliwanag ng doktor pagpasok nito para tingnan ang inay ko na nilipat na ngayon sa kwartong pagpapahingahan niya for 14 days.

"Yes po, Doc." Sagot ko rito. 

Napalingon ako sa pintuan nang pumasok ang mga magulang ni Varia na siyang naging donor ng inay ko. Nakangiti ito sa akin, ngunit hindi mapagkakaila nitong nalulungkot sila dahil wala na talaga sa piling nila ang katawan ng anak nila.

"Mr. and Mrs. Genita," tawag ko sa kanila. Tinanguan ko lang ang doktor nang magpaalam na ito.

"I'm glad that the operation went well." Panimula ng inay ni Varia. "I hope you'll take good care of her heart." Humihikbi na nitong sambit.

"I will, Ma'am," I answered.

Pagtapos umalis nila Mr. and Mrs. Genita ay binilin ko muna si nanay kay Natoy dahil kailangan ko pang sunduin sa school si Claire. 'Di ko kasi siya nahatid kanina dahil hindi pa 'ko umuuwi sa mansyon simula kagabi.

"Mommy!"

Sinalubong agad ako nito ng yakap pagkakita sa akin. Kasunod nito ang yaya niya na may hawak ng bag niyang malaki samantalang siya bitbit ay 'yung lunch box niya.

"How's school, good girl?" I ask her. She then showed me her four stars on her right hand. I smiled upon seeing that. She's doing well on school. "That's my baby." 

"I heard you didn't go home last night, Mommy?" Tanong nito pagpasok ng van.

"Ah yes, baby. I.. ahm.. may importanteng ginawa lang si Mommy kagabi."

Pagkauwi namin sa bahay ay dumiretso na 'ko sa kwarto ko para maligo dahil babalik pa 'ko sa ospital mamaya. Pababa palang ako ng hagdan nang makita ko na agad ang yaya ni Claire na nakatingin sa akin at parang balisa. 

"Bakit ate Gina?" Tanong ko rito.

"Ma'am magpapaalam po muna ako sa inyo. May problema lang po Ma'am sa probinsya. Papaalam lang po sana ako na kung pwede ako makauwi." 

"Sa akin ayos lang naman po kung ako muna magbabantay kay Claire. Pero kay Ash ka nalang po siguro magpaalam." Nakangiti kong sabi rito. Ayos lang naman kasi sa akin na ako nalang magbantay kay Claire muna since trabaho ko rin naman 'to bilang ina niya kuno

"Salamat po, Ma'am." Sabi pa nito bago nagpunta sa kwarto nila.

"Anong gusto mong kainin, anak?" Tanong ko sa kabababang si Claire na may hawak na Minnie Mouse.

"Cereal, Mommy." 

"Hmm," nakanguso kong lukot ng mukha sa sinabi nito. "But it's already lunch time. You have to eat rice."

"Alright Mommy, if you say so then I'll eat rice." Nakangiti nitong sabi at lumapit sa 'kin. Nilingon ko sila Ate Beth. Nakuha naman nila ang ibig kong sabihin at kumuha ng plato saka nagsandok ng ulam.

Pagtapos kong pakainin si Claire ay pinatulog ko na muna ito bago ako umalis para magpunta ng ospital. Bumili na rin ako ng mga prutas at makakakain sa fast food chain para may makain si Natoy dahil for sure wala pang kain 'yun.

"Wow, bubuyog!" Sabi nito sabay kuha ng supot sa kamay ko. Lumapit naman ako kay inay para halikan ito sa noo.

"Nay bawal ka muna sa mamantikan pagkain kaya pinalutuan kita ng pagkain kila Ate Beth. Hindi ko alam kung anong tawag dito e, pero gulay siya." Sabi ko rito at nilabas ang pinaluto kong pagkain kila Ate Beth kanina na low-fat. Marami kasi silang alam na pagkain at sa itsura palang ng niluto nila, halatang foreign vegan food itong niluto nila.

A Deal With A Billionaire | Billionaire Series 1Where stories live. Discover now