Chapter 09

319 15 11
                                    


"Bakit, anak?" Tanong ko kay Claire pagpasok namin dahil biglang humigpit ang hawak nito sa kamay ko. Umakto naman ito na tinatakpan ang bibig na parang naduduwal. Agad ko siyang hinila papuntang CR dahil baka nagkaroon ng sea sickness.


"What happened?" Nag-aalalang sunod sa amin ni Ash.


"Baka naninibago lang." Sagot ko rito at nilagay ang buhok ni Claire sa isa kong kamay habang pinupunasan ng panyo ang pawis nito. "Paano pala 'yan? Sabi 11 days tayong maglalayag."


"I'm fine, Mommy. Don't worry." Sambit ni Claire at pinunasan ang bibig. 


"You sure? Pahinga ka kaya muna, baby. Saka na tayo lumabas." I said na kinatanguan niya nalang. Lumingon ako kay Ash. "Dito nalang muna kami."


"Ok. I'll go look for my friends." Paalam nito na kinatanguan ko lang.


Nanatili muna kami ni Claire sa kwarto para makatulog muna. Maya-maya makakapag-adjust din 'to.. hopefully. Inaayos ko muna mga gamit namin tulad ng hygienic materials namin. Though meron na sa room pero mas gusto kong ipagamit itong mga dala namin. Sayang naman dadala-dala kami tapos gagawin lang pala naming pampasikip ng bag.


Nang magising si Claire ay bumuti naman na raw ang pakiramdam niya. Sakto at nag-text din sa akin si Ash na bumaba raw kami sa Fiesta Deck sa 6th deck. Sinusubukan ko siyang tawagan para tanungin kung saan 'yung Fiesta Deck na sinasabi niya.  Pero hindi niya sinasagot. Ignorante pa man din ako, baka maligaw lang kami sa siyudad na 'to. 


Nag-text ako sa kaniya pero wala ring reply kaya lumabas na kami ni Claire. 


"Miss, do you know where the Fiesta Deck is?" Tanong ko rito. Hindi talaga ako nagtagalog dahil mukhang foreigner itong crew na 'to. 


"It's in the 6th deck, Ma'am." Nakangiting sagot nito.


"Ow, sorry. Thank you, by the way." Sabi ko rito. Hinila ko na si Claire pababa. Nasa 9th deck pa kasi 'yung suit namin. Ayoko naman mag-elevator kasi baka may ritwal pang ginagawa sa elevator ng mga mayayaman at 'di na kami makalabas ni Claire. 


Hinihintay ko ang tawag ni Ash habang hinahanap siya rito sa buong deck. Hindi kasi sinabi kung saan siya. Ang sinabi lang Fiesta Deck. 'Di naman ako na-inform na ang dami pala rito ganap kaya 'di ko alam kung saan siya sumusuot dito. 


Nang makarating kami sa dulo which I assume na ito 'yung dining room dahil napupuno ng mga lamesa at upuan ang paligid. May parang catering din sa dulo. Ginala ko ulit ang paningin ko baka sakaling mahagilap ko si Ash. 


Agad naningkit ang mga mata ko nang makita ko itong may hawak na wine habang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya lalo na sa babaeng katabi nito na halos mabali ang ulo kakatingin kay Ash. Dahil sa inis ko ay lumakad na 'ko sa buffet table.


Kumuha ako ng plato para sa amin ni Claire at kumuha ng makakain namin. Bigla akong nainis habang tinitingnan silang dalawa. Kaya naman pala hindi siya sumasagot sa tawag ko, busy palang humarot.

A Deal With A Billionaire | Billionaire Series 1Where stories live. Discover now