Chapter 08

301 14 3
                                    


"Ako na muna maglalaba, nay." Sabi ko sa nanay ko at sapilitang inaagaw sa kamay niya ang mga labahan. Kalalabas lang kasi ni inay sa ospital tapos heto siya ngayon at gusto na agad maglaba.


"Nak naman, buryong-buryo na 'ko kakahiga sa ospital hanggang dito ba naman sa bahay hihiga pa rin ako? Gipamaol na 'ko." - 'Sumasakit na katawan ko.' 


"Exercise ka roon, nay. Ako na rito. Huwag ka lang tumambling ah." Pabiro kong sabi rito. 


"Para ka namang boang." Natatawa nitong sabi at umalis nalang daw alam niyang hindi ko talaga siya papayagang maglaba muna. 


"Nay, sabi ni Tiya Myrna dadalaw raw siya rito." Malakas kong sabi rito dahil nasa kusina na siya ngayon, naghahanda ng pagkain namin.


"Anong oras daw?" 


"Lunch time siguro." Sagot ko rito pabalik. 


Tumayo ako saglit para kunin ang cellphone ko nang tumunog ito. "Uy Kulot na salot!" Pambungad ko rito pagtapos sagutin ang tawag.


[Abnoyesa! Kumusta si tiya?] Tanong nito sa kabilang linya.


"Nakauwi na sila kahapon ng gabi."


[Buti naman. May tatanong lang sana ako saka favor na rin.]


"Ano 'yun?" Tanong ko rito at lumabas muna ng laundry room after mabuksan ang washing machine. Sinenyasan ko naman si Natoy para tulungan si inay maghiwa ng mga lulutuin.


[May available ba diyan na pwedeng pagtrabahuan?]


"Uy bakit? Luluwas kang Maynila?" 


[Oo sana. Mas maganda yatang magtrabaho diyan?]


"Ay naku, akala mo lang. Hirap din maghanap dito ng trabaho. Ano bang pag-aapply-an mo sana?" Pagdidiscourage ko na sa kaniya dahil totoo namang mas mahirap magtrabaho sa Maynila para sa akin lalo na kung hindi naman talaga taga-rito. Saka mas maganda buhay sa probinsya para sa akin. 


[Construction worker, bakit?]


"Sure ka na diyan? Marami naman ditong construction company na on-hire. Barracks ka nalang." Sabi ko rito. Mahirap naman kasi kapag uupa pa siya. Mas mahal pa upa sa bahay saka utilities kaysa sahod.


[Kahit ano diyan. Sabihan mo 'ko mga requirements na hinihingi.]


"Sige sige. Dito ka na naman magkakalat sa Maynila." Pabiro kong sabi rito. Narinig ko naman ang tawa nito sa kabilang linya.


[Abnormal! Magkakalat lang ako ng kagwapuhan.] Mahangin nitong sabi. Kung nandito lang 'to baka inupakan ko na 'to.


"Oh sige na, sige na. Nabuburyo na 'ko sa kahanginan mo. Murag tinuod!" 'Akala mo naman totoo.'


A Deal With A Billionaire | Billionaire Series 1Where stories live. Discover now