Chapter 06

311 20 2
                                    


"I have a good news." Bungad sa akin ni Ash pagpasok ko ng office niya. 


Ewan ko rito at bigla nalang akong tinawagan sa bahay at pinapapunta sa opisina niya, ASAP daw. Basa pa tuloy buhok ko nang lumabas at 'di ko man lang napatuyo muna.


"By the way, what happened to your hair?" Nguso nito sa buhok ko sabay sandal sa upuan niya.


"Naligo siguro ako, 'di ko sure." Puno ng sarkastiko kong sabi dahil urgent daw talaga ang sasabihin niya. 


"You don't have to be sarcastic, tsk." He said at inirapan ako. "We found a donor for your mother."


"HA?" Gulat kong tanong dito at mabilis na umupo sa upuang nasa harapan niya.


"Ulit-ulit?" Sarkastiko rin nitong sabi.


"Ah, gumaganti? 'Di nga? So kailan daw maooperahan si nanay?" 


Abot-saya ang nararamdaman ko ngayon nang sabihin na nitong may donor na si nanay. Sa wakas at maooperahan na ang inay ko. 


"We'll schedule it as soon as possible. If you want, we can go to the hospital." 


Dahil sa sinabi niya ay inaya ko kaagad siyang magpunta ng ospital para magpa-schedule ng operation kay nanay. Labis na tuwa ang nararamdaman ko habang tinatahak namin ang daan papunta sa ospital. Mamaya din ay pupunta ako sa apartment nila nanay para ibalita ang tungkol sa operation niya.


"We can schedule the operation the day after tomorrow. Tomorrow or mamaya kung kaya ay pwede niyo na siya i-confine dito so we can look into her first before the operation." Saad sa amin ng doctor pagpasok namin ng office niya.


"Who's the donor, by the way?" 


Napalingon naman ako kay Ash nang magtanong ito tungkol sa donor. Gusto ko ring makilala ang donor ng nanay ko at mapasalamatan sa kung ano man ang gagawin niya.


"She's confined here. The parents made a tough decision for this patient whom we declared as brain dead. We tried to convince them if they would like to donate some of their daughter's organs. Kung gusto niyo, maaari ko kayong samahan sa room niya to pay some visit and at the same time ay makapagpasalamat kayo." 


Hinatid kami ng doctor papunta sa room ng magiging donor ng inay ko. Pagpasok namin ay nakita agad namin ang magulang ng dalagang pakiwari ko'y kaedad ko na nakahiga ngayon sa kama at maraming nakakabit na wire sa katawan.


"Ikaw ba ang magiging recipient ng puso ng anak ko?" Tanong sa akin ng ina ng pasyente.


Malungkot ko itong nginitian. "Hindi ho. Ang inay ko po na ngayo'y may sakit sa puso." Sagot ko rito. 


Kanina lang ay masaya ako para sa inay ko dahil may donor na siya, hindi ko man lang naisip na may isang magulang na mawawalan ng anak. Alam kong isang napakalaki at napakahirap na desisyon itong ginawa nila para sa anak nila. Kung ano man ang rason kung bakit sila pumayag sa alok ng doktor, ay gusto kong pangalagaan iyun.

A Deal With A Billionaire | Billionaire Series 1Where stories live. Discover now